Three

0 0 0
                                    

CHAPTER THREE: I've been waiting for this? Wait.. No? Maybe a little.

_____________________

It has been a long day, I did my skincare routine while sending an email to Mr. Yu secretary. I had to secure our spot on his list para sa partnership. I've sent his company bunch of information about the cruise. Though, I know he probably know the rest.

I was trying to make myself fall asleep while watching mukbang in youtube which is not a great help by the way. My mom suddenly opened my door, I swear Im about to get a heart attack. She's using that mugwort mask and it scares the shit out of me.

"Ma! You could've knock!" Sigh. She went close to me at hinampas ako sa balikat.

"Huwag ka ngang sumigaw! Tulog na sila. Ah! Napagisipan mo na ba?" Tinitigan ko siya, anong napagisipan ko?

"Minessage ako ni Chinie. Mamayang gabi na raw ang reunion niyo." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tininutok ang sarili ko sa screen ng laptop ko kahit alam ko namang nalipad ang utak ko sa reunion na sinasabi niya.

"Ano ka ba! Minsan na nga lang kayo magkita ng mga dati mong kaibigan at classmates. Pumunta ka na. Hindi ka naman naghihirap, maganda ang buhay mo. Walang pupuna sayo o ano man." Saglit ko siyang tinignan at ibalik ulit ang tingin ko sa laptop ko.

Wala akong balak makipagtalo sa kanya. Pinagiisipan ko parin hanggang ngayon.

"Eli, nakiusap sakin sila na pilitin kang sumama. Minsan lang 'to. Pumayag ka na. Bahala ka mapapanaginipan mo na sumama ka ng reunion. Pati panaginip mo hindi ka tatantanan!" Sinimangutan ko siya at hindi pinansin.

Lumabas naman siya agad sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Nakakainis naman eh!

Pinatay ko na ang laptop ko at ang ilaw. Itutulog ko nalang ito.

-

Nagising ako sa sigaw ng mama ko, anong oras na ba?

Shit!

3:45pm na?! Grabe namang tulog yon!

"Ano ngayon ka lang nagising? Akala ko wala ka nang balak gumising eh." Nginitian ko siya.

"Huwag ka na mainis. Nakapagdecide na ako, pupunta ako." Agad ko namang nakita ang ngiti sa labi niya. Umirap ako at naghanap ng makakain.

"Huwag ka maraming kainin para maganda ang katawan mo" napasimangot naman ako.

"Eh nagugutom na ako anong oras na ako nagising oh!" Hinampas niya ang likod ko.

"Kasalanan ko ba iyan? Nalabhan ko na yung dress na binili mo. Maganda yon, yun na ang suotin mo" Binili ko naman talaga 'yon para don suotin.

"Okay, Ma." Nagsimula na akong kumain pagkatapos nito ay maliligo na ako.

**

"Ito ang earrings na suotin mo" bigla bigla nalang talaga siyang pumapasok sa kwarto ko.

"Mama, hindi ka talaga kumakatok nakakagulat ka." Hindi siya nagpapigil at sinuot ang paborito niyang earrings sa akin.

"Ayan napakaganda!" Nagpacute naman ako sa kanya. "Ng earrings. Nagmukha kang tao." Dagdag niya na kinasimangot ko naman.

By 4:45pm ready na ako. Hindi naman ako gaano nagmadali dahil malapit lang naman ako sa school. Wala pang 10 minutes na lakad naroon na ako.

"Ma, ready na ako. Aalis na ako." Kinuha ko na ang bag ko.

"Ihahatid ka na ni Joms." Magtaka ako sa sinabi niya, bakit pa raw ako ihahatid?

"Ang lapit nalang bakit ako ihahatid? Sasakay lang ako ng de-pedal." Hinampas nanaman niya ako sa balikat.

A Last Chance to Love in this LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon