If Only

3 0 0
                                    

"Ma, pakibukas po yung TV."

Every Sunday ko lang kasi noon nakikita ang aking idolo. Siya si Nash Aguas. Goin' Bulilit noon ang show niya kaya tinitiis kong sa TV lang siya nakikita.

"Ma, ang gwapo ni Nash ano?" wika ko kay Mama.

"Kabata-bata mo palang anak, nagkakacrush ka na!" sagot ni Mama habang iniaabot sa akin yung remote control.

"Ma naman eh! Minsan na nga lang ako mangarap."

Ako si AC. Isang probinsiyana. As usual, nakameet lang kami ng mga sikat na artista kapag may fiesta. Ganun talaga eh, malayo kami sa marangyang siyudad.

5 years old palang ako nang magustuhan ko si Nash. Pogi, magaling umarte at humble. Pero dahil bata pa ang pag-iisip ko noon, hindi ko pa naiisip ang mas malalim na mga bagay-bagay na patungkol sa pagmamahal.

"Ma, sana ako nalang 'yang partner ni Nash," pabirong sabi ko kay Mama.

"Aba anak eh mangarap ka! Marami pang nagkakandarapa sa batang 'yan, 'di lang ikaw."

Ayaw na ayaw talaga ni mama 'pag sinasabi kong gusto ko si Nash. Ito ay dahil siyempre, bata pa ako noon at of course, hindi ako mapapansin nun dahil marami rin namang babae ang nagkakagusto sa kanya.

Hindi yan mapipigilan ng pagmamahal ko kay Nash. Alam kong mahal ko na siya noon pa lamang.

Dating a FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon