Erin's POV
Nakaupo ako sa office chair ko at nagpapaikot-ikot nang marahan, kakatapos lang ng meeting with Dad and other heads ng bawat department sa production.
Pabalik-balik ang utak ko sa pag-alala nang ipasyal ko si Sam sa exhibit ni Bessy na sa wakas natuloy din after madelay ng one month. Kasama sina Ate Ciar at Kawai, buti sa diskarte ni Ate Ciar ay nakasama si Sam. Napakaganda niya sa suot niyang pink dress, nakalugay ang mahaba at mabango niyang buhok, kulay pink ang lipstick niya at yung blush ng cheeks niya natural na ata yun at tuwing maaalala ko yung image niya, it makes me smile and color my day so beautiful. Walang anong naalala ko yung picture namin na kinuhanan ni Kawai at Ate Ciar.
Kinuha ko yung phone ko sa mesa sa harapan ko nagbrowse sa gallery at nang makita ko to..napa-smile ako ng todo.Sigurado ako that I am really falling for her because I can see her Angelic attitude now, bagay na bagay sa kanya bilang Anghel sa story ko. Kung mahulog man siya sa akin mula sa langit, I will spread my arms so wide and I will catch her. Pikit mata kong pinapantasya ang scene na yun habang nakaupo ako dito sa office ko.
"Erin?" tawag sa pangalan ko na nagpatigil sa utak na nagpapantasya.
Binuksan ko ang mga mata ko at nagtatakang mukha ni Danica ang nabungaran ko. I swipe my phone para bumalik sa home at nilapag ko na ito sa mesa.
" Ah okay ka lang ba Erin?.Hindi kaya nasosobrahan kana sa trabaho at matuluyan kang..." di natuloy ang sasabihin niya kasi nagsalita na ako.
" I am okay" nakangiting sabi ko.
Tumayo ako at saka kumuha ng tubig na maiinom at naupo sa sofa.
" I am inlove Danica" seryosong sabi ko kanya na nakaupo na rin sa sofa at inaayos ang mga designs na naprint.
" Wow!, so who's the lucky one?" tanong niya na nakangiti din.
" Si Anghel sa Lupa" kako sabay taas ko sa mga kamay na nakabukas pa ang mga palad ko na para bang may sinasalo mula sa langit at sabay yakap sa sarili ko at nakangiti na papiling-piling sa ulo ko.
Napailing na lang si Danica sa inasal ko, yeah she can smell my sexual preference and I am happy they are accepting me.
It's been three days nang umpisahan ko nang pumasok sa office ko kasi kailangan asikasuhin ang mga designs ng mga men's garments na ipapadala sa Shanghai, China.Dad praised me because of getting the deal and I don't want to disappoint him and of course si Sam na naging dahilan ng paglakas ng loob ko . There is no room for mistake wika nga kaya busy lahat ng tao dito sa factory pati din si Dad na masipag na naglilibot sa bawat department ng production. Mabuti na lang at nakakuha ako ng perfect schedule sa trabaho ko sa call center..syempre ba naman, malakas na kaya ako kay Sam.Kahit dalawa yung trabaho ko ngayon, I feel so energetic lalo na ngayon na gabi rin pumapasok si Sam. I don't know how it happened pero naga-assume ako na gusto niya rin ako makasama. Thinking about it kinikilig ako, " Gosh I never felt like this before" bulong ko sa utak ko habang tinitingnan ko ang mga designs na dala ni Danica.
" What can you say?" dinig kong tanong ni Danica referring sa mga designs na napirint niya.
Nagthumbs-up ako at sabay sabing " Perfect!"
Ngumiti ako ng maaliwalas ang for sure kita na yung mga ngipin kong puti.Napailing na lang uli si Danica sa akin.
" Ipagpatuloy mo yan Erin, hanggang matapos ang mga gawa naten, for sure this deal will be successful"
" We will succeed on this, trust me Dan.." kako sabay akbay sa kanya dahil tumayo na siya.
" Tara lunch na tayo" pag-aya ko na nakangiti sabay dampot sa phone ko.