PROLOGUE

9 0 0
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination & are used fictitously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.



Happy reading!! <333




PROLOGUE

Tamad akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ang aking kaibigan na nagsusukat ng gown para sa 18th birthday niya. Hindi ko naman talaga gustong sumama dito dahil alam kong boring lang ako titingin sa kanya habang nasa harapan ko siya nag susukat. Bigla na lang akong hinila nung uwian na.




Syempre ano pa nga ba? Edi pagbigyan ang may birthday! Okay na rin to, wala pa kong na iisip na regalo sa kanya.




"Maganda ba to?" Ngiting tanong nang aking kaibigan na si Harriet.



"Oo," Tamad kong sagot.



Ilang oras na kong nakaupo dito sa sofa wala akong ibang ginagawa kundi tuminggal sa kanya panoorin siyang magsukat ng mga gowns! Nangangawit na yung pwet ko dito kakaupo! Sukat ng sukat akala mo naman ikakasal!



"Ano ba yan! Lahat ng pinapakita ko sayo sinasabi mo maganda! Wala ka na bang ibang masabi?!" Irita niyang balik sakin.



Syempre lahat maganda! Ang mamahal ng gowns dito oh! Pinaghirapan nila gawin lahat to, nasa sikat na designer kami kaya masasabi mo talagang maganda lahat!


"Totoo naman kasi! Magaganda lahat! Tsaka baka marinig ako ng mga staff dito na hinusgahan ko ang gowns nila!" Irap ko pa.



"Anong pake nila? Atleast nagsasabi ka lang naman ng totoo! Tsaka hindi naman sila mawawalan dahil dito pa rin kami magpapagawa!"



Agad siyang tumalikod sa akin para magsukat pa ulit ng panibagong gown. Tamad na lang akong sumandal sa sofa at umirap sa kawalan. Kanina pa talaga kami dito ilang oras na ang nakalipas hindi pa rin siya tapos magsukat tsaka hinihintay rin namin ang Mommy niya ang sabi niya susunod sila sa amin. Ewan ko na lang aabutin ata kami ng gabi dito, eh. Excited talaga siya sa nalalapit niyang birthday, ito kasi yung pinakahinihintay niya sa lahat. Invite kasi crush niya




Anong nakakaexcite sa paginvite sa crush mo? Like duh! Paano niya kaya napa sama yon sa 18 roses? Malay mo kaya lang siya nandoon dahil engrante ang birthday niya at maraming pagkain. niya at maraming pagkain. Baka ayon lang hanap ng crush niya.


Para sa akin wala namang special kung makasayaw mo ang crush mo. Ito pa naman babae na ‘to may pagka assuming sa iilang interaksyon nila ni Class president sa loob ng room namin kala mo na buhusan ng ihi sa sobrang kilig. Suplado at may pagka mayabang ang lalaking yon kaya hindi ko alam kung ano yung na gustuhan niya doon. Pagkatapos non binigyan niya na agad ng invitation para sa birthday niya! Pasalamat na lang siya hindi siya binugahan ng apoy sa mukha niya!



Basta ako ayoko sa suplado.



"Na saan na ba ang Mommy mo?"



"Papunta na."


Napairap ako nagsisimula na naman akong mairita. Kanina pa yan. Papunta na! Papunta na! Papunta na! Paulit ulit na lang! Nagugutom na ko dito, oh!



"Ilang ulit mo ba yang sasabihin sakin? Kanina pa yan, ah. Nagugutom na ko!"

May important meeting lang daw pinuntahan ang Mommy niya para sa business nila kaya kaming dalawa na lang muna ang pinaunang pumunta dito. Kaya pagkatapos ng klase namin kanina hinila niya na ko para pasakayin sa kotse nila at pumunta dito.




Wala akong sama ng loob sa magulang niya, ah. Sadyang kanina pa talaga kami nandito at gutom na ko. Tsaka ang rami din ibigay sa amin na assignment ngayon. Kaya malamang nito gagabihin talaga ako sa pag gawa.


Hindi marami ang kinain ko kanina lunch break dahil masyado akong na busog sa kinain ko nung breakfast. Kaya ngayon gutom ulit ako. Diet? Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nyan sa akin. Mas masayang kumain ng kumain. Wala pa naman akong baon na snacks dito sa bag ko, ka asar naman!



Tatlo kaming magkaibigan noon pa man hanggang ngayon. Hindi na ata kami mapaghihiwalay na tatlo dahil every school year kaklase pa rin namin ang isa't isa. Kaya wala ang isa naming kaibigan dito dahil busy. Busy sa boyfriend niya. Hindi na ata yon sanay ng walang lovelife.



Dalawa silang kaibigan kong mayaman habang ako. Sakto lang naman... I mean.. Binibigay naman ng mga magulang ko ang lahat sa amin pero hindi kami spoiled, ah. May kapatid pa kong isa, ako ang panganay sa amin.





Hindi sila masyadong mahigpit sakin katulad nito. Kilala na nila itong dalawa kong kaibigan kaya hindi na sila masyadong nag aalala sa akin. Dahil alam naman nilang sila lang tong lagi kong kasama lagi. Basta lang daw magpapaalam ako sa kanila kung saan kami pupunta. Kilala naman ng magulang ko ang magulang ng mga kaibigan ko kaya hindi na mahirap sa kanilang hanapin ako.


Singkit mata niya kong tinignan ng pagkahawi niya sa kurtina.




Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, bakit?"




"Gutom ka na? Kaya pala ganyan ka, ako rin medyo gutom na. Pero malapit na raw si Mommy, sa labas na tayo kumain pagkatapos nito. Promise mabilis na lang to!”



Anong ganyan? Anong ibig niyang sabihin?


Inirapan ko na lang ulit siya. Wala naman akong magagawa, eh. Libre naman nila ang pagkain mamaya, tsaka dapat lang ano sinamahan ko na nga siya dito kahit na ayoko.



Ilang minuto ang nakalipas dumating na rin ang Mommy niya. Bilang isang magalang at mabait na bata ay nag mano ako kay Tita. ako sa kanya. Siguro talagang busy siya kanina kaya na late siya ng sobra. Agad na rin silang nag usap nung designer. Kinuhanan na rin naman siya ng size kanina kaya hindi na hassle ngayon.





Umalis na rin kami doon at pumunta sa mall para kumain papalubog na ang araw ngayon kaya maaga pa naman akong makakauwi sa bahay. Nag text na naman ako kanina sa parents ko na baka mala-late ako ng uwi dahil kasama ko si Harriet na nagpasukat ng gown para sa birthday niya.

WildwoodWhere stories live. Discover now