CHAPTER 1

16 2 0
                                    

Lei Ann's POV

"Mom! Dad! Kuyaa!" Paulit-ulit kong tawag sa gitna ng maraming tao na parang umiikot sa aking paligid.

Sa gitna ng maraming pagsabog ng mga gusali, pagkawala ng mga kapwa ko tao. Hindi ma-isip kung ano ang gawin sa sitwasyon na ganito.

Ganito nalang palagi. Paulit-ulit ang nangyayari. Hanggang sa gigising na ako at hindi ko parin alam ano ang sumunod na nangyari.

~CRINGG-CRINGGG-CRINGG—

Matapos kong patayin ang aking alarm clock. Napagdisisyonan kong bumangon nalang. Naabutan ko c mama na nahahanda na nang makain namin sa kusina kasama si papa since mamalengke kami mamaya para bumili ng aking kagamitan para sa paparating sa pasokan.

"Good morning ma! Good morning pa!" Bati ko sa kanila hanggang sa makaupo ako sa stool sa kitchen area na nilulutoan ni mama.

"Good morning Anak!" sabay na sabi nila mama at papa, at nagkatinginan na parang bago lang sa kanila na sabay sila palagi bumabai sa akin pabalik. At natawa naman ako sa kanilang tawa.

Humarap sa akin c mama at may sinabi "By the way anak. Okay lang ba ang tulog mo?". Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Kaya napa Ahhh~ nalang c mama tugon sa aking tango.





HABANG kumakain kami. Ang tahimik lang namin. Parang may kakaiba kahit na ganito talaga kami palagi pero parang may mali talaga. Kaya-

"Ma? Pa? Ano pong meron"

Nagkatinginan sila at nag unahan pa kung sino ang masasalita.

"Uhmm. Anak... ano kasee.. ang -"

"Lilipat ulit tayo anak", Putol ni Papa sa sasabihin ni Mama

'Huh??! Bakit na naman? Saan na naman tayo pupunta?!' sabi ko sa isipan

"Lei anak, ano kase ganito. Ang lilipatan na trabaho ng Papa mo ay mas maganda at alam mo naman maraming kaaway ang papa mo sa katrabaho kahit wala naman siyang maling ginagawa... Kaya ayan. mas mabuting lalayo na lang tayo upang walang gulo" Sabi sa akin ni mama

Tumango na lang ako dahil wala naman akong magagawa dahil desisyon nila yun at anak nila ako. Alam ko na mas marami silang alam para sa kabutihan naming tatlo lalo na sa kalagayan ko.





NAGSIMULA na akong mag-impake dahil ngayon daw kami lilipat. Okay lang naman sa akin dahil wala naman talaga akong masasabing kaibigan sa tinutuluyan kong eskwelahan last school year. Bago ko makalimutan, I'm Lei Anne Shae, currently 17 and this comming school year is Senior na sana ako pero ayun nga nawala. Lilipat ulit kami. Kun magtatanong ka kung ilang lipat na kami, pwes hindi ko na bilang minsan sasapit ang sem break, lilipat kami kaya lilipat din ako.

Malapit ko ng matapos ang pagliligpit ng kumatok si mama sa aking kwarto.


"Napadaan ka po ma? Bakit?" tanong ko sa kanya, Kasama niys pala si papa.

"Lei, May ibibigay pala kami sayo ng Papa mo" sabi sa akin ni mama nang i-abot niya sa akin

 Isang libro na may pagkakulay na daark grey at maroong bilog na transparent sa gitna nito. Nang ibuklat ko ito, wala namang laman at walang nakasulat dito. 

"Ano ito Ma? Pa? Drawing book? Hayy Malaki na po ako bakit naisipan niyo na ito ireregalo ninyo sa akin ma? Hahaha"

Natawa nalng sila sa sinabi ko at nagsalita si Papa.


"Balang araw anak Lei, Magagamit mo yan kaya ingatan mo palagi kahit anong mangyari" at may inilabas siyang bracelet na transparent ang kulay ng beads na parang bato. Nang isuot ko na ito hindi naman mabigat parang bracelet lang din naman. 

Maganda siya, Parang nag sha-shine ang bato ng isuot ko ito.

"Yan din anak, huwag mong hubarin. Dahil habang tumatagal na sinusuot mo yan, lalabas ang kulay ng bawat bato niyan" napa wow naman ako sa isnabi ni Papa kaya iingatan ko ito kahit anong mangyari.


"At tsaka anak may sasabihin sana kami ng Papa mo bago dadating mamaya ang kaarawan mo"


"Ano po yon ma?"


KINDLY VOTE, LEAVE A COMMENT FOR THE NEXT CHAPTER.

THANK YOUU PO!😊

Echoes of the Elemental in Athenia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon