DESTINED

119 4 0
                                    

To: Julia <3

-3pm. Auditorium, meet me...please.

-SENT-

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, pero hindi na ito tama. Mukhang hindi ko na kakayanin. I love her so much, but this need to stop. NOW.

"Kevin, bakit ka nag-quit?" tanong sa'kin ng kakalse ko. Si George.

"Ikaw pa naman din ang Team Captain, anong nangyari?" usisa din ni Kai. Isa din sa mga kaklase at kaibigan ko.

"May problema ba kayo ni Coach? O may tampuhan ni Julia?" -George.

"Hindi..Hindi. Wala namang problema, napagisip ko lang talaga na... siguro magpapahinga muna ako." pagiintindi ko sa kanila.

"Ah, ganun ba? Sige tol, naiintindihan ka namin. Basta 'wag mong kakalimutan ha? Lagi kaming nandito, welcome ka anytime. Magpasabi ka lang." sabay tapik ni Kai ng balikat ko.

I smiled at them, "Sige... tell coach, I'm sorry."

"Sure, maiintindihan ka din n'ya pag dating ng panahon." sabi ulit ni George.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa bleachers. "Sige, una na ako."

"M-May sakit ka ba? Maputla ka ata?" Ha?

"Ha? W-Wala naman..s-siguro pagod lang. May thesis kasi akong inaasikaso eh, sige una na ako." at nagmadali akong bumaba.

Dumaan muna ako sa canteen at bumili ng maiinom.

*bzzt*

Kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko.

Aww..

From: Julia <3

-Sige Hon, pero pwedeng mamayang 5pm nalang? May ginagawa pa kasi ako eh. Please? *O* I love you and I miss you, po.

-end-

To: Julia <3

-Ok.

-end-

*bzzt*

From: Julia <3

-Walang I love you too? :(

-end-

I...

I'm sorry.

Binulsa ko na agad ang cellphone ko, hindi na pwede. I'm so sorry Julia, kailangan lang talaga. Para din naman sa'yo ito.

Pumunta nalang muna ako sa clinic dahil medyo sumama nanaman ang pakiramdam ko. Sinabi ko sa nurse na kulang ako sa tulog kaya medyo masakit ang ulo ko kaya naman pinahiga n'ya muna ako doon sa isa sa mga kama sa clinic. Kahit papaano ay nakaidlip naman ako, magaalas-singko na ng magising ako. Tama lang pala.

Naglakad ako papunta doon sa nurse table at kinuha ang medical slip.

"Mr. Victorino, are you alright?" tanong ng nurse.

I tried my best to smile, "I'm fine." I answered.

"Sigurado ka ba? You don't look fine. Please do take your sit." sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo n'ya.

Umupo naman ako doon at sinunod ang sinabi n'ya, "Sandali lang, I think you need to take some test, you don't seem alright Mr.Victorino."

Kumuha siya ng isang instrumento, isang instumento na lagi ko nalang nakikita at nagsasawa na ako. "Let's check your blood pressure first."

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon