CHAPTER ONE
"Ziel, ikaw na muna pumunta ng bayan ah. Bili ka ng mga need dito sa bahay." saad ng tita ko sa hapagkainan. Alas siete na ng umaga at sabay sabay kaming kumain maliban kay kuya Azriel. Nasa taas na naman ata, nag aasikaso ng mga need niya for work.
"Yes po tita." Umuo na lang ako kahit wala pa akong alam dito sa manila. Kakaluwas ko lang kasi galing probinsya, nandito ako para mag-aral. Sabi nila, pag-aaralin daw nila ako kaya ako nandito. I was so thankful, kasi magagawa nila akong gastusan for school.
"Here." Abot niya sakin ng papel at may kasama na 'yon pera.
"Nandyan na lahat ng kailangan mong bilhin, yung pamasahe mo ay jan ka na lang din kumuha. Sobra sobra naman 'yan para sa bibilhin mo eh." Ngumiti ako sa kanya saka binulsa yung pera at papel. Baka makalimutan ko pa eh, sayang.
Nagpatuloy na ako sa pagkain ko ng wala na siyang sinabi pa. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko dito. Sa totoo lang ay matagal ko na silang kilala pero nangangamba ako sa sinabi ng lola sa'kin bago ako lumuwas. Hindi daw maganda ang ugali ng tita ko pero sa nakikita ko naman ay parang mabait siya, mapagbigay din kasi kung hindi pag-aaralin ba nila ako? Hindi naman diba? Pero paano kung lahat ng pagtulong nila sakin ay may kapalit? Makakaya ko naman siguro diba? Makakasurvive naman ata ako diba? Sus kaya ko yan, grabe ng pag emote to eh pupunta lang naman ako ng bayan.
"Ziel, Have you enrolled yet?" tanong ni tita sakin.
Umiling ako "Hindi pa po."
"Sa school ka na lang ng kuya mo mag enroll, pasama ka sa kanya bukas." Ngumiti ako dito.
"Sige po tita, thank you po." saad ko.
"By the way, what course are you going to take?"
"BS Psychology po." nakayuko kong saad.
"Wow, you want to be a psychiatrist. That's good. Sa La Salle ka ah, your cousin is in 4th year college pero iba ang kurso niya sayo. He take medicine, so pwede kang magpatulong din sa kanya kasi konektado naman yung kurso mo sa pagdodoctor." gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi. Akala ko ay papagalitan ako, alam ko kasing mahal ang tuition sa kursong yun kahit pa sabihing mayaman naman sila at barya lang yun sa kanila ay nakakahiya pa din pero yun ang kursong gusto ko.
"Thank you po, tita." nakangiting saad ko dito.
"Walang ano man, hija. Basta mag-aral ka lang ng mabuti." nakangiting saad din nito sakin.
***
"Hey cous! Aalis ka na?" Palabas na sana ako ng pinto ng bigla kong nakasalubong si kuya. Mas matanda to samin ni Kuya Arzhel. Siya yung panganay at hindi kagaya ni Kuya Arzhel, mabait to di katulad nung isa masungit.
"Opo kuya." saad ko.
"Samahan na kita? Di mo pa naman alam papaunta sa bayan diba kasi kaluluwas mo pa lang dito." Gusto ko sanang umuo kaso may binigay na pamasahe na si tita eh, ayaw ko din naman sumakay sa kotse ni kuya kasi may aircon yun, pakshit lamigin ako saka baka may lakad siya at makaistorbo ako.
"Hindi na po yah. Thank you na lang po, magtatanong na lang po ako. Saka po, ayaw ko pong makaistorbo." I smiled at him. Assurance na ayos lang mag-isa ako kasi kaya ko naman to.
"Ikaw bahala, just call me na lang if need mo ng sundo ah. Ikaw pa kasi pinabili nila mommy sa bayan pwede namang sila manang na lang." Ay oo nga noh, ah day off pala nila. Naol may day off.
"Naka day off po sila kuya, saka ayos lang po yun need ko din naman tumulong sa bahay niyo kapalit po ng pagpapaaral ng magulang mo po sakin." sabi ko sa kanya. Baka kasi magsabi kay tita bat pa ako inutusan.
"No. Kusang loob ang pagtulong na 'yun Zielle. Saka pamilya ka namin kaya kahit walang kapalit yun, tutulungan ka namin. Do you understand?" sabi niya.
"I know naman po kuya. Sige na po ah, mauuna na po ako. Baka po gabihin pa ako ng uwi eh." paalam ko sa kanya.
"Sige, take care ah. Maraming masamang tao sa bayan. Saka yung shoulder bag na dala mo, palagi mong hawakan at laging nasa harapan baka manakawan ka." pagpapaalala niya pa sakin bago ako tuluyang umalis.
***
Putcha, ang init! Isusumpa ko talaga ang manila. Ang hassle sumakay sa jeep tapos sobrang traffic pa. Muntik ko ng masumpa yung driver kasi ang sikip sikip na nga, pasakay pa siya ng pasakay. Sarap niya katayin eh. Oo nga pala, nandito na pala ako sa bayan, oo beh natiis ko yung mga amoy putok sa jeep. Nag halo halo yung mga amoy nila, pati nga ako yung amoy ko ang baho na din putcha
Amoy cologne na maasim. Sana pala nagpasama na lang ako kay kuya, hindi sana naging sobrang sama ng araw ko ngayon, kaiyak!Sinimulan ko ng magbili ng mga nakalista sa ibinigay sakin ni tita. Gagi, buti na lang nasa isang lugar lang yun, di ko na need pumunta sa kung saan saan. Tumatagaktak na ang pawis ko sa mukha, yakss masyado ng oily beh.
"Magkano po kilo nito ate?" tanong ko sa ali, pinakita ko sa kanya ang hawak kong manok.
"250 neng." ayy hala ang mahal. Sa bicol nga, ninanakaw lang namin yan tapos kapag dito 250! Nakakamagkano na kayo ah, baka wala na akong maiuwi sa bahay na pera lagot ako kay tita. Tapos baka wala akong pamasahe pauwi, isusumpa ko kayo.
"Pwede pong 200 na lang?" tawad ko pa. Malay mo may mabuting laman loob tong si manang at pagbigyan ang magandang ako. Nagpacute pa ako sa kanya at baka umepekto at tingin ko naman oo ata.
"Ayy nako, oh sige neng. Ibibigay ko na sayo ng 200. Nagpapacute ka na masyado eh." Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag si ali. Ilang tao na na burautan ko ngayon. Buti na lang last na to. Makakauwi na din ako ackk.
"Thank you po ali. Sa susunod po ulit." nakangiti kong saad ng inabot niya sa akin ang nakaplastic na manok. Umalis na ako dun kasi nangangamoy na akong lansa, juskong buhay to oh. Di na ako magtataka kung mangangamoy na akong putok, lansa, pawis at kung ano pang amoy.
Naglalakad na ako papuntang jeep ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin. Pagtingin ko sa likuran ko, kotse lang pala. Bobo, anong sumusunod dito lang ang daan niyan oy. Grabe na talagang itong mga nararamdaman ko oh, masyado ng malala.
BINABASA MO ANG
Bound by Blood, Torn by Love
RomanceHanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig na hindi maaari? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na hindi dapat maramdaman? Mapipigilan pa ba ang damdaming hindi magkatugma o ipipilit pa din ito dahil mahal mo talaga?