Part 11: Desserts

661 21 0
                                    


Kabadong inayos ko ang tayo ko after ko hilain pababa ang suot kong uniporme. Dahil nga may katangkaran ako..mas maiksi ito sa'kin kesa sa mga kasambahay na kasama ko ngayon.

Tatlo kami na kasambahay ang nakatayo sa may gilid nitong long table dito sa dining hall. Napakalawak niyon at talaga namang halatang mamahalin ang lahat ng kagamitan. Kahit nangangalay na ang binti ko ay nanatili ako sa kinatatayuan, hindi ko magawang kumilos..pakiramdam ko kasi nakamasid sa akin si Senyora Amelia! Halos limang minuto na siyang nakaupo sa pinakadulo paharap sa kinaroroonan ko habang si Candy naman ay nakatayo sa mismong tabi niya. Parang inip na tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya. Deretsong tumingin siya sa'kin, nagsalubong ang mga mata namin. Bahagyang tumaas ang gilid ng bibig nito at sa sobrang kaba ko ay tipid akong ngumiti sa kanya pero nanatiling walang reaksyon at nakatitig lang siya sa'kin! Awkward!

Maya maya lang ay tumikhim ulit ito at tsaka inalis ang mata sa'kin. Malaya ko siyang natitigan, kahit halatadong may edad na ay di pa rin maikakaila ang taglay na kagandahan nito. Ang simpleng pag upo nito screams elegancy! Ang buhok nito ay nakapusod pataas dahilan para mahighlight ang cheekbones na lalong nakadagdag ng maldita vibes niya! Wala naman siyang sinasabe sa'kin pero dama ko ang disgusto sa kanya sa way pa lang ng pagtitig niya sa'kin kani- kanina lang.

"Candy, nasaan si Milan?" Di tumitingin sa kausap na tanong niya kay Candy.

Nasaan na nga ba yun? Bakit di agad siya sumunod dito? Gosh, Milan! Pumunta ka na dito!

Nakangising tumitig sa'kin si Candy bago magsalita. "Baka po naliligo, Senyora Amelia...o baka naghuhugas ng.." napalunok ako. May kung ano sa tono ng boses ni Candy. Pakiramdam ko may gusto siyang iparating sa'kin.

"...daliri niya." Dugtong ni Candy na lalong nagpanerbyos sa'kin. There's no way na nakita niya kami ni Milan kanina! Shit.

"I'm here, Mom." Thank, god! Dumeretso si Milan sa Senyora at humalik sa noo nito.

"Good afternoon, Hijo."

"Hi, Mommy." Matamis ang ngiting umupo siya sa pwesto niya pagkatapos ay bumaling naman ang mata niya sa kinaroroonan ko. "Hi din sa inyo." He greet us cheerfully, what the heck! This more of an awkward moment na talaga!

"What took you so long, Milan? Hindi magandang pinaghihintay ang pagkain." Ma awtoridad na sambit nito pero binalewala lang iyon ni Milan. Bagkus ay tumingin ulit siya sa'kin, gusto ko siyang pandilatan ng mata pero di ko magawa! Baka kasi mahuli ako ng Senyora. Damn, Milan! Will you behave?

"Wow, daming food! Kayo ba nag prepare nitong lahat? Parang ang sarap naman ng luto niyo!" Kausap niya sa amin, pero mas nasa akin ang mata niya! Napangiwi ako at alanganing umiling..ano ba malay ko sa mga niluto ni Auntie?

"Too bad." Isang nakakainsultong ngisi ang ibinigay sa'kin ni Senyora. "Valerie is the standard talaga right, hijo? Magaling magluto, matalino, she literally knows everything. Hands on pa sa pamamalakad ng businesses nila." Napalunok ako. May kung anong bumara sa lalamunan ko. Yumuko ako at itinuon na lang ang mga mata sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating ni Senyora Amelia pero ramdam ko na derekta niyang sinabe iyon sa'kin...ang about kay Valerie!

"Yeah." Walang ganang tugon ni Milan. "Pero ayoko ng ganun mom. Mas gusto ko sa babae yung sa'kin lang siya hands on." Napatuwid ako ng tayo, nagtama ang mata namin ni Candy. Matalim ang titig niya sa'kin. Malakas ang kutob ko na may alam si Candy sa amin ni Milan. At dahil nga favorite ito ni Senyora ay paniguradong may nasabi na siya dito.

"By the way mom, have you met Celine?" Bumaling sa'kin si Milan, maganda ang ngiting kumindat siya sa'kin. "She's the one who looks after me when you're away, Mommy. Sobrang HANDS ON niya sa'kin." Shit ka Milan! Alanganing ngumiti at nag bow ako kay Senyora Amelia. Sa mga pinagsasabe ni Milan ay para na rin niyang sinabe ang tungkol sa aming dalawa!

TAEKOOK- CARLOTA SERIES: MILAN Where stories live. Discover now