౨ৎ #1: Unseen Freedom

8 0 0
                                    

"Ang kalayaan ay nasa atin na. Ang gagawin na lamang natin ay kunin ang oportunidad na ito at gumawa ng makabuluhang bagay na makakatulong sa pag-unlad natin. Ngayon nakilala na natin ng lubusan si Dr. Jose Rizal, gusto kong gumawa kayo ng biography ng ating pambansang bayani at ipasa sa'kin ito sa lunes. Maliwanag?" Sa wakas, makakauwi na rin. Nakakapagod na araw na ito sapagkat napakatrabaho talaga ng gawain ng isang guro.

Isa akong lisensyadong guro at kasalukuyang nagtututo ngayon sa isang pampublikong paaralan. Halos maga-apat na taon na kong guro rito at maraming estudyante na kong naturuan ng mga asignaturang aking itinuturo. Pumapasok ako nang anim na araw sa isang linggo, ginagawa ko namang pahinga ang pangpitong araw. Iyon lang ang nagiging pahinga ko.

Pahinga nga bang matatawag?

Sa tuwing sasapit ang linggo gumagawa pa rin ako ng mga lesson plan para sa susunod na linggo. Nagchecheck ng mga papel ng mga estudyanteng hawak ko. Tumutulong sa gawaing bahay para di na kumikilos-kilos ang nanay ko. Kapatid ko naman nagcocommished ng mga digital arts kaya di ko na inaabala.

Hindi naman sa gusto ko manisi pero nasa'n yung pahinga ko?

Time check, 10:15 na ng gabi. Patapos na rin ako sa pageencode ng mga score ng mga bata. Nagpahinga muna ko saglit para kumain ng midnight snack ko at nagtimpla na rin ako ng kape. Tingin-tingin sa mga nasa desk ko hanggang sa nahagip ng mga mata ko yung nakasulat sa sticky note na nakadikit sa bulletin board ko. 'Padayon'.

Pagpapatuloy. I wrote it back when I was in Grade 10, I guess. Pandemic pa nung panahon na yon kaya nakaonline class lang kami lagi. Sinulat ko yon nung makakita ako ng sticky notes sa desk ko. Nasa isip ko I want to write something kasi nabuburn out na ko nung time na yon.

Sino ba namang hindi? Parang nasa preso lahat ng tao e. But actually, the real reason was because of losing motivation. I always see myself as a failure. Kasi nung bata ako, lagi kong naiisip na napupuna na lang nila ay yung pagkakamali ko at mali pa yung the way nila akong pagsabihan.

"Boshlog ka ba?"

"Di mo na naman inisip?"

"Punyeta naman."

Paulit-ulit ko 'yong naaalala. Nang dahil don nag-iba pakikitungo ko. I became a cold person yet I still communicate them with respect. Di ko namalayan na nawalan na ko nang halaga sa sarili ko. I lost my self-esteem. That's why I always think to do self-harm. I want to disappear.

Naiiyak na naman ako. Nakakaramdam ako ng pagkaproud sa sarili ko kasi nalagpasan ko yon. I regain myself. Hindi na ko nagpapatinag ngayon sa sinasabi nila. I already know myself. Look at me now, still doing great and continuing with my life.

Pinagpapatuloy ko pa rin ang buhay na 'to pero parang may kulang. I feel like I'm living with this life without a purpose. Naibibigay ko naman lahat ng pangangailangan ng pamilya ko. May maayos akong buhay. Nirerespeto ako ng iba. Kaso may kulang talaga?

When I was in college, I pursued this degree. Naalala ko pa pakilala ko sa sarili ko noon nung may naginterview sa'ming magkakaibigan about sa research nung kaschoolmate din namin.

"I'm Jeia Noreen Francisco, a first-year BSED Filipino major."

I graduated with a degree of Bachelor of Secondary Education Major in Filipino.

Nung unang taon ko, hindi ko talaga gusto ang kursong 'to. Bago pa man ako magenroll, sabi ko hindi ako magiging isang guro. Kaso...

"Kasabayan nga pala kita 'no? E surname mo tas F, halika na kuhanin na natin." Kasabay ko ngayon kumuha ang kaibigan ko at naging kaklase ko nung Senior High.

