Buong buhay ko wala akong karapatan mag salita ng sariling nararamdaman pero nung dumating siya. Nag bago ang lahat
" Patricia! "
" Gumising kana! Late ka nanaman sa school mo! " Nagising ako sa napakalakas na sigaw
Mas nauna pa mang gising ang bunganga ni mama kaysa, sa alarm clock ko.
" Opo babangon na " malumnay ang pagkakasabi ko
Inayos ko naman ang higaan at dumiretso sa banyo tinitigan ko ang aking sarili bago nag hilamos.
Pagkatapos ay lumabas na ako sa aming kwarto para mag almusal.
" Bakit kasi kailangan pang pumasok. " bulong ko habang nag titimpla ng kape.
" Patricia yung baon mo isang libo isang linggo mo nang baon yan ha! Tipirin mo naman, wag puro gastos o di kaya'y gala. " Sermon ni mama.
" Ma mamaya po pala pwedeng gumala? "
Napatingin naman ito sakin ng akmang kukuritin ako nito ay lumayo agad ako." Ano ka ba! Kasasabi ko lang kanina, naku ikaw na bata ka talaga! " Nakakunot pa ang noo nito kaya ay natawa ako ng konti.
" ma sige na... Kasama ko naman si pia tsaka sa fora lang kami dun sa 7/11 " pamimilit ko pa
Wala siyang nagawa kaya naman ay tumango na lamang siya bago nag plantsa ng uniform
Ako naman ay naligo agad dahil 5:30 na pagkatapos maligo ay nag bihis at nag handa na para umalis.
Bigla namang lumapit si mama na nakaligo na din pala
" Patricia kung pupunta ka sa fora, bilhan mo nga ako ng cotton pads isa lang tapos order ka sa Jollibee, hindi ako makakauwi agad eto pandagdag " inabutan naman niya ako ng 500
Tinanggap ko naman 'yon bago nag paalam.
" Bye ma! Ingat ka po! "
" I lock mo ang bahay tanggalin ang mga saksak, patayin ang ilaw "
Paalam nya bago umalis palaging 5:40 ang alis ni mama dahil sa trabaho kaya naiiwan ako ng ilang oras sa bahay.
Kinuha ko naman ang cellphone bago nag chat kay pia na mauuna na ako.
1 hour and a half ang byahe papuntang school may kalayuan ang bahay namin kaya maaga talaga ang alis ko.
Nag aabang naman ako ng jeep ng may dumaan ay agad na akong sumakay , napatingin naman ako sa orasan ko.
Maya maya pa ay bumaba na kami medyo marami din ang estudyante na gaya lang ng pinapasukan ko.
Habang papasok sa gate ay chineck naman ng guard ang I'd pati ang bag. Ganito kahigpit sa West Ridge College kapag hindi proper uniform ang suot mo ay talagang makakakuha ka ng papel at ipapapirma mo sa adviser nyo.
At ng matapos ay nag lakad lakad lang ako sa hallway bago pumasok sa room. Kaunti pa lang kami na nandoon kaya nag pa sound trip na lang muna ako.
