It's been 3 days nung nangyari ang first friendly date kuno, at 'yun din ang huling pagkikita namin dahil hindi pa siya dumadalaw o pumupunta dito sa resto.
Busy ngayon dito sa resto halos walang pahinga dahil holiday pala ngayon kaya ang daming taong kumakain, ayos lang double pay naman.
"Served!" napabalik ako sa sarili ko ng marinig ang malakas na tinig na 'yun.
"Ocampo you spacing out, focus" sabi ni Chef Santos.
"Sorry, Chef" hinging paumanhin ko at yumuko.
"Chop chop, Ocampo" mahinang sabi nito pero may diin.
"Yes, chef" sabi ko pagkatapos ay pumunta na ko sa station ko tinignan ang mga pending orders. Mabilis akong kumilos para gawin ang mga iyon, pero napahinto ako ng makita ko ang dish na niluto ko 'nung nag apply ako.
"Follow up, 2 Shrimp Alfredo" sigaw ng isang waiter.
"Ocampo" tawag sa akin ni Chef Santos kaya tumingin ako sa kaniya at sumenyas siya na lumapit daw ako.
"Why are you just standing there?" mahina pero may diin niyang saad.
"Sorry, chef nagulat lang ako na-nasa menu pala yung dish ko na—" hindi ko na natuloy dahil nagsalita si Chef Santos.
"I informed you that earlier, hindi ka ba nagtataka that they congratulate you" mahina pa rin niya sabi pero mababakas na sa tono ng boses niya ang inis.
"Sorry po talaga Chef" yumuko ako, bakit ba kasi napaka lutang ko naman ngayon.
Nagbuntong hiningi muna si Chef Santos bago magsalita, "Go to the locker and put yourself together, Ocampo."
"Hindi na po ka-kailangan—"
"Just do what I say, go back here kung matino ka na" sumunod nalang ako dahil namumula na yung tenga niya at sobrang diin na yung pagkasabi niya.
Pumunta ako sa locker room at dumiretso sa CR para maghilamos baka sakaling mahimasmasan ako.
"Earth to you Caileigh Vaughn" sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.
Pagkatapos ko pagalitan ang sarili ko ay napagpasyahan kong lumabas na ng CR at pagakabukas ko ng pinto ay natuod ako sa kinatatayuan ko ng makita ang babaeng hindi nagpakita ng tatlong araw.
"Di-dia i mean Miss Lesia" napatingin naman siya sa akin at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Hi, Nicolo said you were here" she said at inabot sa akin yung tissue.
"S-salamat" tinanggap ko yung tissue at nagpunas na ng mukha.
Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko yun.
"A-ano nga po pala ginagawa niyo dito?" tanong ko habang iniikot ang patingin para maghanap ng basurahan para itapon yung tissue.
"Dad called me at may inutos lang" sabay hablot ng tissue sa kamay ko at tumalikod siya. Sinundan ko lang naman siya ng tingin at itinapon niya pala yung tissue.
"A-ahh... uhm balik na po ako" paalam ko dahil yung puso ko nababaliw nanaman at kailangan na rin ako sa kitchen dahil sobrang daming tao at orders na kailangan gawin.
Tumango lang siya at ngumiti sa akin, kaya naman lumabas na ko at nagtungo na ng kitchen.
"Ano nakabalik ka na ba sa sarili mo?" mataray na tanong ni Chef Santos pagkarating ko sa kitchen.
"Opo, sorry po ulit" nakayukong sabi ko.
"I assumed you already met her and the headchef" sabi niya kaya naman napaangat ako ng tingin.
YOU ARE READING
Risked it All
RomanceWhat are you willing to do for love? Are you ready to risk? [UNEDITED]