CHAPTER 15

445 23 3
                                    

Nagkaroon muna kami ng practice match bago mag start ang klase.

Tinext ko ang senior namin at sinabing hindi ako makakasama sa kanila sa laro nila at mukhang wala naman siyang magagawa roon.

"Mine!"
"Cover!"

Nag palitan ng tira ng bola at habang tumatagal ay nagiging player ng volleyball ang mga player namin, salamat kay Coach Ray.

"Nice set!"
Nag apir kaming mga nasa team namin nang maipasok namin ang kumplikadong tira na 'yon, almost line na rin kasi.

After ng match ay nakita ko si Ashra na masama ang tingin sa'kin habang may hawak na tubig.
As usual hawak niya ang tubig ko na ang ibig sabihin lang ay dapat na lumapit ako sa kaniya.

*Sigh*

"Iniwan mo 'ko."
Inis na aniya.

"Bakit ka sasabay sa'kin? Alam mo namang tuwing Wednesday may maaga kaming practice?"

"Sabi sasabay ako dahil may kakausapin ako ng maaga rito sa school."
Hinayaan ko lang siyang mag reklamo habang umiinom ako ng tubig.

"Hindi ka na naman makikinig."
Singhal niya.

"Nagger ka na ngayon?"
"Nagger? Pag 18 ko kukuha agad ako ng lisensya para hindi makaistorbo sa'yo, che!"

Ang daming sinasabi.
"Sige, sana mapa payag mo si Mama."
"Pag 18 ko iinom agad ako ng alak at gagawin lahat ng gusto ko."

Umiral na naman ang pagiging childish niya.

"Sige lang, gawin mo lahat ng gusto mo."
"Talaga."

"Hey hey hey... Ang aga aga highblood agad ang source ng presyon ng mga teacher dito."-Kailey

"Oo at nakakairita rin 'yang mukha mo."
Natawa lang si Kailey sa kaniya, napangiti naman ako.

"Meron ka ba?"-Kailey
"Mukhang malapit na magkaroon 'yan kaya badtrip."

"Ewan! Bahala kayo riyan."
Naalarma ako.

"Teka, sabay na ako."
Mabilis kong kinuha ang bag ko.

"Update mo ko kung anong pag uusapan."
Sabi ko kay Kailey

"Ok."
Sumunod ako kay Ashra pero hinila ko siya papunta sa CR dahil mag bibihis muna ako at mag fe freshen up bago pumasok sa klase.

"Huwag ka na ngang bumusangot diyan."
Nakatuwad akong nag hilamos tapos bigla niya akong sinipa sa pwet.

"Hey!"
Reklamo ko.

"Bleh!"
Napairap nalang ako. Ayan na naman ang pagiging childish niya.

"Baka mamaya madumi na pwetan ko."
Tiningnan ko ang pwetan ko at pinagpag.

Tinarayan niya lang ako.

"Bilisan mo, may pupuntahan ako."
"Pupuntahan? Sino?"
"Basta."

Amoy gulo na naman.

Mabilis na tinapos ko ang pag aayos dahil dumadami na rin ang tao sa CR at lumabas na kami.

Dumaan muna ako sa locker ko na pinaayos ko na ang mga butas para hindi mapuno saka iniwan doon ang ilang gamit ko.

"Sino bang pupuntahan mo?"
"Yung gasoline girl."

Eh?
"Why? Anong gagawin mo?"
"Makikipag kaibigan."

Kinuha ko ang chichirya ko at kumain habang nag lalakad.

"Zephy!"
Nandito na rin si Kailey.

"Oh? Anyare?"
Nakikuha siya sa chichirya ko.

THE SISTER I FOUND |GXG|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon