Chapter 40

20 0 0
                                    

Chapter 40

Sa dinami-dami ng mga bagong damit ni Sam ay wala siyang mapili kung anong susuotin. Parang nawala ng bigla ang kanyang fashion sense. Nate-tempt na siyang tawagan ang isang fashion guru na nakilala niya last year sa launching ni Ross as new face of Friocci, sikat na brand ng jacket.

What would she wear?

Should she go for tight jeans? No. Isang beses na siyang sinita ni Jeron nang magsuot siya nun. Would a skirt be fine? Anong klaseng skirt? Magdress na lang kaya siya?

She fell her back on her bed, still clueless. "Ano na, Sam? Ngayon mo dapat napapakinabangan yang pagiging shopaholic mo," she lectured herself.

First date. First date as official boyfriend-girlfriend. Nagpagulong-gulong siya sa higaan sa sobrang saya.

She ended up wearing the simplest dress in her closet. It's  pale green with a black bow (the only additive) at the collar. She paired it with black pumps. Nilugay niya ang buhok gaya ng sinabi sa kanya nito na itago ang kanyang leeg.

Bihis na siya at lahat pero hindi pa rin tumutunog ang doorbell sa kanyang pintuan. Inilagay niya muna ang bag sa mesa saka ibinagsak ang puwetan sa couch. Gosh. 'Pag trabago ang aga-aga niya pero ngayon kinukupag na naman siya. Ano pa kayang ginagawa nun?

Forty minutes siyang naghintay sa kanyang unit. Nang buksan niya ang pinto, nakasimangot agad ang mukha niya.

"Ba't ang tagal mo?"

Tiningnan ni Jeron ang relo sa kamay nito. "Seven pa lang sa 'kin. Seven sinabi ko diba?"

Hinipan niya ang bangs.

Jeron smirked. "Kanina ka pa bihis?" Sam blushed instantly. "If I knew you were that excited, I should have made it six then."

"Tse," sabi niya saka nagmartsa papuntang elevator.

Sa XYZ siya dinala ni Jeron na ayos lang naman sa kanya. Sa sarap kasi ng pagkain doon ay hindi siya magsasawa roon kahit ilang beses pa.

"Boss," tawag kay Jeron ng guwapong chef. Ito ang kumuha ng order nila imbes na ang waiter. Nagtataka siya kung paano naging ganun ka-close ang dalawang binata. Napagkamalan pa niyang bakla si Jeron dati dahil dito. "Tulad ng dati?" sabi nito.

Tinapunan siya nito ng tingin saka nginitian siya. Hindi niya naibalik ang mga ngiti rito dahil agad na ibinalik nito ang atensyon kay Jeron, "Merong kaming bagong dish, boss. Gusto niyong subukan?"

Tumango si Jeron. "Sige."

Pagkaalis ng chef ay inusisa niya ang binata. "Friendship kayo?"

"I eat here almost every weekdays," sagot sa kanya nito.

"Ah." Tumango siya. "Simula nung kailan?"

"Mag-iisang taon na rin."

Saglit siyang napaisip. "Bakit hindi kita nakita noong nagpupunta ako rito?"

Ilang beses din kasi silang nag-dinner ni Ross sa XYZ noong mga panahong hindi sila nagkikita ni Jeron dahil sa pag-aaral niya. Subalit ni isang beses ay hindi niya ito nakita roon. Sigurado siya. Dahil sa mga sandaling iyon, sa sobra niyang pangungulila rito ay hiniling niya sa sarili na sana ay naroon ang binata.

"Ako hindi mo napapansin," sabi ni Jeron, "pero ikaw nakikita ko."

Kinunot niya ang mga noo sabay sumimangot dito. "Ang daya mo. Ikaw nakikita mo ko, ako hindi. Gosh. Siguro nung mga panahong iyon lagi mo akong pinapanood sa malayo, no?"

Jeron shrugged at her. "Hindi ko naman sinasadya."

Mas lalo siyang nainis. Siya nga nag-disguise pa as officewoman makatiyempo lang dito, ito walang ginagawa pero nakita siya ng ilang beses. Sabagay natiyempuhan naman niya ito ng isang beses pero may kasama nga lang itong babae kaya hindi niya tinuturing na swerte.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now