"Itlog na naman score mo?"tanong ni Jasper nang maibalik sa amin ng professor namin ang test paper namin,
Jasper Faulkerson, pinsan ko at kaklase ko din, same kami ng course which is med ang pinagkaiba lang namin ay matalino sya, ako ang boba kaya lagi akong grounded kay mommy.
Nagtake ako ng med kase naubusan ako ng slot sa architecture kaya no choice ako dahil mas maraming bakante sa med keysa sa archi kaya dito na lang ako nag enroll.
"You don't have any care, okay?" Tanong ko sabay bawi ng test paper ko, "hindi naman ikaw yung itlog ang score pero ikaw yung apektado, pasalamat ka nga at perfect ka"
"Pag talaga nakita ni tita Miriam iyan, for sure magagalit na naman iyon, alam mo naman na kaya ka nilang i-grounded"sabi ni Jasper,
"Pero kung hindi mo naman sasabihin sa kaniya, hindi naman niya 'to malalaman"sabi ko sabay tingin sa kanya ng up and down, "unless may kailangan ka sa kanila kaya pwede mo sa kanilang sabihin, sipsip ka pa naman"
"Aba, ganyan na score mo, ayaw mo pang sabihin ko? Nako, pag nag grades giving, mas malilintikan ka" sabi niya at inirapan ko sya,
"Basta huwag mong sabihin"sabi ko,
"Tandaan mo Celestina, you're mom have high expectations sayo kase all your sister is consistent honor student, mga summa cum laude kaya umayos ka"sabi nya,
"Hindi naman 'to ang gusto kong course, ito lang yung nagkataon na may bakante kaya dito na ako nag enroll"sabi ko at natawa sya, "siguro kung nagkaroon ako ng slot sa architecture siguro hindi ganito ang score and grades ko"
"Sabihin mo, nandito kase ang pogi mong crush nung highschool kaya dito ka nag enroll"sabi nya at inirapan ko sya, "kung gusto mo talagang i-push ang pag archi, pwede namang sa ibang university ka mag aral hindi yung pinagpipilitan mo yung sarili mo dito para lang makita mo yung crush mo"
"One of the reason lang iyan pero ang pinaka main reason ko talaga ay yung wala ng bakante sa archi"sabi ko.
"Sus, sa dami ng itlog sa test paper mo, pwede mo na iyan ipang ulam" pang aasar nya, inirapan ko sya, tumayo na para pumunta sa canteen at billiard dito sa may univeristy.
Habang naglalakad sa may hallway ay nakasalubong ko na naman ang nakasabunutan kong babae kahapon sa billiard, kasama nya ang mga kaibigan nyang ang kakapal ng kilay, natigil sila sa pag uusap nang isa sa kaibigan ni Adrielle ay tinuro ako,
"Look who's here"sabi niya at natawa ako, "a bad looking bitch"
"Huwag ka ng magtangka pa na patulan ako kase ikaw lang ang kawawa, pasalamat ka nga na pinigilan ako ni Jasper kahapon sa away kundi baka mamaya ay pinaglalamayan ka na ngayon, mahina at duwag ka pa naman pag pinatulan na kita"sabi ko at natawa syang tumuro sa sarili nya,
"Ako? Mahina at duwag? Ako nga naghamon ng away sayo tapos sinabihan mo pa ako ng duwag?" Tanong nya,
"Oo, sinong hindi duwag e nung nilampaso ko na yung mukha mo sa billiard board, bigla ka na lang naiyak at nahingi ng tulong"pag taas ng kilay ko sa kanya at napairap sya, "ikaw nga ang unang humamon, ikaw din ang unang sumuko tapos hindi ka duwag?"
"Sige ngayon, labanan mo na ako, hindi na ako aatras, papatunayan ko sayo na hindi ako duwag"sabi nya at nagmake face ako,
"Huwag na, makasuhan pa ako ng animal abuse"pagkasabi ko no'n ay nilampasan ko na sya.
YOU ARE READING
Fates Gentle Whisper
RomanceBGSA SERIES #2 Sa pamilya faulkerson, si Celestina Beatrice Faulkerson ang tanging med student sa pamilya nila na laging itlog ang score sa test, sya din ay party girl, panay paglalasing at panay paghahanap ng magiging FUBU nya kaya talagang nawalan...