Nakita ko sa mukha nya ang pag-aalala. Saka bilga nalang syang tumakbo palabas ng kwarto.
Tinignan ko si Chris saka nya ako sinabihan.
"Please, Miss Ivy! Kahit sa huling pagkakataon."
Saka dali dali na rin akong lumabas sa kwarto at pinauna kong maglakad si Chris para masundan sya.
Hindi ko alam kong bakit, pero may feeling akong gusto kong tulungan din ang papa ng halimaw na yun. Siguro nag-aagaw buhay na din ang ama nya.
Naalala ko lang si papa noong nag aagaw buhay na din sya. Hindi ko sya nakausap sa huling pagkakataon dahil rumaket ako para pang gastos sa hospital nya.
Kaya siguro yun din yung naging response ko ng makita ko ang mukha ng halimaw na yun. Kasi, alam kong ganun din ang mukha ko ng malaman kong wala na si Papa.
Nalungkot ako sa isipin na yun.
Hindi ko na mabilang kong ilang kwarto na ang nalagpasan namin. Hindi ko alam kong normal na bahay ba to o isang palasyo. Ang raming kwarto at pasikot-sikot!
At hanggang umabot na kami sa dulo. Nakita kong nandun yung mga lalaking kumuha sa akin sa school.
Napatingin sila sa akin. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanila. Natatakot pa rin ako sa kanila.
"Pumasok ka na, Miss Ivy!"
Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Chris.
Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nakita kong nakaupo si halimaw sa gilid ng kama ng papa nya.
Maraming mga machines ang nakapaligid sa kama nito. Halatang ang nagpapabuhay nalang sa Papa nya ay ang mga machines na nakakabit sa katawan nito.
Lumapit ako sa kanya. Saka dahan dahan syang tumingin sa akin.
Hindi ko maintindihan pero sa unang pagakakataon ng pagtatagpo ng mga mata namin ay naintindihan ko agad ang ibig nyang sabihin.
Tumango lang ako. Na para bang alam ko na ang susunod na gagawin ko.
Tumayo sya at lumakad palayo sa kama. At ako ang pumalit sa kanya sa gilid ng kama. Dahan dahan akong naupo .
Nakita kong nahihirapan na syang huminga. Pero, nakadilat pa ang kanyang mga mata. Tinignan nya ako ng para bang di sya makapaniwala sa nasa harap nya.
I guess, nasa late 70's na ang papa ni Halimaw. Pero, makikita mong kagwapuhan nito kahit matanda na ito. Magkamukha sila ni halimaw actually. Nakita kong napangiti sya. Saka nya dahan dahang hinaplos ang pisngi ko.
Nabigla ako. Naalala ko ang papa ko sa kanya. Ito rin kaya ang gagawin ni papa kung naabutan ko syang buhay? Hahaplusin din ba nya yung pisngi ko tulad ng papa ni Halimaw?
Hindi ko mapigilan ang mapapikit. Ang nasa isip ko ay si Papa!
"Papa!"
Di ko mapagilan ang maluha. Hinawakan ko ang kaway nya saka ko pinisil.
"I...vyyyy!! A...na..nakk"
Napamulat ako at nakita ko ang papa ni Halimaw na nakangiti at maluha luha ding nakatingin sa akin.
Natauhan akoa sa narinig ko. Hindi pala sya ang papa ko. Nadala ako sa emotion ko.
Hindi nagtagal at dumating din ang mga doctor. At pinaalis na ako sa kwarto.
Wala pa ring tigil ang luha ko. Hindi ko maintindihan. Napaka emosyonal ko after kong makita ang papa ni Halimaw.
Napakabigat sa damdamin ng makita syang nahihirapan. Naalala ko ang papa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/361684809-288-k589517.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceIvy Mendez!!! Sa rami ng nagmamay-ari ng pangalan na yan bakit sa isang Ivy Mendez pa na mahirap, raketera, maraming utang at kumakayod mag-isa para sa pamilya ang naisipang kinapin ang isang hindi nya kilalang tao. Hindi nya alam kung ano ang pakay...