Chapter 33

34 1 1
                                    

Zhemiya.     Point of View

It's been a while since I and Lack have a date, naging busy kami pareho sa mga trabaho namin, Everything Is going smooth. Alam na rin nila Mommy na Engaged na ako, and she's happy to heared it.

3 weeks na kaming hindi nag kikita, pero nag v-video call kami pero iba pa rin talaga sa Personal. Parang ang Clingy ko na masyado, hindi kaya si Lack na iirita?
Hayst, ewan.

Biglang pumasok sa isip ko 'yong pinag ku-kwentuhan namin ni Lack, napangiti ako ng maalala 'yon. Hindi kami pareho pumayag na mag live in, he said na gusto niya munang ikasal bago kami mag sama. Ako rin naman ganon ang plano, kaya walang kaso sa akin 'yon.

Inikot ko nalang ang swivel chair ko paharap, dahil sobrang boring. Puntahan ko kaya siya? Halos mapatalon ako sa Gulat ng makita ko si Travic, Mukha siyang panda, ang laki ng eye bags niya.

" Anyare sa'yo Travic? Mukha kang Panda, at isa pa saan ka ba nag pupunta? Ang tagal mong nawala" sabi ko sakanya at humalukipkip.

" Aba, syempre nag trabaho, sayang ang pinagtapusan ko, sayang ang Course ko kung hindi ko gagamitin. Ay 'yong eye bags ko na 'yan?" Turo niya sa eyebags niya " dahil sa Project 'yan huhu akala ko madali lang" halos matawa ako sa itsura niya kasi paiyak na siya.

Buti naman na isipan na niya mag trabaho, matanda na siya tambay pa rin. Although hindi naman siya pinapagalitan ng Daddy niya, Pinagsasabihan lang.

" Ano ba kasi ang Project mo?" Tanong ko, kinuha ko naman ang cellphone ko para i-text 'yong Secretary ko. Halatang wala pang kain ang isang 'to, kaya nag padala ako ng makakain.

" Company, 3 weeks na akong walang matinong tulog" nanlulumo niyang sabi at napaupo sa lapag.

Anak ng tupa, ano ba 'yan, daig niya pa batang nawalan ng Candy.
Napangisi ako ito, siguro pinaka unang project niya, deserve.

Tumayo ako sa swivel chair ko para maupo sa sofa, mukhang mahaba haba ang usapan namin nito.

" A-ano na gagawin ko huhu"

" T*ngina nito, wala ka talagang matatapos kung iiyak ka lang d'yan, bakit ba kasi ang laki agad ng kinuha mo na Project? Hindi muna bahay? Ano akala mo laro lang 'yan?" Panenermon ko sa kanya, sino ba naman kasing matinong tao ang kukuha agad ng malaking Project, tapos ilang taon na huminto.

Ako kasi nung nag tapos ako, maliliit na project lang muna kinuha ko, dahil alam ko na ako rin ang mahihirapan kapag malaking Project ang kinuha ko, at hindi nga ako nag Kamali. Tignan mo ngayon si Travic.

" Ano ba kasing malay ko doon"

" Tumayo ka nga d'yan Travic" saway ko sakanya, dahil ang lintek nahiga na. Kung hindi ko lang 'to naging kaibigan iisipin ko na baliw ang isang 'to.

Umiling iling nalang ako, hindi ko na alam gagawin sa lalaki na 'to, ang sakit sa ulo. Buti hindi pa talaga sakanya nagagalit Daddy niya dahil sa ugali niya, I mean hindi naman sa pag a-ano pero kasi, dapat sa edad niya, alam na niya purpose niya sa buhay niya.

Medyo May nag improve rin naman, ilang taon ko siya noon hindi nakasama, at hindi ko rin alam kung ano pinaggagagawa niya sa buhay niya. Dahil pano ko malalaman if ang alam ko is Patay na siya? Sobra Sama ng loob ko sakanya, kasi isang taon akong naniwala na patay na siya, tapos isang araw mag papakita siya. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako Pakiramdam ko hindi na ulit ako nag iisa.

" Pakain nga ako, nagugutom na ako" Luh?

" Hintayin mo papunta na 'yong pinadala ko na pagkain, teka nga. Patingin nga ng gawa mo" usisa ko, baka May maitutulong ako sakanya.

I'm His Secret Assassin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon