3rd obsession

445 10 7
                                    

3rd Obsession : Lullaby

(SEIRA MEYN'S POINT OF VIEW)

"My queen, the breakfast is ready."- narinig kong sinabi niya mula sa pintuan ng kwartong ito. Nandito na ako sa kwarto ko at nakahiga pa din.

Hindi ko na alam kung paano ako makakatakas dito sa impyernong ito. Hindi ko din alam kung anong meron sa lalaking ito, may parte saakin na gusto kong alamin kung anong meron sakanya pero sa kabilang parte naman ay ayoko dahil natatakot ako.

"My queen, are you still mad at me?"- tanong niya mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa unan at hindi lumilingon o sumasagot man sakanya.

Naramdaman ko naman na may presensya sa likuran ko at naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko.

"Hey..."- malumanay na tawag niya saakin at hinaplos pa ang buhok ko agad naman akong lumayo sakanya at sumiksik sa dulo ng higaan.

"Alright. When I got home from my work, we will play a game that I know you will like it."- may pagkairita man sa boses ay may pagkadesperado din dito.

Unti-unti naman akong lumingon sakanya, hindi ko alam kung ano ang larong yun pero kung sinasabi niyang kung ano ang gusto ko ay yun ay ang maka-takas ako dito. Siguro naman ay aware siya kung ano ang gusto ko.

I directly look at his eyes and saw his eyes sparkled the moment our eyes met.  I suddenly cleared my throat because of the intense gaze that he's giving me.

Nakakaakit ang mga mata niyang naka-tingin saakin na parang ako lang ang tanging babae na nakikita niya.

"We will play a game, my queen. After my work."- sabi niya ulit ng hindi naaalis ang tingin saakin.

Ako na ang unang umiwas dahil unang-una ang awkward at pangalawa mukhang wala siyang balak na umiwas.

"But before I go, eat your breakfast first."- sabi niya at nakita ko na lang na may kinuha siyang tray sa desk ko at inilapag sa higaan ko.

Unti-unti naman akong umupo at tinignan yung pagkain. Ayos lang ba kung kakainin ko ito? Mukha naman kasi siyang masarap eh. Sopas, hotdog, bacon, bread, milk, at banana ang nasa tray.

"Eat now, my queen. Don't worry, that's safe. I will not let my queen die because of food poisoning."- simpleng sinabi niya at ngumiti pa saakin.

Kung ang ibang babae siguro kikiligin pa dahil sa ginagawa niya, pero ako hindi.

Kinikilabutan ako sakanya, hindi ko alam kung bakit.

May pagaalangan pa ding kinuha ko yung kutsara at sumandok ng sopas.

Naka-halumbaba naman siyang naka-tingin saakin at naka-ngiti din habang pinapanuod akong kumain.

Sobrang awkward nito.

Sinubo ko agad yung sopas at tinikman ko ng maigi.

"Does it taste good? Isn't it salty? Or sweet? Or what?"- sunod-sunod na tanong niya saakin. Masarap naman yung ginawa niya. Chef siguro siya o baka hindi?

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Nakita ko naman siyang ngumiti ng malawak.

"You like it!"- masayang saad niya at pinanuod lang akong kumain. Naiilang ako sakanya kaya tumitingin ako sa ibang direksyon para hindi magtagpo ang mga mta namin.

"Why? Is there something wrong?"- tanong niya ng nag-aalalang naka-tingin pa din saakin.

"Nakakailang yang tingin mo."- halos pabulong ko ng sinabi habang naka-tingin lang sa pagkain.

Narinig ko naman siyang tumawa. Tumawa siya?

"I'm sorry. I'm just happy because I have you. After a long time of not seeing you, now I'm right behind you and watching you eating the food I made."- sinabi niya at tinitigan pa ulit ako. Tumingin naman agad ako sa ibang direksyon.

Hindi ko alam pero feeling ko umiinit yung pisngi ko dahil sakanya. Hindi ko naman kasi maipagkakaila na gwapo nga siya kaso hanggang dun lang talaga. Hanggang mukha lang.

•\\•\•\\•\•\\•\•

Habang nasa kwarto ako at nanunuod ng Brothers Conflict ay narinig kong bumukas ang pintuan kaya napa-tingin agad akong kung sino yun. Oo nga pala, sino pa ba wala naman ng ibang tao dito kundi ako lang with one animal.

