Chapter 1: Indenial

13 2 2
                                    

I was a boy in the village doing all right then i became a princess!!! Hoyyy dika magkakaganyan. Ako si john isang normal na estudyante, honor student, at isang super extrovert na tao.

First day ko bilang isang senior high school student, nakaka-kaba, at the same time na eexcite akong makilala ang mga bagong classmates ko. Medyo ok naman ako sa section na napuntahan ko kasi ilang mga dati kong classmates ay kaklase ko parin hanggang ngayon, and then bigla na akong tinawag para i introduce yung sarili ko sa class, medyo kinabahan ako kasi classmate pala namin yung mga student na kasali sa overall top 10 last school year, after ko magpakilala kahit papaano naging maganda yung pakiramdam ko sa room, maya maya naman biglang nag desisyon yung advicer namin na mag elect ng classroom officers, natuwa ako kasi balak kong mag president ulit, dahil president din ako no'ong grade 10 ako. Nalungkot ako bigla kasi nasa isip ko na wala namang mag nnominate sakin kasi di naman nila ako kilala, nang biglang may nagtaas ng kamay at biglang "I respectfully nominate John Perez for for the position of President", laking gulat ko nang marinig ko yun galing pa sa mga dating overall top 10 ng batch namin, sya si Vincent Gomez, isang student leader, academic achiever, at campus jornalist.

Bigla akong napa-ngiti at the same time biglang na pressure kasi sino ba naman ang hindi ma ppressure pag isang Vincent Gomez ang nag nominate sayo. Akala ko mananalo nako kasi walang ibang nag nnominate ng president, hanggang sa biglang nag-taas ng kamay yung isang classmate namin at ninominate si Mr. Daniel Buenaobre, isa rin syang student leader, academic achiever at campus journalist. Halos parehas lang sila ni Vincent ng credentials kaya kinabahan ako nung tinanggap nya yung nomination. Nag start ang election at natalo ako, malungkot at the same time masaya kasi naging Vp naman ako ng room.

Nang mag-lunch break na shinare ko yung nangyari sa room kay Roxy Carmelia, ka talking stage ko. Yes, may ka talking stage ako, nag-aaral sya Nilston University, alam ko naman na di nyako gusto, pero ganto ako eh, hirap mawala yung feelings sa isang tao, malay ko ba bakit ako ganito naalala ko tuloy yung nasabi ko dati sa dati kong ka talking stage na si Freya Reyes.

Naging maganda naman yung experince ko sa room, hindi pa nga inabot ng isang linggo parang ilang years na kaming magka-kaklase.

Few weeks later........

Kakatapos ko lang maligo, syempre kina-usap ko agad si Roxy, sayang saya akong kausap sya kahit na alam ko sa sarili ko na wala talagang pag-asa, wala naman akong magagawa, ang tanging magagawa ko lang ay mahalin sya nang walang hinihinging kapalit. Habang kausap ko si Roxy may biglang nag pop up sa screen ko, laking gulat ko nung nakita kong nag chat si Vincent. Agad ko naman tong binuksan at laking gulat ko nang bigla nya akong inoferan na tumakbo bilang SSG VICE PRESIDENT sa school namin.

"John, interesado ka bang maging SSG VP sa 2022?"

Ang laki naman ng posisyon na ino-offer mo atsaka, kailan ba ang SSG Election?

"Sa September 5, ano gusto mo ba?"

Sige, kung kukunin nyoko

"Sige, sabihan ko na sila na may Vp na ang AVENUE PARTY."

Hindi ko ba alam bakit hindi ko magawang tumanggi kay Vincent, siguro gusto rin talagang tumakbo walang ibang dahilan.

Kinabukasan, nag excuse kami ni Vincent sa class para mag-prepare sa campaign, ayon medyo awkward sa mga ka-partido pero sya panay daldal sa lahat kahit na pagod na kami. Tumakbo pala s'yang P.I.O ng partido, kahit sino naman ang tanongin bagay sakanya yung tinakbuhan n'yang posisyon, inabot din kami ng ilang araw sa pangangampanya, nakakapagod pero, sige lang, go lang para sa good governance sa school. Hindi ko rin ma explain yung saya ko sa partido? Wala namang ibang nagpapa-ingay sa partido kung di si Vincent, ang jolly nya, kahit anong gawin mo hindi mau-ubos yung social battery nya.

Dumating ang araw ng election, kabang kaba kami dahil first time naming tumakbo bilang SSG Officer, laking gulat namin nang may isang di bumoto sa'kin sa room at dalawa naman sakan'ya, hindi rin natin mapagka-kaila na may mga taong ayaw sa'min.

Sobrang daming nangyare sa loob ng ilang araw na pangangampanya yong, kaya mahirap din sa'min na magka-hiwalay.

After class, sabay kaming bumama ni Vincent para tignan ang resulta ng botohan, kabang kaba kami, at the same time natutuwa kasi alam naming ginawa namin ang best namin sa journey na 'to. Sabay sabay kaming tumalikod at biglang harap nang mai-kabit na ang resulta ng botohan, pag-akyat namin ni Vincent sa stage, ngumiti nalang kami sa isa't-isa, talo kami, pero ok lang yon, may mga ibang paraan pa naman para maging isang student leader. After namin tignan ang resulta ng botohan, nag decide kaming mag-picture at mag-video sa huling beses bilang isang partido, nasa hulihan kami ni Vincent sa picture taking at video, habang nag Vvideo kami, bigla namang humakbay si Vincent sa balikat ko, nakisabay nalang ako kasi alam ko namang dala lang yon ng kasiyahan, malabo namang may gusto si Vincent sakin atsaka may ka-talking stage ako ay sya naman may ka 2 years relationship, kaya malabo yung nasa isip ko at alam kong kaibigan lang din ako turing ko sakanya. Straight ako, kaya alam kong tropa-tropa lang yung samahan namin, walang halong ka-kaiba.

Kinabukasan, balik normal na estudyante ulit, medyo naging busy narin kasi hinahabol namin yung mga na missed nami na activity dahil sa campaign, balik din sa normal yung buhay. breaktime, china-chat ko si Roxy, at si Vincent naman nasa room lang, minsan kasama nya yung boyfriend nya na si Kaiden Smith. Pag nakikita ko sila, ang cute nilang tignan, diko rin pero minsan pag-nakikita ko sila may bitterness akong nararamdaman, siguro dahil diko kasama yung taong gusto ko, sana nga ayan lang yung dahilan.

535Where stories live. Discover now