Kabanata 1
Syl
"Magkano ang na-tip sa'yo kagabi?" usyoso ng kasamahan ko sa Hermosa Club na si Suzie habang naglalakad kami patungo ng dressing room.
"Nasa isandaang libo rin kaya lang alam mo na. Fifty percent ang cut ng club tapos twenty percent sa manager," sagot ko.
She folded her arms in front of her chest. "Bakit kasi nakukuntento ka lang diyan sa paglambitin mo sa pole? Kung nagpapa-table ka't nagpapa-take out, eh 'di malaki sana palagi ang naiuuwi mo? Tingnan mo si Elona. Naka-jackpot na ng parokyano. Ang aga siyang inilabas para lang ipag-shopping!"
"Hindi na. Malaki naman ang kita sa pagsasayaw," saad ko.
As much as I want to earn enough so I could leave this place already, I don't want to be like the rest of my co-workers.
Nilunok ko na ang pride ko noong tinanggap ko ang offer na maging mananayaw. One of the agents found me joining a screening for a show.
She took me somewhere fancy and gave me a big cheque. She said I can have it as an advance payment should I accept her offer to work at Hermosa Club. Desperada na ako noon dahil dalawang araw nang walang kain. Wala rin akong ibang trabahong mapasukan kaya sa istasyon ng bus nagpapalipas ng gabi.
Dala ng gutom at kagustuhang may mapala sa paglayas ko sa amin ay pikit-mata kong tinanggap ang alok niya sa isang kundisyon. I will just be a regular dancer. Nothing more, nothing less.
"Sabi ni Sir Tuck may mga bagong parokyanong nag-book ng VVIP. Kung matipuhan ka ay sumama ka na! Mahina ang tip na isang milyon kapag sa VVIP ang pwesto," pangungumbinsi ni Suzie pagpasok namin ng dressing room.
I sighed. Nagsasayaw pa lamang ako nang nakahubad ay diring-diri na ako sa sarili ko. Paano pa iyong sasama ako sa iba't ibang lalake kapalit ng mas malaking kita?
Yes, most of my co-workers earn six to seven digits a month. Iyong pinakamalakas kumita ay abot pa ng eight digits ang kayang kitain. Nakakainggit, oo pero bago ko pinirmahan ang kontrata sa Hermosa Club, ipinangako ko na sa sarili kong wala nang ibang makagagalaw sa aking lalake.
I will let other men see me naked, but they will never have what Joaquin had. Kahit na ilang taon na ang lumipas, kahit na wala na akong balita sa kanya, kung may bago na ba siyang nobya o wala, nananatili siya sa puso ko.
"Hey," bati ko kay Elona. She was already doing her look for tonight when we came in.
Mahinang kaway lamang ang isinagot niya. Sanay na ako dahil siya naman ang pinakatahimik sa lahat ng babae rito. There's about thirty of us but not everyone comes to work often. Iyong iba ay on-call kapag maraming customer.
Dalawa kami ni Elona sa unang batch. Nauna lamang siya sa akin dito ng isang buwan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa kanya maliban sa pangalan niya.
I don't even know her last name. She talks to me sometimes but only when it's work-related. I guess she's not really that much of a people-person.
Elona pushed a sealed lipstick towards me. Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtataka.
"May sale." She straightened her back. "I uhm thought you'd like the shade."
I flashed a half smile. "Thanks."
Nahasa nang husto ang pakikipag-usap ko ng Ingles sa Hermosa Club. Dahil hindi naman pipitsuging lugar ay nag-undergo kami ng trainings bago tuluyang isinalang sa entablado.
Elona breathed in a sharp breath. "This might be my last night."
Napatigil ako sa akmang pagbubukas ng moisturizer ko. "Magre-resign ka na?"
BINABASA MO ANG
HERMOSA CLUB SERIES: Trick or Tears
RomanceSylestia wanted nothing but a good future. Sick and tired of her poor provincial life, Syl left her hometown without bidding goodbye to anyone-pati na sa long-term boyfriend niyang si Joaquin. Nakipagsapalaran sa Maynila hanggang sa nawalan ng pagp...