"Inom na sis!"
"Ayoko, magagalit ang asawa ko." Pagtanggi ko sa mga kaibigan kong nagsisiyahan sa loob ng bar.
"Sis, nakakatimpi na talaga ‘yang asawa mo." Ani ni Virn.
"Ano ba kayo, mabait naman siya." Pagdedepensa ko sa asawa ko. "At saka hayaan niyo na, wala naman siya dito ngayon."
"You can't change the fact na panget ugali niya." Dagdag naman ni Jain.
"True babe. Hindi mo deserve ang apilyido niya." Dagdag pa ni Virn.
Huminga na lang ako nang malalim dahil sa mga sinabi nila tungkol sa asawa ko.
May parte sa‘kin na gustong magsabi ng 'totoo' sa mga sinasabi nila pero parang sinasaksak ko na sa likod ang asawa ko.
Hinayaan ko na lang sila magreklamo tungkol sa ugali at pakikitungo sa‘kin ng asawa ko.
Si Jain ay journalist, at si Virn ay psychiatrist. Ngayon lang kami nagkaroon ng free time na tatlo kaya hindi na namin sinayang, dahil may flight nanaman ako bukas ng gabi.
Nagbago na ang asawa ko sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Pagkatapos ko kasing grumaduate sa college ay nag-propose na siya sa‘kin.
Ibang-iba na ang trato niya sa‘kin ngayon kumpara noong mag nobya at nobyo pa lang kami.
Winaksi ko na lang ang iniisip ko tungkol sakanya dahil alam ko namang pagod lang siya madalas sa trabaho especially ngayon na siya na ang CEO sa kumpanya nila.
kinuha ko na lang ang cocktail ko at isahang ininom iyon.
Napahiyaw pa ang dalawa dahil sa ginawa ko.
Sa hotel naman ako dederetso mamaya kaya hindi ko inaalala ang asawa ko, posible rin na hindi na niya ako tawagan mamayang gabi dahil nakagawian na niya ‘yon.
Tinuloy ko lang ang uminom nang uminom, ang kaninang dapat cocktail lang na iniinom ko ay napalitan ng Whiskey.
Sinulit ko na ang gabing ‘to dahil balik trabaho nanaman bukas.
Nakipagsabayan ako sa hiyaw ng mga kaibigan ko, at alam ko sa sarili kong may tama na ako.
Ilang minuto pa ang tumagal nang makaramdam ako ng ihi.
"Restroom lang ako" Paalam ko sa dalawa pero mukhang wala silang narinig kaya kusa na lang akong tumayo.
Pahawak-hawak ako sa pader para suportahan ang sarili ko.
Tumigil ako sa gilid ng pinto ng restroom ng makaramdam ako ng pagkahilo.
Humawak ako sa ulo ko bago pumasok, ngunit nanlaki ang mata ko dahil sa nasaksihan.
"Hala! Sorry po! Mamaya na lang siguro ako hehe... Sige tuloy niyo na ‘yan."
Dali-dali akong lumabas at napatigil nang makaramdam nanaman ako ng hilo.
Kainis naman.
YOU ARE READING
Unpredictable Smile (CTR series #2)
Random"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like these will happen?"