PROLOGUE

1 0 0
                                    

PROLOGUE

"Hi po kuya, Arzhel!" tawag ko sa pinsan ko. Tinignan niya ako ng masama ng maupo ako sa harapan niya. May ginagawa siya at parang busyng busyng pero nagawa ko siya istorbohin. Wala kasi akong makausap eh kaya namimeste ako.

"Get out!" Sumigaw siya bigla na ikinagulat ko, yung kamay ko na nakahawak sa pisngi ko ay natanggal dahil sa pag-sigaw niya.

"Ayaw ko! Titingnan lang naman kita eh, di naman ako manggugulo ah." Sabi ko dito, ayaw ko kasing umalis kasi ang boring!

"Get out!" Walang emosyong nakatitig to sa mga mata ko. Nagtitigan kaming dalawa, sinamaan ko din siya ng tingin. Ng hindi ko na kinaya ang tensyon ay ako na ang unang umiwas kasi ano ba, bat bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko?! Kinabahan lang ata ako eh.

"I said, get out!" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako, pesting pusong to eh, bigla ba naman kinabahan. Parang gago lang ah.

"Oo na nga, lalabas na. Ayaw pa istorbo eh" inirapan ko to sabay tayo at padabog na sinara ang pinto. Nakakainis naman si kuya, minsan na nga lang makausap nagsusungit pa. Kaya siguro di yan nagkakajowa eh noh?! Sana talaga di na siya magkajowa, poknat siya!

Sa sobrang inis ko sa pinsan ko ay lumabas na lang ako ng bahay. Nga pala, dito pala ako nakatira kila tita at tito, wala na akong mga magulang kaya dito na ako tumira. May dalawang anak sila tito at tita, kaso nga lang wala silang babae kaya kinupkup nila ako. okay naman daw pero nasanay lang talaga ako sa presensya ng pamilya ko sa bicol.

18 years old na ako at yung anak nilang panganay ay 27 years old at yung bunso naman yung sobang sungit tapos hindi man lang ngumingiti ay 22 years old. Siguro kaya yun ganun kasi busy sa school activities niya pati na din sa kompanyang minamanage niya. Hindi pa siya tapos mag-aral pero may sarili na agad kompanya, hanggat di pa siya nakakapagtapos ay si tito muna ang nagmamanage nun, pero tumutulong na si kuya Arzhel. Sobrang talino kasi nito, madami ngang nahuhumaling dyan eh kulang na lang rapin siya HAHAHA, pero wala naman siya pakealam.

Kanina pa pala ako dada ng dada dine eh hindi niyo pa pala ako kilala HAHAHA. So ayun nga, ako nga pala si Zielle, aka Zie na lang po or Elle. Nakwento ko na dito na ako nakatira kila tita at tito kasama ang masungit nilang anak hmp! Minsan na nga lang magpapansin, tinarayan pa ako. Pesti!
Pwede bang kahit minsan, maging mabait siya sakin? Nakakasura naman si kuya Arzhel eh!

"Sinusumpta kita kuya, Arzhel! Hindi ka na magkakajowa." Gigil na sabi ko habang pinipiraso ang paborito kong bulalak. Hawak ko ang pulang rosas na pinitas ko pa sa hardin ng tita ko. Sure ako pagagalitan ako nun mamaya, alaga niya yang mga flowers niya eh tapos pinitas ko lang.

"Sorry na agad tita." Saad ko.

"So, now I know." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Unti-unti akong humarap at nakangiting aso akong nakatingin sa kanya.

"Hehehe, hi po kuya Arzel, kanina ka pa po ba diyan? N-narinig mo po y-yung s-sinabi ko?" Utal-utal na tanong ko dito, bakit ka pa kasi dumadaldal elle eh, para kang tanga. Ayan tuloy!

"What do you think?" Masungit na saad nito. Ako nga nagtatanong tapos susungitin ako, aba matindi talaga ang kumag na 'to.

"Sabi ko nga po narinig mo hehe
Sige na po, kuya padaan na po ako ah? Babye po, love you mwah!" Nag flying kiss pa ako sa kanya sa takbo pabalik ng kwarto ko. Grabe naman yun, kinabahan ako ng slight kasi nga narinig niya baka isipin niya ang sama kong pinsan. Mabait kaya ako, lalo na kung hindi ako dinidemonyo, pero kasi sa kaso ni kuya, nadedemonyo ako eh.

Bound by Blood, Torn by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon