Simula
Kasabay ng hangin ang pag sayaw ng buhok ko. Ramdam ko ang lamig nito na tumatama sa balat ko at ang sinag ng papalubog na araw na aking sinisilayan.
It's been a years, mag kakaroon na ako ng trabaho at ako na ang bumubuhay mag-isa sa sarili ko. Naninibago ako, ganito pala 'yun? Ganito pala 'yung feeling na ikaw na lang talaga mag isa at wala ka nang maasahan kung hindi ang sarili mo.
Though meron naman akong mga kaibigan na masasandalan ko pero i know na pagsapit ng panahon ay mag kakapamilya rin sila kaya maiiwan din naman ako.
Bumuntong hininga ako habang pinapanood ko ang dumadaang mga tao sa aking harapan.
"Kaya ba 'to?" tanong ko sa kawalan, natulala na dahil sa maraming isipin.
Kaya kung kakayanin 'no. At tyaka kahit na mahirap, dapat kayanin pa rin 'e kasi wala naman akong mapapala kapag wala akong gagawin.
"Eyo! Nandyan ka lang pala." tumakbo papalapit sa akin si Mira sabay upo sa tabi ko. Naka upo kami ngayon sa damuhan kahit na marami ang dumadaan, marami rin kasi ang naka upo at nanonood sa sunset. "Kanina pa kita hinahanap 'e kung saan saan ka napapadpad."
Umirap ako at hindi siya pinansin.
Alam naman niyang dito ako palaging na tambay 'e, na isipan niya lang akong puntahan dahil tapos na ang kitaan nila ng lalaki niya.
"Kumain ka na ba? Nag luluto na si bakla sa bahay." aniya sabay tingin sa akin.
Hindi ako tumango o ano 'man, nanatili lamang ang aking paningin sa unahan. Sa dami kong iniisip, hindi ko na naisip na kumain pa.
"Hoy! tulala ka na naman!" niyugyog ako ni Mira sa balikat at doon niya lamang nakuha ang buo kong atensyon.
"Ano ba?! 'Wag mo kong inaano ah." sabay iwas ko sa kamay niyang nasa balikat ko.
"Parang tanga na naman. Anyare? Kulang ka na naman sa suka 'no. Bilhan kita?" sinubukan niyang patawanin ako ngunit irap lang ang natanggap niya.
"Mauna ka na roon, susunod na lang ako." tanging na sambit ko na lamang at hindi na muli siya tinignan.
"Ano nga? Sabay na tayo umuwi, mag gagabi na rin naman."
Tango na lang ang ginawa ko at hinayaan niya na ako. Nanatili siyang nasa tabi ko habang sabay kaming nanonood ng papalubog na araw. Hindi ko nga alam kung yung sunset ba pinapanood niya 'e o 'yung mga lalaking dumadaan sa harap namin. Hindi ko na lamang pinansin 'yun at nag muni-muni saglit.
Halos alas 6 na ng gabi nang mapagpasiyahan naming umuwi na dahil kanina pa tawag nang tawag si Bakla sa amin at sabi'y umuwi na raw kami.
Dumaan muna kami sa convenient store para bumili ng inunim na titimplahin namin, ang arte kasi ne'tong baklang 'to kailangan may pa juice pa kapag kakain.
"Hello mga sissy ko! Let's eat now!" bunganga agad ni Shua ang narinig namin ni Mira pag bukas namin ng pintuan. Hindi pa nga nakakapasok, gusto ko na agad lumabas 'e.
"Anong ulam?" tanong ko at dumiretso agad sa kusina pag katapos kong ilapag ang backpack ko sa sofa. Sumunod si Mira sa akin habang ngumunguya siya ng bubble gum, kanina pa 'yan 'e wala na sigurong lasa 'yang nginunguya niya.
"Adobiability! With your suka at sibuyas." aniya at pumalakpak. May apron pa s'yang naka suot sa kaniya at gusto kong matawa dahil bulaklakin ito. Mapana pa yata sa kaniya ng lola niya ang apron na 'yan.
"Suka na naman! Palagi na lang." narinig kong bulong ni Mira, nansaliksik ang mga mata ko at agad siyang ngumiti ng pabiro."Hehe joke only!" sabay peace sign.
![](https://img.wattpad.com/cover/342434104-288-k296397.jpg)
YOU ARE READING
Chasing Sunset
RomanceChasing Sunset (CLS #1) Eyo wants to end her day with a beautiful memories. Even it's a bad day to her, she wants to watch sunset to feel better. She always remind her self that if it's over or done, there are still good memories left behind. Date...