"Bye, my queen. I'll be back. Please, don't leave."- sabi niya at ngumiti pa. Yung ngiting alam mong peke.

Tumingin ako sakanya ng walang halong ekspresyon at sabay tumango, nakita ko naman agad yung necktie niya na hindi masyadong naayos at ang medyo gusot pa na damit niya. Hindi ba uso ang plantsya sakanya?

Umiwas na ang ako ng tingin at pinagpatuloy ang panunuod. Narinig ko na lang na sumara ang pintan kaya napa-buntong hininga na lang ako.

Tumingin ako sa pinapanuod ko at napa-ngiti.

"Ang saklap ng buhay. Ang saklap naman ng buhay ni Yusuke. Kung kahapon, mag-classmate pa lang sila at ang turing pa niya ay crush kay Ema pero, ngayon naman, mag-kapatid na. Tadhana nga naman."- sabi ko at umiling-iling pa.

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko na makita si ate Ree, gusto ko ng magtrabaho kasama si ate Ree, gusto ko ng makausap ang mga kaibigan ko. Kahit na kahapon lang ako nandito, pakiramdam ko isang linggo na. Hanggang kailan pa ako na nandito? Kakayanin ko pa ba?

Napa-buntong hininga na lang ulit ako at nakaramdam naman ako ng pagka-uhaw kaya tumayo ako at pumunta sa kusina.

Habang umiinom ako ay pumunta muna ako ng sala. Buti naman at hindi niya ako kinulong lang sa kwarto ko, kasi kung ganun nga, magpapaka-bigti na lang ako.

Habang naglalakad ako papunta sa sala, nakikita ko kung gaano kaganda ang sala, yung sala pa nga lang maganda na paano pa kaya kung sa lahat na.

May nakita akong picture frame, pamilya niya siguro yun, may isang magandang babae na may pagka-hawig kay Franz, yeah. Alam ko na ang pangalan niya dahil sinabi nga niya kahapon, hindi ko alam kung paano ko pa naalala ang pangalan niya, minsan kasi hindi ko naaalala ang mga pangalan ng mga tao, hindi ko alam kung bakit.

May nakita din ako sa picture frame ang isang lalaki na naka-akbay sa babaeng may pagka-hawig kay Franz o yung demonyong yun. Magkamukhang-magkamukha yung lalaking naka-akbay pati din yung demonyong yun.

Meron ding dalawang lalaki na magkamukha, halata namang kambal sila close na close sila sa isa't isa, lahat sila nakangiti maliban lang sa demonyong yun na wala man lang ekspresyon sa mukha nito.

Tinignan ko din ang ibang pictures na pamilya niya kasama siya pero lahat ng yun ay naka-simangot pa din siya at wala kang makikitang kahit na anong ekspresyon sa mukha.

Ganyan ba talaga siya? May nahagip naman ang mata ko. Ako ba yun?

Lumapit ako dun at tinignan ng mabuti. Ako ito! Pero... Kailan ito nangyari? Baka naman nung nag-bakasyon kami ni ate Ree. Pero paano nakuhanan, masyadong malapit eh. Kinuha ko iyon at tinignan ng mabuti. Hindi nga, ako ba ito? Baka naman kambal ko? Kambal ko?

May narinig akong parang binubuksan yung pintuan kaya napa-tingin agad ako sa pintuan. Nandito na agad siya? Pero, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari eh. Pero normal lang naman kung sa ganitong pangyayari ka ba naman mapunta.

Unti-unting bumukas yung pintuan pero mas pinagtaka ko ang biglang pag-sara din nito at mga click na galing sa pinto. WTF?

Pumunta na lang agad ako sa kwarto ko at humiga. Shit. Shit. Shit. Shit. Ano yun? Ako ba pinagloloko niya? Malay ko ba kung ano yun? Napa-tingin ako sa pinapanuod ko kanina. Kinuha ko yung remote control at mas linakasan ko pa ang volume.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Pero may narinig akong kanta, ayan na naman hindi ko na naman alam kung saan nanggagaling yung tugtog na iyon. Pero dahil doon ay unti-unti na akong nakaka-tulog.

"Pen pen de sarapen
De kutsilyo, de almasen
Haw haw de carabao, batuten
Sipit namimilipit, ginto't pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat."

---- END OF 3RD OBSESSION ----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Can Kill AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon