Chapter 8

268 11 3
                                    

I've always been a tough cookie. Not easily swayed by anything. Not easily hurt. I guess it comes with being the eldest child. I've been naturally programmed to endure and just... Survive. I rarely have the time to dwell on my problems, because I always have to be the strong one.

But I do have one weakness.

My family.

So when I got a text from Mama mere hours after I left the mansion, walang pag-aalinlangan akong dumeretso pauwi ng Antipolo.

Mama: anak nandito kami ngayon sa ospital. mag-iisang linggo na. may nangyari kay Tali.. makakadaan ka ba nak?

Kasunod non ay tinext niya sa'kin ang pangalan ng ospital.

No further explanation. Just that.

At nang subukan ko naman siyang tawagan, nakapatay na ang phone niya. Her message was sent an hour ago. She probably tried calling me too, pero dahil nakapatay ang phone ko kanina ay malamang hindi pumasok ang tawag.

I was in a state of panic and was just about to send a text to my Mom nang biglang pumasok ang tawag ni Donny.

Sa gulat ay napindot ko kaagad ang decline! Napunta tuloy ako sa thread ng messages namin at isa-isang nabasa ang mga text niya mula kanina pa.

Donny: I'm here. Where are you?

Donny: Are you inside the mall?

Donny: Hey, I've been trying to call you but your phone is off. Where are you? Are you okay?

Donny: Belle?

Donny: Did something happen?

Hindi ko pa tapos basahin ang mga messages niya nang bigla siyang tumawag ulit.

Para akong aatakihin sa puso sa kaba at pagkatuliro. Pinagisipan ko pa kung sasagutin ko na, pero sa huli ay hinayaan ko na lang hanggang sa matapos ang pag-ring ng phone ko.

Belle: Sorry, hindi na kita nasabihan. Nagka-emergency lang ako kaya umuwi na muna ako sa probinsya. Pasensya na. Pasabi na rin kila Ate Keia.

I wasn't totally lying. Totoo naman ang sinabi ko... Hindi ko na nga lang binanggit ang tungkol sa napagusapan namin ng Mamita niya. And I don't ever plan on mentioning it to him or to anyone. I just don't see the need to. Lalo pa't hindi naman ako pumayag sa offer na ibinigay sa'kin.

Hindi pa nag-iilang segundo ay nakapagreply na agad siya.

Donny: Are you going to be okay?

Natagalan ako bago makapagreply. Hindi alam kung paano sasagutin 'yon.

Donny: Because if not, send your location and I'll be there.

Maybe it's because of the overwhelming stress at sa patong-patong na problema, pero nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mabasa ang reply niya. I've been on edge since this morning. Hindi pa ako tuluyang nakakapagpahinga mula sa lahat ng mga nangyayari, pero heto at may panibago nanaman.

Ngayon pa lang bumubuhos sa'kin ang katotohanang napakarami kong hinaharap na problema. I never really knew I needed someone to share my troubles with... Not until he offered. Sanay ako na palaging sinasarili ang lahat ng problema. Siya pa lang ang bukod tanging nag-presintang damayan ako.

I felt something warm and heavy in my heart. Dahil... pwede pala 'yon? Possible pala 'yon?

Belle: Hindi na kailangan.

SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon