CHAPTER 13

936 18 0
                                    

Masquerade

Kaibigan lang pala ako hahaha.

Nakauwi na ako ng bahay kaninang umaga. Pinahatid nya lang ako sa driver dahil hindi pa daw nya kayang mag drive, tsk ayaw nya lang talaga ako ihatid.

"Oh? May lakad ka na naman?" tanong ni Ate Ivy pagkababa ko.

"Gagala lang kami nila Jia, wala naman kaming pasok"

"Sige na, umalis ka na"

"Pahingi ng pera" sabi ko.

Hindi naman nya ako pinansin at hinayaan na akong umalis. Wala rin si Mama sa bahay dahil may trabaho, si Papa naman ay wala rin.

Mga Oeyyy!

Papunta nako
(Me)

Jia: Paalis na rin ako, sa may sakayan nalang tayo magkita-kita
Cath: hoy Jia, hintayin mo ako
Jia: Bilisan mo na, ang tagal tagal mong magbihis
Cath: sandali lang naman

In-off ko na rin ang phone ko dahil magbabangayan lang naman sila sa gc dahil sa kabagalan ni Cath, ewan ko ba dun.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila yung nangyari kahapon. Mamaya nalang siguro kapag kumakain na para may mapagchismisan kami. Paniguradong gaganahan ang mga iyon dahil may kwento na naman.

Malapit na ako sa may sakayan kaya nag chat na ulit ako sa gc namin.

Mga Oeyyy!

Hoy! nasan na kayo? Bilisan nyo
(Me)

Jia: Malapit na, naka blue ka noh?

Pa'no nalaman ng bruha?

"Hoy!" bungad nya sa akin.

"Kanina ka pa?"

"Hindi, kararating ko lang"

"Eh nasaan si Cath?"

"Iniwan ko na, ang bagal bagal kumilos eh"

Habang naghihintay kami kay Cath ay naupo muna kami sa may waiting shed. Saglit lang naman ay dumating na rin ang hinihintay namin.

"Ang tagal mo naman" angal ko, totoo naman kasi.

"Bakit ba? Reklamo ka ng reklamo d'yan" saad nya pabalik.

"Tara na..." naputol ako sa pagsasalita nang sumabat si Jia.

"Saan ba tayo pupunta ha? Gagala tayo tapos hindi namin alam kung saan?"

"Sa sm nalang, wala namang malapit na galaan dito eh"

"May alam ako" na-curious ako bigla sa sinabi ni Jia, bago yan ah.

Hinila nya na kami ni Cath at pinasakay ng tricycle. Sa labas na sya naupo at magkatabi kami ni Cath dito sa loob. Rinig ko pa na may sinabi si Jia sa driver pero hindi klaro sa akin iyon, saan kaya kami pupunta?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgivable Truth (Santiago #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon