Prologue

6 0 0
                                    

PROLOGUE 

"You ready?" tanong sa akin ng sikretarya ko, tumango ako sa kaniya bilang senyales na handa na ako. Paglabas na paglabas ko ng backstage ay magkakasunod na flash ng camera ang sumalubong sa akin.

Iniikot ko ang paningin ko at ngumiti sa harap ng madaming tao, it's been a long time since I did this conference for my company here in the Philippines. 

Matapos kong tumindig sa harap nila ay dumiretso ako sa gitna kung nasaan ang mikropono. Inumpisahan ko ang pagpapakilala sa aking sarili.

"Once again, thank you." pagtatapos ko. Bumaba naman ako sa entablado at dumiretso sa  lamesa ng mga bisita.

"Welcome back Rheina!" sumalubong naman ang pagbati sa akin ng ilan kong kaibigan at kamag-anak. 

"Thank you, Asher!" pasasalamat ko sa kaniya.  Narito rin ang ilan sa mga naging kaklase ko noong college ako.  Narito rin ang ilan sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Nilapitan ko naman kaagad si mom and dad na proud na nakatingin sakin.

"Congrats anak! So proud of you!" masayang sabi ni mom sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Congrats, my princess. Proud na proud ako sa'yo" bumaling naman ako kay Dad nang sabihin niya sa akin 'yon.

Matapos ang yakapan namin ni Dad and Mon agad naman akong nag-asikaso ng bisita.

Halos ilang taon na akong nanatili sa states, inaasikaso ang naiwang business sa states at kinailangan ako doon.  Madaming pagbabago ang naabutan ko sa pag-uwi na ito. Ang mga kaibigan ko ay halos kasal na at may anak na, ang iba naman sa kanila ay nagsisimula nang magpamilya. Ako na lang yata ang naiwang walang asawa at anak. Well, mas masaya kapag single, isa pa, hindi pa ako ulit handa para buksan ang puso ko. 

"We'll have dinner with chairman tonight, he's excited to see you Rheina." sabi ni Dad sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Isinandal ko ang sarili para makapagpahinga habang nasa byahe, pauwi na galing sa nakakapagod na event na dinaluhan namin nina Mom and Dad.

"Ilang araw kana raw kasing hindi nagpapakita kay Chairman simula nang bumalik ka sa pinas, iniisip niya na baka.... nagtatampo ka sa kaniya." nag-aalalang sabi sa akin ni Mom. PInapakiramdaman niya kung anong mararamdaman ko.

"I'm not mad, after all siya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa posisyon na 'to." sabi ko pa.

Chairman sent me away to states, siya ang dahilan kung bakit ako nanatili doon. Pinadala niya ako sa states sa gitna ng kaguluhan for my own safety and for my reputation. I'm the next chairperson of this family that's why, he did those things for me. Habang nasa ibang bansa naman ako ay pinilit kong gumawa ng sarili kong pangalan, nagtayo ako ng sarili kong companya under MT Group, INC. Dahil doon sa ginawa ko ay nakuha ko ang tiwala ni Chairman, he's braging about me to his amigo. 

Hindi ko alam why I am qualified as a next chairperson, hindi ko alam kung bakit ako ang magmamana ng companyang pinahirapan niyang ipinatayo. Pwede naman na si Dad or Tito Rodulfo ang magmana noon. 

Bumaba kaagad ako sa sasakyan nang makarating kami sa bahay ng Chairman, may ilang bisita rin siya dito. 

"Akala ko ay family dinner?" tanong ko kay Mom. Agad ko namang ibinigay ang coat at gamit ko sa sumalubong na kasambahay. 

"Akala ko rin, lets go inside." anyaya niya. Sumunod naman agad ako sa kaniya, mula rito ay rinig na rinig ko ang boses ni Chairman at ng iba pa niyang kaibigan na nagtatawanan.

"Dad, we're here." sabi ni Mom. Dahilan para matigil ang malakas na tawanan sa loob. Pumasok ako at ngumiti sa tao na naroon.

"Great! Nandito na ang aking unija hija" sabi naman ni Chairman. I just rolled my eyes, he and his nickname again.

"Marami kang apo, hindi lang ako." pagsusungit ko, nakipagkamayan ako sa mga kaibigan ng chairman dahil nauwi lamang iyon sa pagpapakilanlanan.

"You're great hija, bagay kayo ng apo ko." sabi pa nang isa. Ngumiti naman ako at bahagyang tumawa sa sinabi niya kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong umupo. Nakakangalay!

