One last question, one last exam.
After this goodbye MEDICINE LEVEL 3
Hello Clinical Clerkship!!!!! Excited na ako maging Medical Clerk!
Pero iisang question nalang, bat parang ang blanko na ng utak ko, come on brain may brain cells pa akong natitira paki alog na lang oh kaya payan pumili nang sagot sa choices
Medicine is a tough path to take, hindi lahat may kakayahan para makapagaral ng Medicine, marami sa batch ko na first week pa lang nag dropout na, meron din na malapit na matapos ng academic year nagkaka mental breakdown at piniling mag dropout.
Aside that it's financially draining, it is emotionally, physically and mentally draining.
We have a different world, a non-med student wouldn't understand the struggle we have, a world na kami kami lang ang nakakaintindi -that's the hard truth.
We study hard to save lives while destroying ours.
Oo alam nang lahat mahirap ang medicine, but di nila alam if gano siya ka hirap. It's as deep as the earth's core ang pagkahirap niya.
That's why kailangan mo talaga ng emotional support.
If you are a genius, swerte mo, may mga kaklase ako na summa cumlaude, dean's lister pero umiiyak araw araw habang nagaaral, pano nalang yung mga katulad ko?
Tulad ko na may average to above average IQ, oo nag TOP at dean's lister din ako dati, but sipag at tiyaga ang puhunan ko to consistently excel in academics.
Kinuha ko na ang scantron paper at yung questionnaire ko, niligpit ang mga lapis at ipinasa kay Doc Uy sa harapan.
Paglingon ko papalabas, sheeetamax less than 10 na lang pala kami ang natitirang kumukuha ng exam.
Mabuti na lang hindi ako yung last, may sumpa kasi na kung sino palagi nahuhuli magpass ng paper sila yung mga nababagsak, nako ayaw ko nun!
Pagkalabas ko sa hall bumungad agad sakin yung mga diskusyon ng mga classmates ko sa ganito, sa ganyang question. Yung iba tulala na lang at di na sigurado if may tama ba silang naisagot.
"Hoy Monique!" Tawag sakin ni Ate Rosie kasama niya sina Suzy at Railee
"Pinerfect mo yung exam no!?" Tanong saakin ni suzy
"Baliw, perfect ka diyan parang 34 lang yung sure na sagot ko"
"Ay magkakaibigan talaga tayo" at nag thumbs up si Suzy
Nagsitawanan na lang kami, at di na inisip yung exam.
Move on na
If Pasado, edi pasado
If bagsak, edi umiyak ka na lang.
Di joke, sayang yung tuition na 250k per sem, di kami milyonaryo
Kumain muna kami ng lunch, at pagkatapos ay dumeretso na sa condo ni suzy para dun tumambay at mag nap before kami umalis mamaya.
Napagusapan kasi namin na mag celebrate kasama din namin yung ibang kaklase namin.
Although hindi ako mahilig uminom ehh sumasama ako, kawawa naman sila if walang taga hawak ng mga buhok nila kapag sumusuka at taga uwi ng mga lasing.
Naghilamos ako, nag bihis at natulog na sa kama ni suzy, habang silang tatlo ay busy sa pagchichismis.
Jusko hindi ba naubos yung energy nila sa exam kanina?
Sa aming tatlo ako yung introvert, sila yung very extrovert at tatlo din sila taken na, ako na lang yung hindi.
Kaya nga from time to time pinagsasabihan nila ako na magboyfriend na.
YOU ARE READING
Hard to Love
RomanceSabi nila Eldest daughters are the hardest to love, because they were built to be tough and extremely independent with silent expectations lying on their shoulders. Minsan sa sobrang selfless nila, nakakalimutan na nila maging masaya at mahalin ang...