2

1 0 0
                                    











Pag ka pasok na pag ka pasok ko sa private plane ay naupo kaagad ako at tinahaya ang sarili sa upuan, damn kapagod ang araw na ito. Sinusubok nalang talaga ako palagi piste.


Nagising ako dahil sa yugyog ng kasama naming FA at sinabeng nasa bacolod airport na kami kaya naman na dismaya kaagad ako, shuta nakatulogan ko ang plano ko sanang kumain ng Jollibee habang nanonood sa labas ng eroplano! Putcha naman nakalimutan ko, 'yan tuloy nandito na kami.

Malanta akong umayos at at tumayo bago inis na dinala ang bag kong malaki na kung saan nandon sana ang Jollibee bucket ko na kakainin, pambihira. Bat banaman kasi hinayaan kong matulog ang sarili ko?  Nag lakad nalang ako habang naka sunod sa FA na nauna sa'kin, pag ka baba namin ay siya namang pag ring ng cellphone ko, wala akonng balak na sagutin ito pero dahil sa nakita ko ang caller ay sinagot ko na lamang ito.


"Yes, dad?" Halata ang kawalan ng buhay sa boses ko, kingina ikaw kaya mag plano ng ganon. Subrang excited ko panaman kanina na gawin 'yon kahit hindi halata saakin ay masakit talaga na hindi ko nagawa.


"Hi darling, what happened? You good?" Tumango ako kahit na alam ko namang hindi nito makikita.

"Yeah, bakit ka po napatawag?" Binaliwala ko na lamang 'yon at iniba ang usapan. Nakakalungkot kasi eh. Baka hindi ko kayanin at mag bigti pa ako.

"Oh.. i call to inform that one of our drivers will pick you up." I 'hmm'

"Okay, thats it?"

"Yes, take care and behave darling." Napaismid ako sa huling sinabe nito bago ako binabaan ng tawag, bwesit kahit itaga pa nila sa bato ang salitang 'behave' na 'yan ay mapapagod lamang sila dahil wala ring mangyayari.


Nag lakad ako at kaagad na namataan ang black na sasakyan at don may nakatayong binatang lalaki, matanda ata sa'kin ng ilang taon. Bumaling ito sa'kin kaagad at binuksan ang backseat, pumasok ako roon at pinahinga ang aking likod sa headrest. May jetlag pa ata ako ah.


Nag tagal kami ng kaunti dahil sa malayo ang airport sa mansilingan, nasa silay kasi ang airport ng bacolod at ang aming mansion ay nasa mansilingan kaya naman medyo malayo, hindi ko mapigilan matulog ulit dahil sa pagod at ng magising ay dumeritso kaagad ako sa aking kwarto at doon pinag patuloy ang pag tulog, ilang ulit na naisturbo ang tulog ko at naiinis na ako.



Nagising akong umaga na, its 6 am in the morning at naalala kong hindi napala ako nakapag dinner kagabi dahil sa pagod, napatingin ako sa pinto ng aking kwarto ng makarinig ng katok roon.

"Come." Nakaupo ako sa vanity mirror ko ng bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang isa sa katulong namin.

"Good morning po miss zathara, luto na po kasi ang iyong agahan. Gusto niyo po bang dalhin dito o sa baba napo kayo kakain?" Tumango lang ako rito at binalik ang tingin sa salamin.

"Bababa ako." Tumango ito at nag paalam.

Inayos ko ang aking sarili at nag suot ng wrap top at pinarisan ng jump suite, balak ko sanang mag libot pagkatapos kong kumain maaga pa naman kasi e at isa pa sunday palang naman at bukas pa ang unang araw ko sa MAIHS.

Napapaisip ako kung paano kaya nila inayos ni daddy at napapayag na malipat ako kahit na nakapag take na ng first examination don, siguro nga dahil na rin siguro sa surname na min o di kaya ay sa pera? Pwede namang both.


Kumakain ako ng pumasok ang binatang lalaki kagabi na nag sundo saakin, hindi ko kilala ang isang 'to kaya naman tinawag ko ito.


"Are you new here?" Umiling ito, napakunot ang noo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her SolaceWhere stories live. Discover now