Ngunit maya maya lang ay tinipon kami ng Chairman sa hardin para kumain. Natigilan naman ako sa pag-upo nang makita ko ang pamilyar na mukha na iniwan ko years ago.

"A-achi." wala sa sarili kong anas. Nilingon niya ako, walang mababasang emosyon naroon dim ang galit. Napaupo lang ako nang hilahin ako paupo ni Mom. 

"Sit down, Rheina." sabi niya. Nilingon ko ulit siya ngunit ang paningin niya ay nanatili kay Aimee. 

Aimee is my cousin, I'm one yearl older to her. Achi is three year older than me, nagpabalik balik ang paningin ko sa kanilang dalawa. Nawala lang iyon nang magsalita ang Chairman sa harapan naming lahat.

"I just wanted to thank you, all of you for being here and also, for supporting my beautiful grand daughter Rheina.... " sabi ni Chairman. Tinapik ako ni Mom at inutusang tumayo. Kahit na ayoko ay agad akong tumayo at ngumiti sa kaniya. Umupo na ulit ako matapos iyon.

Nagpasalamat siya at madami pang sinabi, hindi naman maalis ang tingin ko kay Achi at kay Aimee.  Ang braso ni Achi ay nakadantay sa inuupuan ni Aimee nagmmukha tuloy itong nakaakbay. May pinaguusapan sila, tumatawa tawa pa si Achi habang si Aimee naman ay sasabog na sa sobrang pula ng mukha.

Kailan pa sila naging ganito? Last time I remember nang umalis ako ng bansa ay hindi sila magkasundo, hindi sila nagpapansinan.  Wala akong matandaan na ganito sila kadikit. Madaming nagbago Rheina.. Bumuntong hininga ako sa aking naisip, madaming nagbago sa loob ng walong taon Rheina, wala ka rito para masaksikhan mo. Walang mga bagay ang nananatili parin kung paano mo sila iniwanan.

Iniwas ko ang paningin sa dalawa at agad na nagsimulang kumain. Pero, kahit anong gawin ko ay bumabalik parin sa kanila ang paningin ko.

"Muntik ko nang makalimutan!" napalingon ang lahat kay Chairman nang bigla siyang magsalita. "Achi and Aimee are engaged, ikakasal sila next year. I already choose a date kung kailan ang kasal." dagdag pa niya. Napatitig ako kay Chairman sa nalaman ko at nagpabalik balik ang paningin ko kay Achi and Aimee.

So this is what all about? Kaya pala sila ganoon kalapit sa isa't isa dahil engaged sila? Kailan pa? After 8 years of staying in states, ay hindi parin pala talaga siya nawala sa isip ko. Hindi parin siya nawawala sa sistema ko.

"They've been engage for almost three years, hindi na makakapaghintay ang kasal." dagdag pa ng Chairman.

Naramdaman ko ang kamay ni Mom sa akin. I'm okay. I mouthed to her. Ilang taon akong nawala at ang dami kong hindi nalaman. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para tumayo.

"Excuse me.." ani ko. Dumiretso ako sa powder room at tumitig sa salamin.

Sa loob ng walong taon na paglalaho mo Rheina, things change. Madami ang nagbago at hindi mo kontrolado ang nangyari noon. Pero, kahit gaano na katagal iyon ay narito parin siya sa sistema ko,  may puwang parin siya sa akin.

Napapitlag lamang ako nang pumasok si Aimee sa powder room. Tumitig ako sa kaniya at agad naman siyag ngumisi sa akin.

"How you feeling?" tanong niya.

"I'm good." sagot ko naman.

"You left him eight years ago... then now, pagmamayari na siya ng iba and you can't even handle that." pagtataray nito sa akin.

"Kid, he is not yours."

"Yet., not yet" dagdag pa niya. Humarap siya sa salamin at nagkunwaring nag-ayos. 

"If you're here to brag about Achi for your engagement and marriage, I'm not going to give a shit Aimee." madiim kong sabi sa kaniya bago ako tumalikod. Napatigil lamang ako nang magsalita siya.

"Yeah? Lets see." mataray niyang sabi. Hindi ko na ulit hinintay na may sabihin pa siya, lumabas agad ako ngunit di ko inaasahan naroon si Achi nakatayo.

"I'm waiting for Aimee." sabi niya.

"I didn't ask." sagot ko bago ako tumalikod at naglakad pabalik.

The only thing I  know is, I fight for him and embrace him. Sa kalagitnaan ng gulo eight years ago ay nanatili ako sa tabi niya, not long until our Chairman sent me away to put things in settle. And this is how he put things in place. 


Embracing HimWhere stories live. Discover now