May naririnig ako sa paligid ko. May mga nagsasalita. Bakit ba ang ingay nila? Gusto ko pang matulog. Ang lambot lambot ng hinihigaan ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. Ang ginaw pa. Parang may aircon ata tong kwarto ko.
Napapangiti ako habang naiisip ko yung mga bagay na gusto kong mabili. First talaga sa listahan ko pag yumaman ako ay bibili ako ng aircon.
"Sir, mukhang gising na po sya!"
May narinig akong di familiar na tinig. Di naman yun boses ni Punyo. Tapos, sir? Nasa bahay kaya ako.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko saka ko tinignan ang paligid ko. Bakit parang ang ganda ata ng kwarto ko ngayon?
Nang marealize ko na wala pala ako sa kwarto ki ay napabalikwas ako.
"SAAN AKOOOO??"
Napatingin ako sa mga lalaki na nasa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"Gising ka na pala, Ms. Ivy! Hinihintay ka na po ng ama nyo!"
Sabi ng isang lalaki na medyo malumanay ang boses. May kaliitan sya kaysa sa kasama nitong lalaki na matipuno ang katawan. Parang nakakatakot.
"Sinong ama?"
Oo nga pala! Naalala ko na. Nakidnap pala ako. Siguro nasa bahay na ako ng kidnaper ko.
"Umalis ka na muna Chris! Mag-uusap na muna kami ng babaeng ito!"
Sabi ng lalaking matipuno ang katawan.
"Pero Hugo, kailangan na sya ng Papa mo!"
"I don't care! I need to talk to her, ALONE!"
Nakita ko ang takot sa mata nang nagngangalang Chris! Wala naman itong nagawa kundi ang tumango at saka ako tinignan.
Gusto kong sumama sa kanya. Mas feeling ko safe ako sa kanya kaysa sa lalaking matipuno na ito.
Nang mawala yung Chris ay napatingin ako sa lalaking matangkad at matipuno.
Tinitigan nya lang ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Gusto ko man syang kumbinsihin na di ako si Ivy na hinahanap nila, pero di ako makapagsalita.
Napayoko nalang ako.
"I know that you are not my sister!"
Napamulagat ako sa narinig. Saka ko sya tinignan. Napataas ang kilay nya habang nakatingin sa akin.
"I want you to do something for me and for my father!"
Napanganga ako sa narining ko. Ano bang pinagsasabi ng higanting to? Anong kailangan kong gawin?
"But before we talk about that, I want you to see my father first. Just pretend that you are his long lost daughter. I will tell you after."
Tatalikod na sana sya pero maagap kong nahawakan ang braso nya.
Sa di ko namalayan ay napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng tabig nya sa akin.
Nakita ko ang galit sa mukha nya.
"Don't you ever touch me!" Galit nyang tugon.
Nabuntong hininga ako. Kanina, takot ako sa kanya pero ngayon nangingibabaw ang inis at galit ko dahil sa ginawa nya sa akin.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan pagkatapos mong hingin ang tulong ko? Kung gusto mo, ikaw nalang ang magsabi sa papa mo na hindi mo namna talaga nahanap ang kapatid mo! Tignan natin!"
Tinaasan ko sya ng kilay.
"How dare you to say na I'm asking for help to someone like you? This help that you are talking about is your whole fortune! A miracle para sa isang hampas lupang kagaya mo!"
Aba! Ang walang hiya! Walang preno man lang ang bibig! KAPAAAALLLL!!
"ANONG SABI MOOO??"
Aambahan ko na sana sya ng sampal ng biglang pumasok si Chris!
"Sir! Ang Papa nyo po!"
" What happened?"
![](https://img.wattpad.com/cover/361684809-288-k589517.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceIvy Mendez!!! Sa rami ng nagmamay-ari ng pangalan na yan bakit sa isang Ivy Mendez pa na mahirap, raketera, maraming utang at kumakayod mag-isa para sa pamilya ang naisipang kinapin ang isang hindi nya kilalang tao. Hindi nya alam kung ano ang pakay...