Carrie's POV
Nakakainis talagang nakuha pang gamitin ni Logan si Shiloah ah! As if naman na bibigay ako sa kanya. Malabong mangyari na yun. Matagal ng burado sa puso ko si Logan.
Hindi ko hahayaan na mahulog pa ulit ako sa kagaya niya. Mas mabuting ngayon pa lang umiwas na ako pero paano ko naman gagawin yun eh Daddy siya ni Shiloah at nakatira pa kami ngayon sa iisang bubong. Basta hindi ko na lang siya papansinin pa.
Sabado ngayon wala dapat akong pasok sa TBN Network pero I need to go there for an emergency meeting para daw yun sa anniversary special ng show. I book a car patungo sa network. Inalok ako ni Logan na ipahatid sa driver niya pero tumanggi ako sa alok niya.
Hindi ko tatanggapin lahat ng iaalok o ibibigay niya baka isipin niya na bibigay ako sa kanya.
Masaya si Shiloah na kasama na niya ang Daddy SL niya. Close na agad sila kahit sandali lang sila nagkasama. Ramdam kong magiging mabuting Daddy si Logan kay Shiloah. Hanggang daddy lang papel ni Logan.
Dahil weekend wala masyadong kotse sa kalsada mabilis akong nakarating sa network. Pagdating ko roon nandoon na ang mga staff ng show even the host and the direktor.
"Am I late?" tanong ko.
"Hindi naman Carrie." sagot ni Cheryl.
"In five minutes the meeting will start," ani ng producer ng show na si Art.
"Cheryl, did you saw the viral post online?" rinig kong tanong ni Lyn ang writer ng show.
"Anong post?"
"Eto na nga ang chika. May namataan na babae at isang bata na teenager ang bumaba sa bahay ng kilalang pulitiko."
Nabigla ako sa mga sinabi ni Lyn. Babae at teenager? Hindi kaya kami ang tinutukoy ? Lumapit ako sa kanila para malaman ang tungkol sa post.
"Sinong politiko daw?" tanong ko.
"Yun na nga hindi nabanggit kung sino pero may pictures."
"Pictures?"
"Meron pictures pero blurred hindi makita kung sino."
Pinakita ni Lyn ang mga pictures sa viral post. Malabo nga ang kuha ng larawan. Halos hindi makita ang tao.
"Ikaw Lyn baka fake news yan?"
"Miss Cheryl, hindi ito fake news. Legit yung source galing sa staff ng isa sa mga nakatira sa village."
"Naniwala naman kayo? Sa panahon ngayon laganap na ang fake news. Hindi dapat tayo naniniwala diyan." saad ko kay Lyn.
"Carrie, has point not all posted online are true. Marami ng fake news remember last month nag viral yung post na buntis ako at isang businessman ang ama. Hindi naman totoo di ba? I even show my body on the show to prove that I am not pregnant."
"Sa bagay may punto talaga kayo Miss Cheryl. Fake news is everywhere."
Eto na nga ba sinasabi ko eh! Ngayon nadadawit na kami sa issue ng anak kong si Shiloah. Tahimik ang buhay naming dalawa tapos biglang gugulo dahil lang sa post na yan.
Kasalanan ito ni Logan. Guguluhin niya ang tahimik naming buhay. Kung alam ko lang na magkakaganito sana di na lang kami bumalik dito sa Pinas.
Our private lives will be shattered because of a scandal. Sigurado ako alam na ito ni Logan at dapat may gawin na siyang aksyon bago pa ito lumala.
"Sa tigin mo Carrie sino yung babae at bata sa viral post?"
"Ewan ko Lyn. Blurred nga di ba?"
Hangga't maari hindi muna ako aamin na ako yung babae sa viral post ayokong malagay sa alanganin ang buhay namin ni Shiloah.
BINABASA MO ANG
Senator's Hidden Son
RomansaCarrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the country's well-known senators.
