It's been a week nang matalo kami sa election, but Hindi ron natapos ang pagsisilbe namin sa students. President si Vincent ng isang Club Organization sa school, kaya nung natalo kami ay agad kaming pinasok ni Vincent sa club nya.
After kong sumali sa Club ni Vincent, tumakbo akong president ng isang Social Science Club at nanalo. Ito yung first time na mag serve ako sa isang school organization na wala si Vincent sa tabi ko, medyo mahirap pero kinaya naman. Kulang ng isang officer yung club ko kaya kinausap ko sya kung baka gusto n'yang mag officer sa club ko, at pumayag naman sya. Kaso diko s'ya kinuha, hindi ko rin ba alam kung ayaw ko ba syang makasama or na insecure ako sakanya.
Natapos ang mga activities ng club sa loob ng isang buwan at nang mag-culminating activity na hindi ako nag-dalawang isip na kunin s'yang bilang host ng culminating ng club, pumayag naman sya at laking pasasalamat ko dahil sya yung bumuhay sa boring na culminating event na yun.
Habang tininitignan ko s'yang mag host, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, masaya na parang may doubt na hindi ko ma-identify kung ano bang doubt yung nararamdaman ko.
After a week, na appointment kami ni Vincent kasama si Kaiden, ang boyfriend nya. Na appoint si Vincent bilang isang P.I.O at kami naman ni Kaiden naging P.O. Masaya kasi another student organization naman yung pag sservan namin as a leader, pero hindi ko talaga alam kung bakit diko ma explain yung nararamdaman ko pag nakikita ko silang mag-kasama, masaya naman ako, pero diko ma explain bakit ganon.
Marami ang naging activity ng club na magkasama kami ni Vincent, diko ba alam bakit ang inactive ni Kaiden, eh kasama naman nya boyfriend nya.
Masaya ang naging takbo ng mga activities sa club, may isang activity kami na magkasama kami bilang Facilitator, nag d-document s'ya, pinipicturan ang mga participants, nang biglang may nag pop up sa messenger ko.
"Bloopers"
Nag send sya nang mga pictures ko na stolen, natatawa ako na ewan, pinag tripan nya ba ako?
"iba magbantay si John, Ma'am Kate"
"Walang hindi nakikita"
Tinawanan nila yung sinend ni Vincent, hindi naman ako nainis, natuwa pa'ko, diko alam sigiuro kung ibang tao ang gumawa sa'kin nun Siguro nasapak ko na.
Natapos ang activity at pa-uwi na kami, tinanong ko s'ya kung bakit mag-isa lang s'yang uuwi, bakit hindi nya masyadong nakakasama yung boyfriend nya. Medyo nawala yung saya sa mukha nya, kahit na itago nya sa'kin yon, nararandaman ko parin.
"Ahh, wala naman, busy sya eh, kasama nya yung mga classmates nya may gagawin sila."
Hindi na'ko nag tanong pa at baka sa tingin n'ya Hindi ko nire-respect yung privacy n'ya.
Bigla kong na-isip na i libre s'ya,
"Tara, Milktea." Malakas na sabi ko
"Wala pa'kong pera eh, next time nalang."mahinang sabi n'ya
Bigla ko naman sabing "Sino bang nagsabi na gagastos ka?"
Laking gulat ko nang hatakin n'yako palabas ng room, "Ito naman, di nag sa-sabi agad, tara na bagal mo."
Ang lakas n'ya ah, pero di naman ako nasaktan, naka-hawak s'ya sa braso ko habang nag-palabas kami sa school, medyo kinakabahan ako dahil baka makita pa kami ng boyfriend n'ya, wala naman kaming ginagawang masama, pero yung hawak n'ya para kaming mag jowa.
"Ba't naman ganyan yang itsura mo, parang may tinataguan ka?" Biglang sabi n'ya
"Wala naman, kinakabahan lang ako, naka-hawak ka kasi sa braso ko, baka makita tayo ng boyfriend mo kung ako pa isipin" mahinang sabi ko sakanya