Chapter 7

46 3 0
                                    

Kinabukasan. 

Maagang nagising si Romary. Masakit ang ulo niya dahil sa kalasingan kagabi. "Oh my mother dear! Anong kalat na naman ang ginawa mo?" tanong niya sa sarili nang makita ang hitsura. Puro buhangin ang binti niya, and probably, hindi siya nagpunas ng katawan, ni amoy ng bibig niya'y alak pa rin. Idagdag pa ang buhok niya na tila nasabunutan sa kanto. 

"Oh shit..."

Napabalikwas siya saka tiningnan ang katabing si Charlotte. Nakahiga pa rin ito, while her mask in her face, two cucumber dip in her eyes and a hair mesh to hold her hair. 

Kabaliktaran ang hitsura nito sa kaniya. 

Bahagya niya itong niyugyog. 

"Karlota...gumising ka. Hoy! Gising!" 

Dahan-dahan itong nag-unat ng braso saka kinuha ang dalawang pipino sa kaniyang mata. 

"Hmmm...nakakabulahaw ka."

"Tell me, anong nangyari sa'kin?"

Umirap ito saka umismid. "Palagay mo?"

"Ano nga?"

Bumangon si Charlotte saka bumuntong-hininga.
"Naglasing ka, ewan ko sa'yo, ang taas ng amats mo kagabi, nag-declamation speech ka pa nga..."

"Ha? My god?"

"Kasama mo si asyano, kaya kinuha na kita, bago ka pa ma-rape."

"Si? Sino? Si Peruvian?"

"Oo, sino pa ba? Kayo lang naman magkasama kagabi ah," medyo nagtatampo na boses nito. 

Romary handed her phone and check the time. It's six o'clock in the morning. Aalis na siya mamayang alas nuebe. Kailangan na niyang maghanda. 

"By the way," Romary stand up and stare to Charlotte. "Aalis na ako mamayang nine, mag-ingat ka rito ha. Balitaan mo na lang ako, kung kailan ka uuwi nang masamahan kita." 

"Don't worry, tita. I can handle myself," matatag na sambit ni Charlotte. 

Agad na pumanhik si Romary sa kaniyang tokador at tiningnan ang kaniyang hitsura. She looks awful. 

"Damn it! I need to take a shower!" While handling the towel. Hindi dapat siya magtagal dahil may dalawang oras ang byahe papunta sa isang private helipad station, sasakay siya ng eroplano para makapunta agad sa kaibigang si Georgina, nasa Surigao kasi ito at may pinapasuyo, kailangan niyang pumunta. 

She eat her breakfast and ready her things. Hindi na siya nagsayang ng oras, besides, plano naman talaga ni Charlotte na mag-isa dito sa Romblon. Wala naman talaga siyang balak na magtagal kasama ito. 

"I'm going now..." Paalam niya sa dalaga. 

Ngumiti si Charlotte saka lumapit rito. "Take care, tita, thank you so much..." 

"You're welcome, dear. I'm just here for you."

"Sige, baka mahuli ako sa byahe. Aalis na ako." Ngiti pabalik ni Romary saka lumabas sa kanilang kwarto. Iniwan niya ang sasakyan niya kay Charlotte. Marunong naman itong magdrive, besides, magko-commute nalang siya papunta sa station. 

Nang makalabas siya sa resort ay hindi niya inaasahan ang taong kanina pa nakatingin sa kaniya. It's Peruvian, seems like he is also leaving. Dala kasi nito ang isang backpack, and, he is riding his motorcycle, as if may hinihintay ito. 

"Where are you going?" wala sa isip na tanong ni Peruvian. 

Lumingon si Romary sa magkabilang gilid saka itinuro ang sarili. "Ako ba ang kinakausap mo?"

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon