Continuation

17 0 0
                                    

Author: Make yourself trustworthy by trusting yourself.

4:30 AM

Pinatay ko ang alarm clock ko na umingay kaya nagising ako. Gaya ng routine ay nag stretching ako saka ginawa pa ang iba bago maligo. Martes ngayon at tinignan ko ang pera kong natitira.

300 pesos.

At saan aabot ang 300 pesos ko sa mga susunod pang araw? Malaki to kung tutuusin pero magastos ang senior high. Sa taas ba naman ng Inflation rate ng pinas eh haha.

Gusto ko pa sana na mag almusal ng tinapay pero wag na muna. Pang pamasahe lang ang dadalhin ko.

Pagdating ko sa school ay maaga lagi ang Presidente namin.

"Hi, Jastine!" maligalig na bati ko na nakangiti pa! Ang ganda nya kasi! Hahahaha!

"Hi" bati nya din sa akin.

"Hi Pres!" bati ng bagong dating naming kaklase. "Hi Ms Alvarez!" bati nya rin sa akin at ngumiti ako at nag "Hi" din.

Nagkwentuhan lang ulit kami ni Jastine at sinaluhan naman kami ni Adrianne nang dumating ito. Nakabuo kami ng circle sa madaling panahon, noh? Ilang days pa lang ang pasok! Hahaha

Wala pa rin si Rovic?

Tinignan ko ang oras. Magka-klase na.

Yon!

"Hi, there, Celeste!"

"Hi ka dyan! Alanganin ka lagi pumasok!" tinawanan nya lang ako at saka lumingon sa mga katabi ko

"Oh, hi there, beautiful ladies!" tawa nyang bati sakanila

Meron dito?'

"Hi!" bati din ni Adrianne

Maya maya naman ay dumating na si sir Carl.

At naglesson naman sya agad. Kung magturo si Sir ay napakagaling. Nakakaantok pero nagegets ko kaso makakalimutan ko rin to mamaya. Hays.

Sumunod naman ang Philosophy.

"Good morning, Class. We will have an activity today. It's called 'what if's'. Get a paper and write down your greatest what if. And you will all pass it to me. Lastly, don't write your name."

Na-excite naman kaming lahat saka kami napaisip ng what if.

Naisip ko naman na ang what if ko and saka tinupi tupi.

"Ano sinulat mo?" siniko ako ni Rovic. Tinarayan ko sya!

"Secret" haha ano sya? No exemption, hoy!

"Ang damot mo! Alam ko namang puro lang sya ang ilalagay mo dyan."

Mali ka.

Tinignan ko sila Jastine at mukhang tapos na siya, at ganon din si Adrianne. Si Rovic ay patapos pa lang.

"Okay, pass it now."

"Ano sayo?"

"Patingin ako!"

"Ayoko nga!"

"Damot mo, pre!"

"Kulit mo, pre."

"Magbubunutan siguro?"

"Sana hindi haha! Nakakahiya yung what if ko"

"Anonymous naman teh. OA neto."

Bulungan ng mga kaklase ko at natawa naman ako sa huli.

Nagpasa na rin kaming apat nang tahimik.

Nang sinabi ni Miss na magbubunutan ay mas lalong na-excite ang lahat.

On BehalfWhere stories live. Discover now