7:00 ang start ng first subject sa Fundamentals of accountancy and business management and yes, I'm an ABM student. Bakit ko pinili? Well ewan ko rin hanggang ngayon ay palaisipan pa 'rin sakin ang ABM eh hindi naman ako nag e-excel sa math.
Hindi ko kaklase si Pia stem student siya pero same school lang kami.
Dumating din ang first subject namin kaya naman nag set ng prayer leader bago nag simula ang discussion.
In the middle of discussion ay bigla akong kinalabit ng blockmate ko
" Pst " she said
" Bakit? " Tanong ko
" Ta canteen mamaya " aya niya. Tumango naman ako bago bumalik sa pakikinig.
It was a long discussion and maaga kami nadismiss ng prof
Kinuha ko ang cellphone ko bago tinext si pia
" Canteen me maaga kami nadismiss, bye! " Pagka-send ay sinamahan ko si eunice sa canteen
Habang nag lalakad papuntang canteen ay nakasalubong ko ang ilan sa mga kakilala ko na taga ibang strand.
" Eunice anong o-orderin mo?" I glance and ask her while kumuha ng paper at ni-list ang order.
Ganon ang rules dito sa WRC ililista mo nalang sa papel ang bibilhin mo then, sila na ang bahala roon, kailangan mo lang pumila bago kunin ang order.
" Dewberry and Chuckie nalang bhe " she said bago humanap ng vacant table
Minsan naman ay for tambay purposes lang ang ginagawa namin dito. Minsan, kumakain, so kung ano ma-tripan namin ay yun ang gagawin namin.
Kinuha ko ang empty basket bago ilagay ang papel pati na 'rin ang pera.
Habang nag hihintay sa claiming station ay napansin ko ang papasok na stem student.
Neo Nathaniel Rivero a stem student with his blockmates sitting in vacant table na katabi lang ng amin.
" Ahh ma'am eto na po yung order " nabalik lang ako sa wisyo ng iabot sakin ang basket pati ang sukli ko.
Nahihiyang tinanggap ko naman iyon at umalis sa pila.
Nakakahiya Patricia gumawa ka pa ng eksena jusko.
" Huy girl tagal mo asan na? " Inabot ko ang order nya at kinuha nadin ang akin binalik ko naman ang empty basket sa counter bago bumalik
Nakaharap ako kay neo habang nasa tabi ko si eunice na walang kaalam-alam
Habang pinag mamasdan ko si neo ay bigla naman itong napatingin sa 'akin. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin. Shit! Nahuli niya ba ako? Tell me not. Sinubukan ko siyang pasadahan ng tingin pero nakatingin pa 'rin siya sa'kin.
" Ahhh Eunice naintindihan mo ba yung discussion kanina? " Tanong ko kay eunice para makaiwas kay neo bakit kasi kaharap ko sya.
" Ahhh yun? Hindi HAHAHHAHA inantok ako e. May notes ka ba? " She ask me back kaya naman bumaling nalang ako ng tingin sakanya.
" Yes actually medyo magulo but isesend ko naman yung notes if you ever need " i said bago uminom ng juice.
Bumaling ako sa harapan at nakitang natahimik ang table nila neo ngunit, saglit lang 'yon dahil dumating ang iba niyang kaibigan. A TVL student Aris John Pereña. My classmates Janrey De vega and Niro Adrian Rosca.