Nandito kami ngayon papuntang main campus para kuhanin ang Notice of Result namin kung anong course ang napunta sa'min pero di ko inaasahan ang nangyari. Dalawang kurso ang nilagay ko dahil yon ang nakalagay sa form. Unang-una ay ang BS Psychology at pangalawa sa pinagpipilian ko ay ang...

Name: Jeia Noreen A. Francisco

Course: Bachelor of Arts in Communication

Pinipigalan kong huminto ang mga luhang nagbabadya sa mata ko. Nasa isip ko... hindi ito ang gusto ng pamilya ko. Nilagay ko yon sa pangalawa kasi meron sa'king gustong ipursue yon. Iyon ang gusto ko, ang hakbang patungo sa pangarap ko. I want to learn more about the production and film.

I dream of being part of the film industry. I can do whatever they want as long as I produce something in this field. But I want to be a scriptwriter or maybe to be a director.

Nagtanong nanay ko kung bakit yon ang nilagay ko as option pero ang sabi ko lang...

"Wala lang yon, wala rin kasi akong maisip na ilalagay."

I cried nung makauwi na kami. Umiyak ako sa banyo namin kung saan di ako makikitang umiyak.

Ang sakit.

Nakakapanghinayang.

Kinabukasan pinapalitan agad namin sa programang edukasyon.

I want to pursue my dream. I want to myself at the moment I receive the paper indicating they gave me the slot for BA Comm to stay as my course. I want to choose the path they gave me but I can't...

I can't take a risk for myself. I have so many reasons to give up on my dream but I do have one reason to stay. It is my love for my dream. My passion.

If I chose it as my course and decided to be on the path, they would think of me as selfish.

Sinasabi lagi nila na walang pera rito. Do'n ko naisip na di ko kayang piliin ang bagay na makakapagpasaya sa'kin kung alam kong may magdudusa.

Panganay ako, kailangan kong tulungan nanay ko sa pagpapa-aral ng kapatid ko. Kailangan kong matulungan nanay ko lalo na't sya lang mag-isa ang bumubuhay sa'min. Ang dami niya ring sinakripisyo. So, I can't...

Kaya mas pinili kong magdusa sa kursong alam kong di ko kailanman mamahalin gaya ng pagmamahal ko sa pangarap ko.

I choose pain over happiness if it is the only answer for me to help my family.

That was my unseen freedom. Hindi ko nakitang yon pala ang sign na binigay sa'kin ni Lord para piliin ang bagay na makakapagpasaya sa'kin.

Ngayon, hindi ko na kayang sumugal pa lalo na't kailangan kong magpursigi para sa taong iniwan kami. Naninirahan na ngayon sa'min yung tatay kong iniwan kami para sa ibang babae. As long as I don't want to take care of him but still, he's my father.

Nandito sya ngayon sa kama ko, natutulog nang mahimbing. Buto't balat na dahil sa kakulangan ng lakas kumain.

I hope I can still pursue my freedom. My happiness. My passion. My dream.

May mga pagkakataon talaga tayong hindi natin kayang piliin ang bagay na gusto natin kasi may mga bagay na maapektuhan. Hindi natin kayang maging selfish sa mga taong naging selfless sa'tin.

Kaya sana hangga't kaya pa, hangga't may pagkakataon, at may pag-asa, sana makamit ko pa rin yon.

Ever since I have asked this question to myself.

'Is choosing your happiness is a selfish act?'

'Am I enough for my dream?'

'Do I deserve not to be happy?'

As I matured, I think choosing the things that can make you happy is not a selfish act. It is your freedom. It is your right to be happy. Maybe, it is not the right time for you to have it. Or might having enough courage and effort to have the things you want can make this possible?

I guess, the things I've experienced made me who I am. Afraid to take risks and make mistakes. Also, doesn't have enough courage for all I want to be true.

So, hey! Do the things that can make you happy. I don't want you to do the things I've done. Maybe the right time will come so I hope you have enough patience. I hope things will work out for you.



Note: This is purely the thoughts of an author. The author just wants to leave a message for those dreamers who may be afraid to take risks and get what they want. Chase your dreams! Because you may lose the chance and might never experience the moment. Live your life to the fullest. 'Cause life is short so live the way you want it. Have your freedom, everyone! ˚ʚ♡ɞ˚

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlace The RibbonWhere stories live. Discover now