Hindi pa rin alam ni Rika ang gagawin, hindi niya magawang muling humarap kay Hiro matapos ang nangyari dalawang araw na ang nakakaraan.
Nakasakay siya ngayon sa kotse na pag-aari ni Uncle Ed. Ihahatid daw siya nito sa Unibersidad na papasukan niya para makapag-enroll.
Si Hiro naman ay nauna nang umalis dahil sinundo ito ng mga kaibigan nito kaninang umaga.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nakapila na siya sa Cashier’s booth para magabayd. Natapos niya ring asikasuhin ang kanyang enrollment.
Habang nakaupo ay muli niyang binasa ang kanyang Student Form.
“Kawaii!”
Narinig niyang may nagsalita sa likuran niya.
Paglingon niya ay nakita niya ang napaka-gwapong lalaki, ngumiti iyon sa kanya.
“Your name is cute, Rika Martins.”
Hindi niya akalain na nakikibasa pala ito sa kanyang form. Kahit na naiinis siya dahil sa pagiging ususero nito ay ikinatuwa niya pa iyon dahil sa sinabi nitong “kawaii”. Siyempre alam na niya ang ibig sabihin nun dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari noon kaya talagang pinag-aralan niya ang wikang Hapon.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
“Thanks! So that’s it, you already know my name.”
“Yeah! By the way, I’m Kei.” At inilahad nito ang mga palad.
Tinatanggap niya ang pakikipag-kamay nito dahil mikha naman itong friendly.
Pagkatapos niyang magbayad ay hinintay niya rin itong matapos. Sabay na silang lumabas sa Unibersidad, habang naglalakad dila ay marami pa silang napag-kwentuhan.
Masaya itong kasama dahil marami itong alam na kwento at sigurado siya na kahit sino ay hindo mabo-boring dito.
Pagdating sa Parking Lot ay naghiwalay na sila ng daan dahil may kanya-kanya silang sundo.
Sigurado siyang magkikita pa sila sa susunod na mga araw, malakas ang pakiramdam niya dahil gusto niya itong maging kaibigan.
Pagbalik niya sa bahay ng mga Yagami ay agad siyang kumain at nagpahinga pagkatapos.
Pagpasok niya sa kanyang silid ay naagaw ng kanyang tingin ang maliit na box na nakapatong sa lamesang malapit sa kanyang kama.
Kinuha niya iyon at binuksan. Muling nagbalik sa kanyang ala-ala ang taong nagbigay niyon sa kanya at ang mga kakabit na ala-alang string na iyon.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sa kabilang banda naman ay hindi pa rin matapos-tapos ang usapan nang magkaibigang Hiro at Vincent.
“Just like I told you, she is really naughty!”
“Hahaha! Yeah. And she’s really funny and ---“he paused, “beautiful.”
“Huh? In what way?” kaila ni Hiro sa compliment na sinabi ng kanyang kaibigan.
“Just admit it. I know, you like her!” deklara nito habang hindi mapigilang pagtawa. Kanina kasi ay kinuwenti niya nang buo ang hinala niya na dahilan ng pagpapainom ni Rika ng pampapurga. Dahil sa insidente na iyon ay hindi siya nakasali sa laro ng mga ito sa basketball.
At kaya naman ito nasa bahay nila ay para ma-obserbahan daw nito si Rika.
Pero may duda siya na gusto lang nitong makita ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Destined Lovers of the Red String
Teen FictionRed String "The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break"..