[ BLEZY ]
"Ate B! Samahan mo ako dito sa swing! Ang saya oh WHIIEEEE" sigaw sakin ng kaibigan kong si Hailey.
Ate tawag niya sakin kasi mas matanda ako sakanya ng isang BUWAN. Medyo childish siya parang ako kaya kami nagkasundo.
"WHIEEEEE" sabay namin sabi habang nagswiswing.
Nang mapagod kami kakaswing sakto may dumaan na nagtitinda ng dirty ice cream kaya bumili muna kami tapos siaka umupo sa isang bench.
"Ang cute naman ate niyang suot mo" puri ni Hailey sa suot ko
"Tae wag mo akong tawaging ate nai-ilang ako kadiri" sabi ko sakanya at sabay kaming nagtawanan
"Eh di B ang ganda niyang t shirt mo" ani niya habang kumakain ng ice cream
"Siyempre maganda nagsusuot eh" proud kong sabi sakanya at nabulunan naman siya. Sira talaga toh
"Kwento mo nga sakin yung tungkol sa lalaking nakita ko sa pic na nakatago sa drawer mo sa kwarto mo" sabi niya saka tumayo at bumili ulit ng ice cream. Lumaki naman agad mata ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya yun? Kahit kelan talaga kaasar.
Pagkabalik niya agad ko siyang pinagpapapalo.
"Walanghiya ka!! Bat mo pinakelaman drawer ko" inis kong sambit
"Aray! Teka lang hinay ka lang! Yung ice cream ko!" natataranta niyang sabi
"Bwiset ka!"
"Kwento mo na kasiii" pilit niya sakin tapos nag puppy eyes pa. Napabuntong hininga nalang ako kasi hindi ko talaga matatanggihan ang puppy eyes niya.
At yun nga nagkwento ako
___
3 YEARS AGO
Inilapag ko muna yung backpack ko sa ilalim ng puno sa school garden kung saan madaming tumatambay na estudyante at saka kinuha ang isa ko pang bag, red shoulder bag. Nakasabit siya sa braso ko so para akong donya as always.
Inayos ko buhok at saka naglakad papunta sa grupo ng mga babae ng parang model tapos saka ako nagsalita
"May binebenta akong cord protector dito sampung piso. may dress din na 250 pesos lang" sabi ko sakanila. Agad naman silang nagkumpulan sakin at BOOM! Andami kong benta. Mahilig akong magbenta ng kung ano ano para dagdag ipon.
Nang matapos na akong magbenta, pauwi na sana ako kaso may dalawang babae na humarang sa daanan ko.