"Good morning, Gab. " bati ko sa kaklase at seatmate kong ang aga-agang pumasok sa school."Morning." walang emosyong saad nito habang nakatunghay sa binabasang manhwa.
"Napakaseryoso mo naman sa binabasa mo." komento ko nang ilang minuto na ang nakalipas at hindi siya nagsalita ulit.
Kibit-balikat lang ang naging tugon nito at nagpatuloy sa pagbabasa. Kahit ilang ulit ko siyang daldalin ay hindi talaga siya nagsasalita. Tanging tango at kibit-balikat lang lagi ang isinasagot sa'kin.
Ewan ko ba sa kaniya kung bakit napaka-aloof niya. Araw-araw ko siyang kinukulit pero hindi man lang siya natitinag sa kung ano ang ginagawa niya which makes me sad and at the same time hurt.
Distant, aloof, mysterious. Yan ang masasabi ko tungkol sa kaniya. There seems to be some distance between us. We used to be friends before and I don't know what happened. Basta isang araw paggising ko ay hindi na siya yung kaibigang kilala ko.
"Hey, Gab. Sabay na tayo since one way lang naman ang daanan natin pauwi." I suggested after dismissal.
"No. May dadaanan pa ako." pagtanggi nito na hindi ko na ikinagulat. Lagi naman. Lagi niya akong tinatanggihan na nagpapasikip ng dibdib ko. I am hurt alright.
At dahil nga sa makulit ako, "Then can I come with you?"
"You can't. Go home without me." saad nito habang inaayos ang mga gamit niya.
"My parents aren't home. Wala akong kasama sa bahay, so... I wanna come with you." I said truthfully para lang makasabay ulit siya pauwi.
"Still a 'no'. " at sa walang ekspresyon na mga mata ay binalingan ako bago lumabas ng room.
Nagmamadaling inilagay ko sa bag ang mga gamit ko at sinundan siya. Lakad-takbo ang ginawa ko upang maabutan siya na sa awa naman ng langit ay nahabol ko pa sa labas ng gate.
"Gab! Wait for me!" tawag ko sa kaniya habang hinihingal kakalakad-takbo.
Nang sa wakas ay maabutan ko siya ay siyang paghinto niya rin sa paglalakad. Sa naiiritang ekspresyon ay binalingan niya ako.
"Seriously Shin. You can't come with me." saad na naman nito.
Out of curiosity I ask, " Why Gab? Tell me. Why can't I come with you? Is it dangerous for me to come?"
"You can't because I don't want you there! Stop that childish act, Shin. Stop being a brat!" bulyaw niya sa'kin na ikinagulat ko ng husto. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko.
Hindi ako makapagsalita sa katotohanang nagawa niya akong bulyawan na noon ay hindi niya magawa sa'kin. Noon. Syempre noon pa yun. Nagbago na nga pala ngayon.
Pagak akong natawa kahit na naiiyak ako sa inaasta niya.
"What happened, Gab? We used to be friends before. We used to be a duo. What happened right now? Bakit ayaw mo na akong kasama? Kahit kausapin eh parang pinagdadamot mo na? You distanced yourself from me and I don't have any idea what's the reason behind it. Bakit, Gab? Am I a pest you wanted to get rid of? Ganun ba? Nakukulitan ka na ba sa'kin?" mahabang litanya ko at bakas doon ang hinanakit ko sa kaniya.
Yan ang matagal ko ng gustong itanong sa kaniya. Kung bakit bigla-bigla nalang may harang sa pagitan namin. Pagtuntong namin ng Senior High ay siya ring paglayo niya paunti-unti.
"Answer me, Gab. Kasi di ko maiintindihan kung patuloy mo kong iiwasan nalang!"
"Just leave me alone, Shin." tanging saad nito na nagpatawa sa'kin ng mapakla.