Simula pagkabata ay madalupang palad na sina Alexa at Yna,pareho silang ipinanganak sa Pasig kaya naman ay magkasundo sila sa lahat ng bagay. Tila kapit tuko dahil halos hindi sila mapaghiwalay.
Nakasanayan na nila na kung anong paaralan ang pinapasukan ni Yna ay siya ring pinapasukan ni Alexa upang magkaroon sila ng mas mahabang oras na magkasama. Kabilang silang dalawa sa mga nagkamit ng karangalan nang sila ay magtapos sa elementarya. Bakasyon pa lamang ay pinag-uusapan na ng magkaibigan kung kailan sila bibili ng mga kakailanganing kagamitan para sa pasukan. Dahil sa kasabikan na maging isang mag-aaral sa sekondarya ay napagkasunduan nila na mamili na ng gamit bago ang nalalapit na pagbubukas ng pasukan. Nang sila ay magkita sa napag-usapang lugar ay dumiretso na agad sila sa pamilihan. Sa kalagitnaan nang pagsusuri sa kanilang bibilhin na gamit ay nakaramdam sila ng pagkalam ng sikmura kaya naman,
"Besty, Kain muna tayo, kawawa naman ang alaga ko sa tiyan nagmamaktol na." wika ni Yna
"Oo nga, nakalimutan ko rin kumain ng almusal kanina eh dahil sa pagmamadali, nahuli kasi ako ng gising." Tugon naman ni Alexa
Kaya naman naglakad-lakad muna sila upang maghagilap ng tindahan na siyang sagot sa nag-aalburotong nilang tiyan.
"Ayun oh! Tindahan ni Aling Bebang." Masayang sambit ni Yna
"Tara! Bili na tayo!" wika na ni Alexa
Habang kumakain ay tinatapon lang nila kung saan-saan ang balat ng kanila pinagkainan. Marami man silang natutunan na makabuluhang leksyon sa kanilang nakaraang pag-aaral ngunit may isang bagy silang nakakalimutan, ito ay ang pagtatapon ng basura sa tamang lugar.
"Tara na!may bibilhin pa tayo!" nagmamadaling sambit ni Alexa
Hindi na nila pinansin pa ang mga nakakalat sa daan. Nang maka-uwi sila sa kani-kanilang tahanan ay tuwang-tuwa nilang tinignan ang bawat gamit sa paaralan na kanilang binili.
Makalipas ang ilang mga araw ay dumating na ang kanilang pinakahihintay na sandal, ang pagbubukas ng unang klase. Gaya ng inaasahan nila ay pareho silang nabibilang sa unang pangkat. Hindi na nakakapanibago para sa kanila ang pagpapakilala sa harapan ng buong klase at isa-isa nilang kinilala ang kapwa nila estudyante maging ang bagong guro. Sa mga lumipas na araw ay napansin na nila agad na maraming gawaing naka-atas sa kanila. Dahil sa pagka-abala ay hindi na nila nililinis ang kanilang silid-aralan at kung minsan ay nasasabon o nasesermonan pa sila ng kanilang mga guro dahil sa pagiging iresponsable. Sa oras ng kainan ay napakaraming basura ang nakakalat sa kung saan mang sulok ng eskwelahan na hindi man lang binibigyang pansin ng kahit sinong mag-aaral. Kahit nasa unang pangkat ay isinasawalang bahala nila ang tungkol sa bagay na ito. Ang nasa unang pangkat ay imbis na maging magandang ehemplo ay hindi pa rin sila natututong tumulong sa usaping ito depende na lamang kung may guro o sino mang nakakataas ang makakakita sa kanila ay saka pa lamang sila kikilos dahil maaari silang makakuha ng dagdag na grado . Kaya naman ang mga namamahala sa paglilinis ay naghihikahos na dahil sa walang sawang pag-iikot para siguraduhing wala na ang lahat ng basura na dulot ng mga estudyante pagkatapos kumain para mapanatili lamang ang ninanais na kalinisan sa buong paaralan. Kahit ipilit ng Punongguro ng paaralan na iturosa mga estudyante ang "waste management" ay wala ring ma-iaambag sa problemang kinahaharap ng eskwelahan dahil walang kooperasyon na pinaiiral maliban nalang sa mga organisasyon sa paaralan na layunin ay ang makatulong.
Samantala, ang magkaibigan naman na sina Alexa at Yna ay gabi na ng makauwi dahil sa mga proyekto na kanilang ginawa at tinapos sa kanilang paaralan.
"Oh! Yna, dito nalang ako. Ingakat ka!" pamamaalam ni Alexa
"Sige, dito na rin ako. Ingat ka! Tiyak pagagalitan na naman ako ni nanay dahil gabi na ako naka-uwi." kinakabahang tugon ni Yna
Matapos ang mahabang paglalakad ay nakarating na rin sila Alexa at Yna sa kani-kanilang mga bahay. Sa tahanan nila Yna, "Bakit ngayon ka lang!? Sana di ka nalang umuwi!" galit na sambit ni Aling Maria, ina ni Yna
BINABASA MO ANG
Bagsik ng Kalikasan
AventuraHangga't kaya mo ngayon Huwag na ipabukas pa Malay mo mawala na Ang taong minahal mo ng sobra Dapat matutong mahalin ang meron ka Mga bagay na nilaan para saiyo ng kalikasan Dahil pag ito'y kanyang kinuha Tiyak, MAGSISISI KA NG SOBRA