"Yung bulaklak, Carrie!"
"Nasa akin na, Yassi."
"Yung wedding vows mo kabisado mo na ba?"
"Jusko Yassi ako yung ikakasal pero ikaw yung kabado diyan."
"Eto naman masaba bang ma excited sa araw ng kasal mo?"
"Sina Uno, Dos at Tres?"
"Nasa simbahan na kasama ng Mommy ni Logan at ng yaya."
"Mommy....."
"Oh, Shiloah nandito ka pa? Di ba dapat nasa simbahan ka na?"
"I'm just checking on you Mom. Isa pa di ba ako ang maghahatid sa inyo sa altar?"
"Oo, nga pala."
"So let's go Daddy is waiting on us on the church."
"Okay, Shiloah."
Agad na akong tumayo at naglakad na palabas ng bahay kasama si Shiloah. Habang naglalakad ako panay kuha ng litrato ang photographer may mga media rin na kumuha ng video ko habang papalakad patungo sa bridal car.
Hindi ako makapaniwala na mauuwi ang relasyon namin ni Logan sa kasal.
After a year matapos kong manganak sa triplets na sina Uno, Dos at Tres saka kami nagpakasal ni Logan. Our wedding is not elegant simple church wedding yun kasi ang gusto ko eh. Logan and I decided na ilabas sa publiko ang kasal namin kaya naman may ilang media na magcocover from our house going to church.
Logan decide to quit in politics he will be focus on our growing family. Mabuti na rin yun para tahimik na kaming mamuhay malayo sa magulo at maiingay na mundo ng politics.
Nakasakay na kami ni Shiloah at ni Yassi sa bridal car. Hindi ko mapigilan ang maiyak ngayon. Kung nandito lang si Mama siguro mas masaya pero nandito naman si Yassi at Shiloah na maghahatid sa akin sa altar.
Mabilis kaming nakarating sa simbahan. Bumaba na ako ng bridal car. Inalalayan ako ni Shiloah pababa si Yassi naman ang humahawak sa dulo ng gown ko.
"The bride is here!" sigaw ng wedding coordinator.
The wedding has start nauna ng naglakad papasok sa simbahan ang abay, flower girl, ring bearer at bridesmaids. Huli kaming naglakad papasok ni Shiloah.
Malayo pa lang tanaw ko na si Logan kasama nito ang Mommy Carmen niya. Ang gwapo talaga ni Logan kahit malayuan.
Di ko akalain na pekeng kasalan namin noon nung foundation day ay magiging totoo at sariwa pa sa memories ko.
"Logan, let's go!"
"Why are you wearing a wedding gown, Carrie?"
"Secret you will know later."
Kinuha ko ang posas sa bulsa ko at pinosasan ang kanang kamay ni Logan pati na rin ang kaliwang kamay ko.
"Anong kalokohan ito, Carrie?"
Tumakbo kami ni Logan patungo sa sa park kung saan naroon ang mga booth. Dahil sa posas hindi na nagawang makatakas ni Logan.
Agad naming pinuntahan ni Logan ang marriage booth. Nagulat naman si Logan.
"The bride and groom is here," sigaw ng nagmamanage ng booth at magsisilbing pari na magkakasal sa amin ni Logan.
Kinuha ko na ang wedding rings namin ni Logan free ito sa wedding booth.
"Hey, Carrie what's the meaning of this huh?"
"From now on akin ka na Logan Agoncillio. Just do this to me okay?"
Napabuntong hininga na lamang si Logan. Wala na siyang magagawa pa.
Natatawa na lamang ako habang naalala ang mga yun. Who would thought that a fake wedding during colleges day will became real in the future.
Habang papalapit sa altar hindi ko mapigilan ang maiyak sa tuwa.
"Mommy, are you crying?" tanong ni Shiloah.
"Tears of joy." sagot ko sa kanya.
Hanggang sa nakarating na ako sa harapan ng altar.
"Daddy SL, ikaw na bahala kay Mommy?"
"No, problem Shiloah."
"Hija, you're so beautiful in that gown."
"Thank you sa compliment, Mommy Carmen."
Hinawakan na ni Logan ang mga kamay ko at nagtungo na sa harapan ng altar. Sa hudyat ni father nagsimula na ang seremonya ng kasal namin.
Nagbigay ng kaunting sermon si father sa amin at sa mga bisita.
Ilang sandali pa nagsimula na ang seremonya ng kasal hanggang sa nagbigay na kami ng mensahe ni Logan para sa isa't isa.
"I, Carrie take Tyron Logan Agoncillio as my loving husband from richer and poorer in sickness and health lahat ng mga problemang darating haharapin namin ng magkasama pagsisilbihan ka ng habang buhay at kahit pa tumanda ka ikaw lang ang mamahalin ko" naiiyak kong saad sabay suot ng singsing sa daliri niya.
Si Logan naman ang sunod na nagbigay ng wedding vows.
"I, Logan Agoncillio mangangakong mamahalin si Carrie Agoncillio habang buhay sa hirap o ginhawa in sickness and health sa saya at lungkot at kung may mga problemang dumating sabay natin itong hahanapin ng magkasama at kahit pa tumanda ka ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba pangako itaga mo pa sa malalaki bato" saad ni Logan sabay suot ng singsing sa mga daliri ko.
"You may now kiss your beautiful bride" saad ng pari.
Tinanggal ni Logan yung Belo sa ulo ko nilapit ang mukha niya sa mukha ko sabay halik sa labi ko ng sobrang tamis.
"We're married" saad ko
"Yes, finally akin ka na my bebe loves" saad ni Logan habang naluluha.
Nagpalakpakan ang mga bisita sa loob ng simbahan at humirit pa ng isang halik siyempre pinagbigyan namin sila ni Logan.
"Ano na Carrie susundan na ba natin sina Shiloah at ang triplets?" Naka ngiting tanong niya.
"Puro ka kalokohan Logan. Hirap na nga ako sa triplets dadagdagan mo pa" Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
"Aray naman!"
Nagtawanan lang kaming dalawa ni Logan. Sabi nila forever does not exist but ibahin mo ako i believe na may forever talaga at yun ay sa piling ni Former Senator Logan Agoncillio ang pinaka gwapo kong asawa.
Sabi nga nila love is like a rosary that full of mystery.
Hanggang kasama ko si Logan sa biyaheng ito makakaya kong lagpasan ang mga problemang darating pa lamang alam ko nag-uumpisa pa lang kami ni Logan sa paglalakbay pasasaan ba eh mararating din namin ang finish line ng magkasama.
Agad akong binuhat ni Logan palabas ng simbahan isa isang hinagis ng mga bisita ang talulod ng mga bulaklak ng Rosas at Sabay-sabay na sumigaw ng mabuhay ang bagong kasal ng napakalakas.
"Congratulations Mommy and Daddy," masayang bati ni Shiloah.
"Thank you, Shiloah."
"Masaya ako para sa inyo," masayang bati ni Mommy Carmen sa amin.
"Thank you Mommy." ani Logan.
Muli akong binuhat ni Logan patungo sa kotse na maghahatid sa amin sa reception.
"Wag na kaya tayo tumuloy sa reception? Let's go to our honeymoon. Gusto ko ng kainin ka eh."
"Puro ka talaga kalokohan, Logan."
"I love you Carrie my beautiful wife."
"I love you more Former Senator Logan Agoncillio my handsome husband."
And it sealed with a sweet kiss between Logan and I.
BINABASA MO ANG
Senator's Hidden Son
RomansaCarrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the country's well-known senators.
