Chapter 7

266 9 5
                                    

Parang may mali.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o parang kanina pa ako pinagtitinginan ng mga taong nakakasalubong ko.

Parehas kaming walang schedule ni Angel ngayon, kaya kasalukuyan kaming nakatambay sa coffee shop sa mall na malapit lang sa condo. I figured that this is what I need after a crazy weekend.

Kaso sa ilang minutong tinambay namin rito ay kapansin pansin ang kakaibang tingin ng mga tao sa'kin. Akala ko guni-guni ko lang, pero nang mapansin na rin ni Angel 'yon ay nagtaka na rin ako.

"Sis, ako lang ba o parang pinagtitinginan ka ng mga tao?" Bulong niya.

Ngayong pinuna niya na ay mas naging kapansin pansin rin tuloy 'yon. Lalo pa nang marinig namin ang bulungan ng grupo ng magkakaibigang nakaupo malapit sa table namin.

"Diba siya 'yon?" Narinig kong sabi ng isa, habang pasimpleng tumitingin sa'kin.

"Kamukha lang yata..." Sagot naman nong isa na nakatingin pa sa phone na parang may kinukumpirma.

"Hindi. Siya talaga 'yon! Tignan niyo..." Sabi ng isa pa nilang kaibigan at may ipinakita sa phone.

Bumakas agad ang gulat sa mga mukha nila sa nakita. Umiwas agad ako ng tingin nang sabay sabay silang mag-angat ng tingin sa'kin. Inabala ko pa kunwari ang sarili ko sa inumin.

What the hell? Ano 'yon?

Kumunot ang noo ni Angel, halatang narinig ang usapan sa kabilang table. Maging siya ay nagtataka na rin sa nangyayari.

"Uhm, excuse me po." Nagulat ako nang biglang may lumapit sa'kin. "Kayo po ba si Belle Mariano?"

Naramdaman ko ang gulat na paglingon sa'kin ni Angel, but I was too shocked to even glance at her.

"Opo... Bakit po?" Nagtatakang tanong ko sa babaeng lumapit. Iniisip ko kung kakilala ko ba siya, dahil alam niya ang pangalan ko.

But this is the first time I'm seeing her. Hindi ko siya kilala, pero bakit kilala niya ako? Alam pa pati ang apelyido ko.

"Okay lang po bang magpa-picture?" Parang kinikilig pang aniya.

Gulat na napahawak si Angel sa dibdib niya.

"Picture?" Naguguluhan na talagang tanong ko. Bakit naman magpapa-picture?

"Hala sobrang ganda niyo po pala sa personal!" Tuwang tuwang puri niya.

"Mm, salamat..." Nagaalangang sagot ko kahit gulong-gulo na.

I think she mistook that as a signal to get close and take a picture. Mukha siguro akong timang sa picture na 'yon dahil sa sobrang gulat at pagkabigla.

Ngunit mas mabibigla pa pala ako sa susunod niyang sasabihin.

"Bagay na bagay po talaga kayo ni Donny!" Kinikilig na sabi niya pa. At sa lakas ng boses niya ay narinig 'yon ng lahat.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Angel, kapwa naguguluhan sa mga nangyayari. Mas lalong naglakasan ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. At isa-isa ay nagsimula na silang lumapit para magpa-picture!

"Oh my God..." Bulalas ni Angel nang biglang magkumpulan ang mga tao sa paligid namin.

Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi ng mga tao, dahil sa dami nila at sabay sabay pang magsalita.

The only words that stood out were...

Donny...

Belle...

SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon