CHAPTER 37

211 21 2
                                    

Bago umalis sila Mor, tinadtad niya muna kami ng asar hanggang sa pareho kaming mamula sa sobrang hiya sa isa't isa. Grabe talaga siya, hindi siya titigil hanggat may masasabi pa siya.

Hinatid namin sila sa labas matapos naming kumain.

"Gusto ko na ng mini you, Ashra. Zeph, baka magawan mo ng paraan."

O///O
Sobrang nag init ang mukha ko.

"Mama, si Mommy oh."-Ashra
"Halika na nga, kung anu ano mga sinasabi mo."

"Zeph, ok lang kahit anong gender. Kahit ako na mag papalaki."

Inalalayan ko na silang makapasok sa loob para matigil na si Mor.

"Bye, ingat po kayo."

Pero nilabas pa rin niya ang ulo niya.

"Wala akong tiwala sa iba kung si Ashra ang usapan. Gawin mo lahat para mapapayag mo siyang pakasalan ka."

O///O
Moooooor!!!

Hiyang hiya na talaga ako.

"Bye!"
Tugon ko nalang.

"Huwag mong kakalimutan yung sinabi ko!"
Pahabol ni Mor hanggang sa makalayo na sila.

Parang sobrang sikip ng paligid ko.
Pag tingin ko sa kaniya parang namumula rin siya.

"P-pasok na."
"Una ka na."
Natigilan kami pareho pero noong napag tanto naming walang gagalaw sa'min ay sabay na kaming kumilos sana pa pasok sa gate kaya natigilan ulit kami.

*FAST HEARTBEAT*

"Damn, this is embarrassing."
Aniya at nauna nang pumasok sa loob.

Siya lang ba?
Dahil hindi pa kami ok, nagiging awkward sa'min ang lahat.

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nabaliw muna roon kakaisip. Nag bihis na ulit ako dahil pupunta ako sa trabaho, malapit na kaming matapos sa ginagawa namin.

Pag labas ko ay nandoon siya sa mesa at nag titimpla ng kung ano.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Coffee?"
Aniya.

"No, thanks."
Tama lang din na umalis na ako rito, marami na rin naman akong alam tungkol sa kaniya, para na rin iwas ilang.

"Ah, yung damit mo sa CR, naiwan."
Ha?!

O///O

Nakakahiya!!
Nag init ang mukha ko at mabilis na pumasok sa CR.

"Nakakahiya"
Bulong ko.

Mabilis kong kinuha 'yon.
Pag labas ko ng CR naka sandal siya sa sink na humihigop ng kape habang tinitingnan akong sa ginagawa ko.

"There's nothing to be embarrass."
"Sa'yo, marunong ka pa bang mahiya?"
"Yeah, a little bit."

Tsk!
Napailing nalang ako.
Inayos ko muna ang gamit ko atsaka lumabas ng kwarto.

"AYPALAKA!"

Napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Prenteng naka tayo si Ash sa gilid ng kwarto ko.
Sumilip muna siya sa loob bago tumingin sa'kin.

"Nag iimpake ka na?"

Excited na ba talaga siyang paalisin ako?

"Mamayang gabi, huwag kang excited."
"Ahhh..."
Tango tango niya.

Nilampasan ko siya.
"Pupunta sila Joy rito mamaya."

Parang kinuryente ang buo kong katawan sa pangalang 'yon.

THE SISTER I FOUND |GXG|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon