Chance

1 0 0
                                    

Linibre ako ni Tita ng ticket para sa mallshow ni Nash. May mall kasi sa karatig probinsiya. Mga 30 minutes lang ang layo sa amin. Ohmygee, makikita ko na siya! Nandito na naman yung kilig na nafeel ko nung first time na nakita ko siya sa TV. And ngayon, makikita ko na siya talaga in person.

"Baka mahimatay ka 'pag makita mo si Nashie Boy." biro ni tita.

Pag-uwi namin sa bahay, tinulungan niya akong gumawa ng banner para sa mallshow. Aba, nag-effort pa talaga ako. Eh siyempre para sa mahal ko kaya 'to.

"Di ka pa ba matutulog?" tanong ni Tita na halatang dinadalaw na ng antok

"Mauna na po muna kayo. Tatapusin ko muna ito."

Hindi rin naman talaga ako makakatulog nang maagaeh. Siyempre, sino bang hindi maeexcite kapag kinabukasan, magkikita na kayo ng idolo mo. Este, mahal ko pala. Mahal ko na siya. Higit pa sa sobra.
--

December 15 2007

"KRIIINGGG! KRIIINNGGG!"

Nagulat ako sa tunog ng alarm clock ko. Pero mas nagulat ako nang makitang 9:00 na. 9:00 kasi magsisimula yung mallshow ni Nash.

"Walang silbing alarm clock!!!" sabi ko sa sarili ko.

Dali-dali akong pumunta sa room ni Tita para tignan kung gising na siya. Naku hindi pa! Pati siya hindi na rin nagising dahil sa sobrang puyat namin kagabu.

"Tita gising na po!!"

"Anong oras na ba?"

"Basta po!! Late na po tayo para sa mallshow!"

Naligo na kami at nagbihis. Pinili ko ang pinakamagandang damit na isusuot ko na sa tingin ko ay magugustuhan ni Nash. Pumara naman si Mama ng taxi para sa amin ni Tita.

"Traffic na naman!" sabi ni Tita.

Tinignan ko ang aking relo at nakitang 10:20 na.

"Dibale na pong 'di tayo makaabot sa mallshow basta po makita ko lang si Nash," panghihinayang na sagot ko.

Dumating na kami sa mall at nakitang wala nang tao doon sa harap ng stage. Nagulo-gulo na rin ang mga upuan na siyang nahapahiwatig na tapos na ang mallshow ni Nash.

Napaiyak na lamang ako noon dahil aa sobrang panghihinayang. Nash ko po! Kailan ba kita makikita in person? Sayang yung chance. Sayang. Once in a lifetime lang 'to. Fvck that alarm clock!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating a FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon