Prologue

32 1 0
                                    

Prologue.

Art is everything. Art is the product of human creativity — product of artists.

I’m thankful for this God given talent. Ngunit marami naman ang naiinggit kasi marunong daw ako magdrawing.

Freakin audacity. Drawing is one of the superior skills that everyone can learn by study‚ practice and observation. In short‚ magiging talent mo iyon kung pursigido mo talaga ’yon pag-aralan.

Nagsimula rin kaya ako sa una na hindi marunong gumuhit ng kahit ano.

beginner nga diba.

“Ang galing mo mag drawing.”

Isa sa mga compliments na natanggap ko ngayon sa kaibigan ko. Ngumiti ako sa kan’ya.

“I’ll take that as a compliment‚ thanks.”

“Ang galing mo nga talaga gumuhit ’ei‚ sa sobrang galing‚ parang kinakailangan na na ’tin magpahinga.” dagdag niya pa.

I laughed sarcastically.

Rest? Wala ata iyon sa vocabulary ko ngayon. Walang pahinga pagdating sa academics — pagdating sa home works‚ projects‚ quizzes‚ at marami pa. I am known for being the competitive girl from the family Morales‚ because of my parents. I am their pride.

Wala kasi akong kapatid ’ei‚ ako lang. Mahirap maging only child, that’s for sure. Ako lamang ang pag asa ng pamilya ko, wala nang iba.

“Anong ginagawa mo r’yan, tulungan mo nga ako rito.”

Nandito kami ngayon sa kwarto ko‚ gumagawa ng proyekto sa Araling Panlipunan. Nakahiga ako sa sahig habang gumuguhit ng isang lugar sa one fourth illustration board.

“Mamaya na lang kasi yan, pahinga muna tayo.” pangungumbinsi niya

“Anong pahinga?” I scoffed. “Elara, sinasabi ko sayo, bukas ang deadline!”

Halos mamula na ang mukha ko kakasigaw sa pag-iinarte niya at mabuti na lang dahil agad naman siyang napabangon nang wala sa oras at umupo sa tabi ko. finally!

Hindi na siya sumagot ngunit napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo.

Ginuhit ko ang Roman Colosseum dahil ito ang napili ng aming teacher bilang proyekto. Mabuti na lang dahil partner ko si Elara‚ kasi wala naman akong ka-close doon sa classroom.

“Start ka rito na magcolor, tingnan mo ang reference sa tablet ko.” tinuro ko ang bandang kanan ng aking ginuhit. “Dito muna ako sa kaliwa‚ guguhit ako ng mga tao at halaman.”

Ako na lamang ang nagdrawing dahil marunong ako‚ at para may silbi naman siya sa project namin ay siya na ang pinakulay ko. Great Teamwork!

“Sige.”

Papaano naman‚ sinusunod ako ni Elara na parang amo niya. Maybe she’s guilty tungkol sa sinabi niya kanina. Tsaka‚ may namumuo nang pawis sa mukha ko kahit naka aircon kami.

Higit isang oras kaming nakaupo sa sahig dahil lamang sa project. Sumasakit na ang mga balikat ko kaya I decided na magpahinga muna kami.

“It’s almost done, what time is it?” tanong ni Elara habang may kinuha sa purse niya.

“Well it’s time for lunch.” simpleng saad ko na agad niyang ikinatawa nang malakas. Kumunot ang noo ko.

“What’s so funny?” Tanong ko sa kan’ya habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang face towel.

Itong best friend ko, hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga siya o kaaway. It was weird kasi habang may sinasalita ako, tinatawanan niya lang ako bigla-bigla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon