Erin’s POV
Bumaba na kami sa intersection ni Sam, gusto ko pa sana siyang ihatid sa inuupahan niyang apartment kaso nakita ko na yung sasakyang dala ni Mang Tony, tinawagan ko siya para sunduin ako dahil may important matters daw kaming pag-uusapan ni dad.
(Flashback)
“Erin, dyan ka muna ha, hintayin mo si Sam,pababa na yun” ani Ate Ciar sa akin habang pasakay na sa kotse ng butch girlfriend niyang si Kawai na first time ko ma-meet.
“Ah sige Ate Ciar, ako na ang bahala” sagot ko naman.
Nagpaalam na si Ate Ciar, nandito na rin sa shed ang ibang mga call center agents na naghihintay ng bus na masasakyan pauwi.
Walang anu-ano may kumalabit sa likod ko.
Humarap ako sabay sabi at may ngiti pa…. “Sam”…
“Sam ka dyan..! si Yvette to noh” sabi ni Yvette habang nakacross arms at tumayo sa tabi ko.
“Ah sorry” pagpapahumanhin ko.
“ May gusto ka kay Samantha Oliveros noh?” tanong ni Yvette.
Luminga-linga muna ako, baka kasi may nakarinig sa tanong nitong si Yvette pero abala ang mga katabi namin sa mga phone nila kaya malamang wala naman.
Tumingin sa akin si Yvette at ngumiti naman ako sa kanya..
Ngumiti siya ng matipid..at nagsalita “ May gusto ka nga sa kanya”
Sandali ako nanahimik kasi ayoko nang mag-comment pa. Namalayan ko na lang ang isang bus na huminto.
“ Di ka pa ba sasakay?” tanong ni Yvette
Umiling ako..
“Okay I got it” si Yvette na nag taas ng kilay.
Sumakay na siya sa bus kasama ang iba pang mga agents, naiwan na lang akong mag-isa dito sa shed.
Wala pa si Sam kaya di pa ako aalis.
Habang naghihintay ako tumunog ang phone ko..
EMA calling…..
Tumingin muna ako sa paligid at pumunta sa lugar na medyo secluded..
“ Hello Dad” sagot ko sa tumawag.
“ Princess, I need you in the company today. I hope you can come” sabi ni Dad sa kabilang linya.
“What is wrong dad?” tanong ko.
“ It’s an important matter princess, we have to talk about it in person.” Dad said on the other line.
“ Hmm okay dad, I will be there” sagot ko.
“Ok, papasundo na kita kay Tony..Ok?”
“ Okay Dad, I will just call Mang Tony if where he can pick me up”
“ Wait, wala ka ba sa condo mo?” tanong ni Dad
“Dad, I am working,,remember?”
“ Ah..oo nga pala..sorry my princess, marami lang iniisip ang daddy mo..so please come here and help me..”
“No problem Dad, I will be there”
“ Okay princess, I’ll see you later”
“Okay dad, ako na po ang tatawag kay Mang Tony para sunduin ako..Bye Dad”
“Bye my princess” paalam ni Dad sa akin.
Kaagad kong hinanap yung number ni Mang Tony para tawagan siya.