Continuation IV: Confusions

1 0 0
                                    

Author: World need kindness. However, protect your dignity.

"Shit." rinig kong sabi ni Rovic. May tumatawag sakaniya. Pagsagot niya ay balisa siya at hindi alam ang gagawin.

"Umuwi kana."

"No. Hindi pwede."

"Hindi rin pwede kung kailangan ka sainyo at hindi ka pupunta, hindi ba?" naiinis pa rin ako.

"Hindi rin pwedeng iwan kita dito. Kulit mo te."

"Sana hindi mo ako isinama?" natigilan siya

"Pasensya na talaga, Celeste."

"Kingina." nainis ako at yon na lang ang sinabi. Ayokong masabihan ko siya ng kung ano.

"I can take her home." ani ng isang lalaki

"Are you sure?"

"Yeah."

"Sober kana?" lasing na nga. Conyo na eh.

"Yeah." sagot ng lalaki

"Sige pre. Salamat!" masigla nitong sabi at humarap ulit sakin "let's usap tomorrow, para sober na tayo."

Hinatid na siya ng lalaki sa labas at doon ako kumuha ng tsansa na ihiga ang sarili sa couch.

Nagising ako nang maramdaman kong may malapit sa akin.

"Sino ka?!" bulalas ko at nakita ko ang mukha ni Aldrin na inaayos pala ang seatbelt ko. "Ah."

"You're awake already?"

"I'm not."

"Hey." wala syang nagawa kundi lumayo nang matapos maayos ang seatbelt ko. "You're drunk."

"Hindi." pero traydor ang katawan ko dahil napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito.

"Are you alright?" hinawakan nya ang noo ko

"Tigilan mo ako." Inalis ko ang kamay niya, unti unti akong naluluha

"Celeste...."

"I don't like seeing you." mariing sabi ko at nasaktan naman siya, halata sa mata. "Why do we have to meet often?" bulong ko sa sarili. Humarap ulit ako sakaniya

"You know what I felt when Daddy died?" hindi siya sumagot "Nang dahil sa pagkamatay niya, inuunti unti na rin akong patayin ng ala-ala niya."

"Hanggang ngayon, minumulto ako." naluha na ako. "I felt so homeless after his death." hindi na naman siya sumagot. Pero nandoon ang simpatya sa kanyang mata. "take me home." saka ako tumingin sa bintana.

Kinabukasan ay napakasakit ng ulo ko pero kailangan kong pumasok. Hindi ko alam kung papaano ako nakapunta sa kwarto pero sigurado akong si Aldrin ang naghatid sa akin.

Pagkatapos kong maligo ay nandoon sa sala si Kuya. "Lasing ka kagabi."

"Sorry, kuya." napayuko ako

"Hindi kita pinagbabawalan pero tandaan mo ang limitasyon mo habang hindi ka pa graduate at lalong hindi ka pa legal age." nangangaral na ani nya. "Maligo kana. At eto pinadala ng tito." nilapag nya ang 1k

"Thank you." kinuha ko yon at naligo. Minessage mo naman si Tito after kong maligo. Nagpasalamat lang ako. Ganon naman ako parati kapag binibigyan nya ako.

Pagkapasok sa classroom ay mas maaga pa sa akin si Rovic, nandoon na rin sila Jastine, Gino, Adrianne, at Jaypee.

Umupo ako sa kung saan ako usually maupo — sa tabi ni Jastine. Tumabi ako nang walang isang binabati sa kanila. Nakita ko naman silang nakatingin sa akin.  Kaya binati ko silang lahat at maliban kay Rovic. Nagtaka sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

On BehalfWhere stories live. Discover now