(Normal pov)
"Oh buti naman at nagising kana?"
"(O.O) ikaw?, anong ginagawa mo dito?"
"Pss, ganyan na ba ang bago mong pamamaraan ng pag welcome sa mahal mong kuya? How rude."I can't help but to roll my eyes heavenwards,Oo tama kayo ng hinala ang kulugo kung kuya ang nasaharapan ko ngayon, Naka three piece suit pa ito at may hawak na suitcase. Paano naman kaya napunta tong kulugo kung kuya dito?
"Tsk! ano ngang ipininunta mo dito?" medyo naasar kong tanung ,tagal kaseng sagutin ng tanong ko eh.
"Bat hindi mo kaya tanongin ang sarili mo kung anu nanaman ang kabulastugang ginawa mo at napatawag na naman ako" Ganting tanong nito.Kunot noo kung inisip ang mga nangyare magmula sa pagtakas ko este namin pala hanggang sa pagbalik namin, ang pagbanga ko hanggang sa nagkaroon ng putukan, at yong lalaking nakamaskara...Yong lalaking nakamaskara, tapos dumilim, wala ako makita,ang putok n baril,ang sigaw...
"Oh, naisip mo na ba?"
"M...ma...may" nauutal na sabi ko.
"Oo,may nagawa ka nanamang kasalanan, bukod sa alam kung tumakas ka at nag ditch sa klase mo at nang damay kapa ng mga kasama mo at ibinanga mo LANG naman ang kotse mo ng pauwi kayo dito at TAKENOTE nandamay ka pa ng kotse ng may kotse" sarkastikong litanya nito habang Gusto ko sanang itaas ang isang kilay ko sa aking narinig pero hindi ko na ginawa naguguluhan pa din ako kung bakit hindi niya nabanggit ang nangyaring barilan. Nandamay? sina Kath at Jessie, bigla akong naalarma ng maalala sina Jessie at Kath ng huli ko silang makita na walang malay saglit kong naikuyom ang kamay ko sa isiping iyon.
"Sina Kath at Jessie?" nag aalangang tanong ko
"Their fine" matipid na sagot nito Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang nasa maayos silang kalagayan. Pero binabagabag parin talaga ako ng mga nangyari sa parking lot.
"Pero may..."
"No need for your explanations Hime, The Principal have told me already all the things which i need to know"Naguguluhan akong napatitig sa kapatid ko, hindi ko pa alam ang bagay na maaari kong sabihin sa kanya.
"Hindi mo..."
"Z naman" bigla na lamang itong sumigaw at napaupo sa sahig habang nakatungo"Kelan ka ba matututong mag~ingat ,tingnan mo yang nangyari sa ulo mo?, Pa'no kung hindi lang yan ang nakuha mo dun? Pa'no kung... pano kung may nangyaring masama sayo? Hime, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kung may nangyaring masama sayo!, H...Hindi ko kaya hime hindi" dagdag pa nito sa sinasabi bago muling tumunghay saken,
Hindi ako agad nakapag react sa nakita ko, Ang Matalino, sikat at hinahangaang young business man ng lahat ay umiiyak ngayon sa harapan ko. Sa harapan ng kapatid nyang matigas ang ulo at puro na lang pasakit at sakit ng ulo ang binibigay sa kanya.Kita ko ang masaganang pag daloy ng luha sa kanyang mga mata.Hindi ko inaasahan na may ganitong side pala ang kuya ko.Kani kanina lang pinapaglitan pa niya ako pero ngayon eto siya at umiiyak sa harap ko.Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman ang pagkabasa ng pisngi ko, umiiyak na din pala ako.
"naman kuya eh, hindi ka naman corning tao tapos ang istrikto mo pa,hindi ka naman mahilig magdrama pero may paiyak~iyak ka pang nalalaman dyan, nahahawa tuloy ako eh. Anu ba kuya hindi drama ang storya ko, Mystery/thriller kaya to" Agad akong pumunta sa kinauupuan ni Kuya at niyakap siya.Niyakap din naman niya ako pabalik , wala na akong pakialam kung madumihan at mabasa man ang three piece business suit ni kuya L dahil sa luha ko.Rinig ko naman ang mahina nitong pagtawa dahil sa mga sinabi ko.
"Hime"
"Hmm?"
"Alam kong mahirap para sayo ang hihilingin ko pero sana naman iwasan mo ng gumawa ng bagay na ikapapahamak mo. Please lang, minsan ka ng nawala saken at di ko kakayaning mangyari pa ulit yon" mahinahong wika ni L habang nakayakap ako sa kanya.Huminga ako ng malalim bago humiwalay sa pagkakayakap kay Kuya L.Tiningnan ko siyang mabuti habang nakatingin din ito sa akin nang may pag~aalala. Hindi tumigil ang pagtulo ng aking mga luha kaya agad naman niya itong pinunasan gamit ang mga malalambot na kamay nito. Doon muli kong niyakap ang aking kapatid. Minsan lang mag drama pagbigyan nyo na ko.
YOU ARE READING
Glimpse of Death 1 Playing with the Reaper
Mystery / ThrillerHindi lahat ng tao sa paligid mo mapagkakatiwalaan mo. Hindi lahat ng mga bagay sa paligid mo totoo. Lahat may tinatago. at ang sekreto ng buhay ko? Bakit hindi mo subukang alamin, subukan nyong laruin ang larong ako ang gumawa pero ako m...