PROLOGUE

5 0 0
                                    

P.O.V

NAGMAMADALI akong naglakad paalis sa bilihan ng ice cream dito sa ice cream shop dahil biglang nawala sa paningin ko ang anak kong babae.

Nasa Ocean Park kami ngayon, kung saan may mga iba't ibang isda. Mataas ang marka niya sa first quarter kaya naman naisipan kong dalhin siya dito, pero hindi ko naman naisip na mawawala siya.

"Excuse, may nakita ba kayong maputing bata na nakasuot black dress with white sandals? Naka ponytail ang buhok niya at katulad ng buhok ko ang kulay ng buhok niya." lahat ng nadadaanan ko ay tinatanong ko ng kaparehong tanong pero umiiling lang sila.

Kaba, takot at pag aalala ang bumalot sa pagkatao ko sa kadahilanang hindi ko pa ito nakikita. Habang naglalakad ay tumitingin sa paligid hanggang sa may nakita akong dalawang bata na nagbabangayan.

Habang naglalakad papalapit sakanila ay isang babae ang unang nakalapit sakanila.

"What happened ba baby girl?" tanong ng babae.

"Your son po, instead of saying sorry, nag bad mouth pa po siya." ani naman ng kaharapan niya.

"Why? It's true naman ah, I've heard to my classmate that you're fatherless."

Napantig ang dalawang tainga ko dahil sa narinig ko. Kalmado pero delikado akong lumapit sakanila.

"Yes, wala akong Papa. But, my Mom is an Attorney. I don't care if you have a Father, or you're having a happy family. I have my Mom."

'That's my girl.'

"Sorry for that, little girl. Kairo, say sorry to this young lady---"

"No need." putol ko dahilan para sakin mapunta ang atensyon nila.

"MOMMYYY!!!"

Mabilis na nangislap ang mga mata ng anak ko at tumakbo sakin kasabay non ay ang pagyakap sa binti ko. Hanggang binti ko palang siya dahil sa liit niya. Matangkad ako kaya naman kahit matangkad na siya sa pagiging pitong taong gulang niya ay naliliitan pa rin ako sakanya.

Lumuhod ako sa harapan ng anak ko at hinalikan siya sa noo. Nawala lahat ng nasa isip ko, lahat ng takot na naramdaman ko, lahat ng pag aalala.

"You made mo so worried about you, Aleeza." kalmadong saad ko.

"Why po?" inosenteng tanong niya.

"Sa susunod, wag kang aalis sa tabi ko ng walang paalam. Hinahanap kita magmula pa kanina." seryosong saad ko, tumango naman siya bago humingi ng tawad.

Tumayo ako at hinarap ang babae na ngayon ay mahinhin na kinakausap ang anak niyang lalake.

"Mrs. I'm really sorry for my son's beh-"

"I told you, no need to say sorry. And, I'm still a Miss." napapahiya naman siyang tumango bago tumingin sa anak ko at ngumiti.

"You have a beautiful daughter." nakangiting saad niya.

Ngumisi naman ako bago tinap ang ulo ng anak ko.

"Of course, because I'm beautiful."

Inaya ko ang anak ko na umalis na pero habang naglalakad paalis roon, mabigat na hakbang kasabay ng mabigat na nararamdaman ko ang paglalakad.

Ilang taon na, pero ni katiting ay hindi nagbago ang wangis ng mukha niya, iyon siguro ang nagustuhan sakanya ni Light.

'Anak siguro ni Light ang batang kasama ni Kyrrie kanina.'

Pinigilan kong umiyak dahil ayokong makita ni Aleeza na umiiyak ako. I have to be strong for my Daughter.

"Mommy, when will we gonna visit Tito Mark, Tito Daniel, Tito Kale and Of course Tito James?"  masayang tanong niya.

Umiling naman ako, sila ang lagi niyang kasama pero sila agad ang hinahanap niya. Dahil sa pagiging Attorney, madalas akong wala sa bahay. Kahit na nasa bahay ako ay puro cases naman ang inaatupag ko.

Sa laki ng bahay ko ay hindi kami nagkikita ni Aleeza. Kaya ang ginawa ng apat na kaibigan kong lalake ay tumira ulit kami sa iisang condo, para mabantayan nila si Aleeza at ako.

"Uuwi na tayo, para makita muna mga Tito Daddy mo."  nakabusangot na saad ko dahilan para humagikgik siya.

Natawa naman ako sa reaction niya, tawa palang ni Aleeza nawawala na lahat ng lungkot, pagod at sakit na nararamdaman ko. Nagpapasalamat ako na dumating si Aleeza sakin, ni minsan hindi siya naghanap ng kalinga ng sariling Ama; napupunan kase nina Mark, James, Daniel at ni Kale ang pagmamahal na dapat sa Ama niya maramdaman.

Nagmamaneho ako ngayon pauwi sa tinitirhan naming condo. Medyo malayo iyon sa Ocean Park na pinuntahan namin ni Aleeza, kaya naman hinayaan ko muna na mag IPad siya.

Hindi na ako nagulat ng tinawagan niya ang mga Tito niya. Umiiling nalang ako sa binungad niya sa mga ito.

"TITO DADDIES! WE'RE COMING HOME NAPOO!!" masiglang imporma niya sa mga ito.

Narinig ko naman sa kabilang linya ang mga paalala nila kay Aleeza. Naka video call sila kaya kahit sa side lang ng mata ko ay kitang kita ko na nasa kusina ang apat.

["Azriel, tell to your Momma to keep her eyes on the road and make sure to stay safe."] rinig kong bwelta ni Mark dahilan para mag dikit ang noo ko at umirap.

"Mommy, Tito Daddy Mark wants you to drive safely." umismid naman ako sa sinabi ng anak ko.

"Alam ko! Hindi na ako bata para paalalahanin!" inis na saad ko.

Narinig ko naman ang pang gagaya ni Kale sa sinabi kong iyon sa kabilang linya dahil para umirap na naman ako.

["Masungit na naman 'yang Nanay mo Wrights, buti nalang hindi ka nagmana sakanya BAWAHAAAHAHAH."] pang iinis pa ni Kale.

["Ha? Kung nagmana  si Alee kay Keira baka nasa ikapitong baitang na ako ng langit."] gatong naman ni James dahilan para tumawa silang apat.

"What's ikapitong baitang ng langit po, Tito James?" inosenteng tanong ng anak ko.

"Anak, doon napupunta ang mga bad spirit kaya wag kang lalapit kay Tito James mo." saad ko pero imbis na maniwala sakin si Aleeza ay ngumiwi naman siya.

"Hindi naman bad spirit si Tito James."

["Tama 'yan, Alee. Ipagtanggol mo ako sa mapang api mong Mommy."] rinig kong sabi ni James kaya sumimangot nalang ako.

"Aye aye Tito James."

Umiiling na naaasar nalang akong nagmaneho habang nagpatuloy sila sa pang aasar sakin at pagkukwentuhan.

'Hindi ko alam kung anak ba talaga kita Azriel Kira Aleeza Wrights Watson.'

Nailing nalang ako dahil sa naisip ko. Pero natutuwa ako dahil nandyan ang apat para punan ang pagkukulang namin ng Ama ni Aleeza sakanya. Nakakatuwa na kahit hindi nila anak si Aleeza ay hindi nila ito pinabayaan.

CONNECTION Where stories live. Discover now