PROLOGUE
NAPAYUKOM ng kamao si Jack nang malaman niyang sunod-sunod ang pag-alis ng kaniyang mga stakeholders sa kaniyang kompanya. Hindi pala kompanya niya dahil hindi pala sa kaniya ito, it was owned by his ex-wife, Charlotte Megan Sevilla. Napunta lang sa kaniya ang kompanya dahil after mamatay ang magulang ni Megan ay siya na ang nagmamanage ng kompanya.
Halos mag-iisang dekada na rin ang pagpapatakbo ng kompanya niya ni Megan. At ngayon lang ito nangyari sa kaniya.
“Bullshit! Bakit sunod-sunod ang pag-alis nila!” galit na sabi ni Jack na ngayon ay problemadong-problemado dahil kung aalis pa ang natitirang stakeholders sa kompanya nila mauuwi ito sa bankruptcy.
Kaya naman problemadong-problemado siya dahil hindi na niya alam paano pa ito iaangat ngayong palubog na ang kompanyang ito.
“It's okay, honey. Gagawa tayo nang paraan para hindi aalis ang natirang stakeholders natin na may share sa kompanya,” sabi sa kaniya ni Annika.
Jack didn't mind what his new wife said. Alam naman niyang wala itong maiitulong sa problema niya ngayon. Puro lang naman kasi luho at pampaganda sa sarili ang inaatupag nito. Even their son forgets to take care.
“Mind our son, Annika. Wala kang maitutulong sa problema ko,” sagot naman ni Jack sa kaniyang asawa.
And Annika didn't like what Jack said to her.
“What?! Did you say I'm useless and brainless?!” galit na sabi ni Annika kay Jack.
Hindi naman ito sinagot at pinansin ni Jack dahil alam niyang sa pag-aaway lang ito mauuwi. Tumayo na lang siya at umalis sa kwarto nilang mag-asawa.
Upon leaving the room, nakasalubong naman nito ang kaniyang ina.
“What happened? Bakit narinig kong sumigaw ang asawa mo,” sabi sa kaniya ng kaniyang ina.
“Nag-aaway na naman ba kayo?” dagdag pang sabi nito sa kaniya.
Hindi na lang ito pinansin ni Jack dahil gulong-gulo na ang kaniyang isipan sa mga nangyari recently lalo na sa kompanya. Kaya naman, ayaw na niyang dagdagan pa ang iisipin niya.
“Ma, I'm tired,” sabi niya sa kaniyang ina.
Subalit, ang ina niya naman ay sinundan pa rin siya nito patungo sa garden.
“I’m still talking to you. Huwag mo akong talikuran!” matigas na sabi ng kaniyang ina sa kaniya.
Mas lalong sumakit ang ulo ni Jack kaya naman hinilot-hilot niya ito. Pero mas lalong sumakit ang ulo niya at hindi na niya ito nakayanan.
“I said I'm tired! Why don't you understand?!” sigaw ni Jack nang hindi na niya makayanan ang sakit ng kaniyang ulo.
Nangingig siyang umalis sa harap ng ina habang namimilipit sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Sunod-sunod na niya itong nararamdaman kaya naman palagi siyang nagtatake ng pain reliever para kahit papano ay mawala ang sakit ng kaniyang ulo.
Kinuha agad ni Jack ang pain reliever niya sa kanilang kuwarto. Hindi naman niya nakita ang asawa niya sa loob. Pinag sawalang bahala na lang niya ito at tinungo ang kuwarto ng kaniyang anak sa kabila. Doon kasi siya matutulog kapag hindi sila okay ni Annika.
Mas gusto niyang huwag na silang magsama matulog dahil baka lalong lalaki pa ang kanilang pag-aaway.
Nang makapasok na siya sa kuwarto ng anak. Nakita niyang gising pa ito at hindi pa nakahiga. Kaya naman nilapitan ni Jack ang anak at niyakap.
“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya rito.
Nakita naman ni Jack sa mga mata ng anak niya na sobrang lungkot ito.
“Daddy, does mommy love me?” tanong pabalik naman ng kaniyang anak sa kaniya.
“Oo naman, baby. Why did you ask? Is there any problem?” sagot naman niya sa anak.
