Chapter 36: Unexpected Gift

8 1 0
                                    

🍭
Messenger

12:19 PM

Milka:

Sabi niya, peace offering.

Crystal:

bakit?

kung nakikita ko siguro mukha mo, inasar na kita. malamang nakasimangot ka. ano ba kasi ang laman nang binigay niyang ‘peace offering’ at nagkakaganyan k?

hindi mo ba gusto? ay! an arte.

Milka:

LOL.

A set of bracelet, necklace, anklet, earrings and ring.

Hindi ito peace offering. Ang peace offering ay dapat pagkain o kahit anong pwedeng ibigay na makakain o magagamit agad. Hindi set ng accesories, ibabalik ko ito sa kanya.

I don’t need this.

I don’t wear accesories.

Crystal:

a set of accesories?!

omg!

at ring?

nagpro-prose agad?!

pero huwag mo ibalik! binigay niya na, eh, ang rude naman kung ibabalik mo dahil lang hindi iyan ang inaasahan mong ‘peace offering’ na ibibigay niya.

bigay mo na lang sa akin iyan, nako magtatatalon pa ako sa saya niyan!

Milka:

No. I won’t allow that.

He gave this to me.

Crystal:

tingnan mo ’tong babaita na ’to!

gusto mo rin pala, kunwari ka pa! ang choosy! hindi naman ginto ang mani mo, ah! 5anggapin mo na lang, baka iyan ang sign niya na gusto niya nang manligaw.

malay mo, hindi ba?

nothing is impossible, sisteret.

Milka:

You’re overreacting. Kung hilain ko kaya iyang mani mo.

No. He’s not.

Ni wala nga kaming relasyon tapos magpo-propose at anong ligaw na naman iyan?

Crystal:

noted, sisteret!

ilalagay ko pa iyan sa notes ko!

sasabihin ko iyan sa kanya para naman alam niya na ang magiging galaw niya para maipanalo ang puso mo. gusto mo pala may relasyon muna bago ang proposal, ah!

gotcha!

Milka:

Crazy Cris.

Hindi ako gusto ng tao, nakikipagkaibigan lang, siya. Halata naman, eh. Hindi naman big deal iyon, eh. We’re just hanging out, end of the story. That’s it.

Crystal:

ang tanong, iyan din ba ang nasa isip niya?

huwag manhid, bestfriend.

mamaya ang friendly hangout na nasa isip mo ay ang chance niya para makasama ang babaeng interesadong-interesado siya. ano ang gagawin mo kung ganoon nga?

Seen

Crystal:

Right?

Seen

Tearrance and MilkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon