Ilang oras na rin ang nakakalipas at sa palagay ko ay maghahating-gabi na rin. Hindi pa rin tumitila ang ulan, hanggang sa oras na ito ay patuloy pa rin itong bumubuhos. Narito pa rin kami ni Grae, sa palagay ko ay aabutin kami ng umaga rito.
Ang puso ko ngayon ay sobrang mabilis ang pagtibok marahil ay dala ito ng pangamba na nararamdam ko. Iniisip ko kung paano ako makakauwi, hindi ako p’wedeng hindi makauwi dahil papagalitan na naman ako ni Auntie nito panigurado. Ngunit hindi ko rin naman maatim na iwanan na lamang basta rito si Grae lalo na at may dinaramdam ito.
Napatingin ako sa kaniyang natutulog na katawan. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Pag-isipan ko raw ang inaalok niya. Ang akala siguro nang lalaking ‘to gano’n ako kadali bumigay sa patibong niya.
Kahit ano pa ang dahilan ay hinding hindi ko gagawin ‘yon.
“Sienna...” narinig kong sambit nito. Nagising na naman pala ito.
“Hindi ba ako kamahal-mahal?” Biglang tanong nito kaya napakunot ang noo ko. Ano na naman ang pinagsasasabi ng lalaking ito? Ganito ba kapag nagkakasakit? Ang daming realisasyon sa buhay?
Hindi ko siya sinagot. Umiwas na lamang ako at nagkunwaring hindi ko narinig.
“Gusto ko lang naman maranasan magmahal at mahalin,” patuloy nito. “Sabi ko sa kaniya, hinding hindi na ako muling magmamahal kung hindi rin lang naman siya... I assured her and gave her everything. But still I’m the one left with nothing.”
Ang dami niyang sinasabi. Bakit naman kasi binigay niya lahat? ‘Yan tuloy naubos siya. Kasalanan na niya ‘yon, bahala siya sa buhay niya.
“At alam mo ‘yong pinakamasakit? I’m questioning my worth. Kasi hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung sapat ba ang lahat ng binigay ko na pagmamahal para manatili siya sa akin. May nagawa ba akong mali? I’ve never cheated. Or did I know I made a mistake. She just suddenly left me without any valid reason.” I am speechless with everything he said. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng nagmamahal at minamahal.
“Sienna... nakikinig ka ba?” Ano ba ang gusto niyang sabihin ko sa kaniya?
“Kinakausap mo ba ako?” Pagmamaang-maangan ko, “Sorry, hindi ko narinig ang lakas kasi ng ulan. Ano ulit ‘yon?” dagdag ko pa.
“Tss. I know you heard me. If you didn’t you’ll not even hear that I call your name,” saad nito. Akala ko makakaligtas na ako, maling akala lang pala. Napabuntong hininga na lamang ako.
“Hindi ko alam kung ano’ng pinagdadaanan mo sa buhay o kung ano’ng nangyayari sa inyo ni Ivory. Ang sa akin lang hindi ko gustong manghimasok sa buhay ninyo kaya p’wede ba ‘wag niyo na ako idamay,” wika ko at inirapan siya.
“Damay ka na... the moment that malicious video leaked,” saad nito kaya napakunot ang noo ko.
“Sana hindi na lang nagtagpo ang landas natin. Edi sana tahimik ang buhay ko ngayon,” sabi ko.
“I’m sorry, Sienna,” nauutal na sambit nito.
“Hindi na mababago ng sorry mo ang kapalaran ko sa school na ito... naglaho na lahat ng pangarap ko.” Hinarap ko siya.
“Alam mo ba kung gaano kaimportante sa akin ang makapag-aral dito? Katumbas ng buhay ko ito. Dahil kung hindi ako makakapag-aral, mananatili akong nakakulong!” bulyaw ko sa kaniya. Hindi niya ‘yon inaasahan kaya medyo nagulat ito sa inasta ko.
“Nakakulong?” Bigla kong na-realize ang sinabi ko kaya napatikom ako ng bibig. Pinunasan ko ang luha ko na dumaloy sa pisngi ko at saka tinalikuran siya.
“You will still live your dreams, Sienna,” sabi nito. Ito na ba ang tinutukoy ng nabasa ko sa phone niya. “Kinausap ko na ang faculth at si Dean. Hindi ka na ma-e-expell, at wala ka rin sanction na matatanggap,” dagdag pa niya. Kaya medyo gumaan ang loob ko sa narinig ko. Ngunit iniisip ko kung ano naman ang kapalit nito.
Hinarap ko siyang muli, “At ano naman ang maging kapalit niyan? Maging boyfriend ka?”
“No,” giit nito. “All of that was n-nothing but pure intention to help you,” dagdag pa niya.
“Sana nga... “ sabi ko ng pabulong.
“Sa tingin mo ba ginawa ko ‘yon para lang pumayag ka sa inaalok ko?” tanong nito.
“Kung hindi, para saan ‘yang inaalok mo ha? Hindi naman p’wedeng walang rason ‘yon, hindi ako tanga para hindi paghinalaan lahat ng gingawa mo sa akin!” tugon ko. Mukhang magdidiskusyon pa kami sa madilim at malamig na gabing ito.
“For her to come back!” mariing sabi nito. “Seeing from her reaction earlier. She’s jealous you—“
“Kaya kailangan mong manggamit ng tao para lang maibalik siya sa piling mo? Napakagago mo!” sigaw ko sa kaniya.
“Gago na kong gago! But I will do everything to bring her back even if that means using you!” Napatigil ako sa sinabi niya. Nanghina ako bigla na para bang binagsakan ako ng mabigat na bagay.
Naramdaman kong muli ang pagpatak ng luha ko.
“Wow! Ano ba’ng tingin niyo sa akin? Bagay na p’wede niyong bilhin at gamit-gamitin hanggang kailan niyo gusto!?”
Gumalaw ito at pilit na tumayo at gusto akong lapitan.
“S-sienna, I didn’t mean to say that. I’m sorry.” Kinuha ko ang bag ko sa sahig para umuwi na dahil hindi ko na maatim na makasama pa itong lalaking ito. Bahala na siya sa buhay niya, wala na akong pake kung ano man ang mangyari sa kaniya rito.
Bago pa man ako makalabas ay hinarangan niya ako at hinawakan sa braso.
“Please, don’t leave me.” Hindi ko siya pinakinggan, tinulak ko ito kaya ngayon ay natumba ito sa sahig. Bago ako umalis tiningnan ko siya ng mataimtim.
“Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka niya iniwan... dahil hindi niya deserve ang lalaking tulad mo,” sabi ko at saka tumakbo na papalayo. Kahit bumubuhos pa rin ang ulan ay hindi ko na ito wari. Naririnig ko rin ang pagtawag niya sa pangalan ko habang ako’y papalayo ngunit hindi ko ito pinansin.
Bahala siyang manigas sa lamig doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/305515706-288-k982415.jpg)
BINABASA MO ANG
Academy Stripper
RomanceFormer Title (TAINTED HUES) Sienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called...