“Mommy always shouted and scolded me kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya,” sagot naman sa kaniya ng anak.
Hindi alam ito ni Jack kaya naman nagulat siya nang malaman at marinig niya ang sinabi ng kaniyang anak. Para tuloy siyang sinaksak ng libo-libong karayom sa kaniyang puso dahil sa narinig niya sa kaniyang anak.
“Listen, baby. Mommy loves you, okay?” sabi naman niya sa kaniyang anak at hinalikan.
Saka tuluyang napaiyak siya dahil naawa siya sa kaniyang anak. Napaisip rin si Jack na baka ito na ang karma niya sa nagawa niya kay Megan noon.
“Mahal ka rin, daddy. Tandaan mo ’yan,” sabi pa niya sa anak at mas lalo niyang niyakap.
Ayaw niyang panghinaan nang loob. May anak siya kaya kahit patong-patong na ang problema niya ay pinipilit niyang maging matatag para sa anak niya.
Alam naman niyang unti-unting nang nasisira ang pagsasama nila ni Annika. Kaya naman, hindi na siya nagtataka kung mauuwi rin sila sa hiwalayan pagdating nang araw.
Pero, para kay Jack. Ang importante sa kaniya ay ang anak niya.
Then, suddenly naisip niya agad ang anak nila ni Megan. Alam niyang magkasing-edad lang din ito ng kaniyang anak kay Annika.
’Di namalayan ni Jack na nakatulog na pala ang anak niya sa kaniyang bisig. Kaya naman, dahan-dahan niya itong inilapag sa kama at nilagyan ng kumot. Pagkatapos ay tinabihan niya ito para makapagpahinga na rin.
Nawala na rin ang sakit ng kaniyang ulo dahil sa ininom niyang pain reliever. Kaya agad din naman siyang nakatulog.
••••••
On the other hand, abala ngayon si Megan sa kaniyang ginagawa. Matapos niyang ipakilala ni Drakov bilang asawa sa publiko. Sunod-sunod ang calling niya for interviews and sitcoms.
Kilalang-kilala talaga sa business world si Drakov kaya naman hindi na nagtataka si Megan kung gano'n na lang karami anh gustong mag interview sa kaniya. Drakov is one of the richest bachelor and business tycoon in his time. ’Di na rin nagtataka si Megan dahil hindi lang naman si Drakov ang mayaman lalo na ang mga pinsan nito. Well, silang lahat naman siguro. All Montemayor are rich and well-known in business world.
“I love you...” Nagulat na lang si Megan ng bigla siyang yakapin ni Drakov mula sa likuran niya.
Napangiti naman si Megan at humarap agad siya kay Drakov. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi.
“I love you too,” sagot naman niya rito.
Nakita naman niya ang pagpula ng mga tainga at pisngi nito.
“Damn! Huwag mong gawin ulit ’yon. Hindi ako nakapaghanda! My body is getting weak,” sabi naman nito sa kaniya.
Pero tumawa lang si Megan at muling hinalikan si Drakov pero this time hindi na smack tulad kanina.
Then Drakov kissed him back and grabbed her waist closed to him. Palalim nang palalim ang halikan nila kaya naman, agad na kumalas sa kanilang halikan si Megan.
“Baka saan naman ito mapunta,” sabi niya kay Drakov pero tinawanan lang siya nito bago siya pinakawalan.
“Let's sleep?” alok naman sa kaniya ni Drakov.
Pumayag naman si Megan dahil inaantok na rin siya. Sabay silang pumunta ni Drakov sa kuwarto at pagkatapos magkatabi na silang matulog.
A/n: This is it! Book 2 na tayo! Thank you for reading Book 1. Sana pati ito suportahan niyo. And bili kayo ng book nito! May special chapter na sa book lang niyo mababasa.
Enjoy your reading! Don't forget to vote and comment!
BINABASA MO ANG
Revenge of the Battered Wife
General FictionMegan suffered in the arms of her ex-husband, Jack. Fortunately, she was able to escape and start a new life with Drakov, her new husband. Her miserable life has finally come to an end. Megan's current life with Drakov is far from her past. She fin...