Chapter 4

88 5 0
                                    

Isang lingo na ang nakalipas mula nang magdesisyon siyang makipagbati na kay Hiro.

Sa una, akala niya ay napilitan lang siya, pero sa paglipas ng araw ay natuklasan niyang marami naman pala itong katangiang taglay. Kaya ngayon ay hindi niya na masasabi na napipilitan lang siya, para din sa kanya ang “make peace” nila para hindi sila laging nag-aaway.

Ngayon nga ay sabay silang manunuod ng movie habang kumakain ng in-order nitong pizza.

“Wow! Ang sweet naman!” kumento niya sa pinapanuod nila.

Nasa eksena kasi kung saan, nag-iwan ang batang lalaki ng regalo sa silid ng babae bago ito umalis.

“Paano naging sweet?” parang walang pakialam na sagot nito.

“Siyempre, pasikreto nyang binigay ang regalo!”

Filipino language ang gamit nila kapag sila lang dalawa ang nag-uusap, hindi niya akalain na hindi lang ito marunong kundi bihasa pala sa wikang Filipino.

“Ganun ba ang mga gusto mo? Mga pasikreto?” usina nito.

“Hindi naman, ang cute lang kasi, mga bata pa sila.” Naalala niya ang huli nilang pagkikita ng kanyang kababata. Kamusta na kaya ito. Sa pagkaka-alam niya ay taga-Japan ang kababata niyang iyon.

Labis siyang nalungkot nung umalis ito, at noon niya rin narealize na kahit mga bata pa sila ay nagka-crush siya dito. Para sa kanya ay hindi iyon normal.

“O, nagingiti ka diyan mag-isa na para bang nilalaro ka ng anghel.” puna ni Hiro sa kanya.

“Ha? Ah, may naalala lang ako! Alam mo nung bata pa ako-----“ay sinimulan niyang ikuwento ang kanyang kababata na si Taka.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Dahil masyado siyang na-engganyo naipagpatuloy ang kanyang kuwento dahil nakikinig naman ito, ay hindi niya napapansin ang paminsan-minsang pagsimangot nito. 

“So, yung nakita kong string dun sa kwarto mo ay galling sa kanya?” putol nito sa masaya nitong pagkukuwento.

“Yeah!” at ipinagpatuloy niya nag masayang pagkukuwento.

“Masaya siyang kasama at alam m, tingin ko isang perfect gentleman na siya ngayon kasi nung mga bata pa kam—“ naputol ang masaya niyang pagkukuwento nang biglang tumayo si Hiro.

“Bakit? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong.

Ngayon niya lang napansin na parang may kinainisan ito? Kita iyon sa mukha nito dahil sobra iyong seryoso.

“Wla, medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Gusto ko nang magpahinga.” 

“Ah, sige. Oyasumi.” 

Matapos i-off ang DVD at iligpit ang mga kalat nila ay sabay na silang pumunta sa kanya-kanyang silid.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Matapos isara ni Hiro ang pinto ng kanyang silid ay nanghihinang napasandal siya sa pinto. 

“TCH!”

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kina-umagahan ay sabay silang nag-jogging ni Hiro sa palibot ng subdibisyon. Marami silang napag-usapan, napagkasunduan din nilang sasamahan siya nito sa mall, para mamili ng mga karagdagang gamit para sa pasukan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Nakalibot na sila sa buong mall at nabili na rin nila ang kanilang pakay kaya ngayon ay nagpapahinga na lang sila habang hinihintay ang kanilang order sa fast food restaurant na kinaroroonan nila.

The Destined Lovers of the Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon